Part 11

12 1 0
                                    


Princess pov

Mula noong martes  halos hindi ko napapansin si russel! Malamang busy sa Girlfriend niya samantala Best Friend lang ako! Buhay!! Si annika ang halos kasama ko nitong nakaraan dahil busy din si janice at geraldine sa kanilang ginawang project!

Napangiti ako ng makita ko si annika kumakaway. Mabilis ko itong ginantihan ng kaway! Pag tiyagaan ko  nalang pakisamahan ito halos mag iisang buwan mahigit nalang hindi ko na sila makikita! Mabilis itong umupo sa tabi ko at naglabas ng notes.

Usapan naming mag review dahil sa nalalapit na final!!

"Alam mo ba si mrs. Valdez, tinawag ako kahapon! Akala kong ano na sinabi lang pala niya na dapat mag review tayo ng maigi dahil hindi madali ang ibibigay niyang tanong sa final natin!"sabi ni annika

"Naku!! Si mrs. valdez pa ganyan naman yan since!"bulaslas ko

"Pero first time kong mabato ng chalk 'no!"natatawang sabi ni annika

Kaya napatawa na din ako!

"Nga pala nakiusap si russel sa akin kung pwede ba makausap ka niya mamaya sa rooftop!"ani annika

Natigilan ako at tumingin kay annika! Ngumiti ito at ginanap ang kamay ko!

"Alam kong Best Friend kayo ni russel dati pa, palagi ka nga niyang naikwento sa akin pero lately marami na ang nangyari kaya gusto ka niyang makausap ng masinsinan!"sambit nito
"Mag ayos na kayo alam kong mahalaga ang inyong pinagsamahan!"

Tumango ako saka ngumiti!

"Hihintayin ka niya after lunch!"sabi nito

"Hindi ka ba magselos?"nagawa kong pang magtanong

Tumawa ito at nagkagat labi!

"Hindi ako magseselos dahil alam kong solid ang pagiging mag kaibigan niyo! Alam ko ding mahal na mahal ako ni russel at alam kong hindi yung tipo ni russel ang gusto mo! Ilang buwan kong hindi sinagot si russel dahil pinag aralan ko ang relasyon niyo at masasabi kong tunay na kaibigan lang ang namamagitan sa inyo! He treat you as a little Sister and you treat him as a brother!! Kaya wala akong ipangamba!"kampante nitong sabi

Napangiti ako saka humugot ng hininga!!

"Alagaan mo ang Best Friend ko huh!"nakangiti kong sabi

"Naku hindi mo pa sinabi ginawa ko na!"natatawa nitong sabi kaya napatawa na din ako

Pagdating lunch agad akong dumaritso sa cafeteria para kumain. Sa rooftop ako pupunta paglabas ko sa cafeteria! Kinabahan ako. Halos ilang araw kaming hindi nagkasama ni russel at na miss ko siya!

Alam kong nasanay lang ako sa kanyang presensiya kaya medyo nasasaktan ako.

Mabilis akong luminga linga pagdating sa rooftop. Nakita ko itong nakatayo nakatanaw sa baba. Kinabahan man ako pero lumapit ako!

"Hi.."bati ko

Mabilis itong napatingin sa akin at bigla akong kinabig payakap. Biglang lumakas ang tibok ng dibdib ko. Naamoy ko ang kanyang pabango! Shit! He smell so good!

Shit!! Sa tagal tagal naming magkasama ngayon ko lang ito napansin! Hindi maari ito.

"I miss you kulot!"sabi nito at hinaplos ang buhok ko

Tinabig ko ito saka tinampal sa braso.
Napatawa ito sa ginawa ko.

"Hindi mo ba ako namiss?"pacute nitong tanong sa akin

"Hindi 'no!! Paano naman, ako palagi ang pinagtripan mo!"inis kong sabi

Niyakap ulit ako nito kaya yumakap din ako! Simpre miss ko rin ang lokong ito 'no!

"Sorry sa hindi ko pagsabi sayo!! Sorry at nakalimutan ko ang usapan natin! Sorry sa mga nasabi ko sayo na kinasakit ng damdamin mo! Para na kitang kapatid princess at ayaw kong may kahati akong atensiyon sayo!! Your are mine !!"seryoso sabi nito

Mabilis ko itong sinuntok sa balikat kaya napatawa ito.

"I'm your brother dahil sa akin ka binilin ni tito kaya akin ka!"nakangisi nitong sabi

Napatawa ako saka tinampal ulit!

"Aaww.."daing nito

"Puro ka talaga kalukuhan!"natatawa kong sabi

"At least napatawa kita!"bulaslas nito
"Hindi na ako mangingialam sa mga gagawin mo pero siguraduhin mo lang na safe ka kulot!!"

Kapwa kami nakangiti habang nagtinginan! Masaya ako at nagkaayos muli kami pero ang kinabahala ko ay ang aking sariling damdamin! Bago niya malaman gustong kong kalimutan ang feeling na ito. Ayaw ko ding malaman niya! Never!!

**

Nangdumating ang birthday ni annika nag desisyon  kaming sabay na pumunta ni russel doon. Ilang minuto na akong naghintay pero hindi pa dumating si russel! Marahan aking humiga ng malalim!

Isa ang pinaka hate ko kay russel kung mag ayos parang babae ang tagal matapos!! Aabot ng madaling araw.

Mag alas singko na ng hapon ang usapan namin 4 niya ako susunduin.

Maya maya pa ay natatanaw ko na ang isang puting mux na sasakyan nila. Bumusina pa ito at nagbaba ng salamin sa sasakyan! Nakasuot din ito ng puting cap!

Naniningkit ang mata nito! Alam ko kung bakit na naman!

"Mag bihis ka nga ng matino doon!"inis na sabi nito

Napatawa ako ng pakla! Right! Sabi ko na nga ba mag react ito sa  suot ko. Isang highwaist na maiksing short ang suot ko sa upper naman isang floral na spaghetti . Gaya dati senarentas ko ang aking buhok at nagsuot  ng puting cup. Isang pares ng puting sandal ang suot ko sa paa at may sling bag pa!

"Party ang pupuntahan natin hindi pag momodel!"dagdag na sabi nito

"Ano ba ang expect mong susuotin ko long gown para namang sumali ako ng debutant!"natatawa kong sabi saka umikot sa kabilang passenger seat!

Humugot ito ng hininga saka nagkagat labi! Nagpigil ng sasabihin!

"Fine!! S-Sorry!!"paumanhin nito

Napatawa ako sabay suot ng seatbelt.

"Kung may pagmomodel bang maganap mamaya feel mo makukuha ako!"sambit ko at tumingin sa kanya

Umasim ang mukha nito kaya napangiti ako.

Nakasuot ito ng itim na polo at itim na jeans kaya litaw ang kaputian nito! Nakatalikod pa ang porma ng cap niyang suot kaya nagmumukhang pogi talaga. Halatang sa aura na masaya siya dahil kapansin pansin  ang kumikinang na mga mata.

Stop na!! Wag kang timang princess!!

"Pogi ba?"tanong nito

"Sino?"taka kong tanong kaya napatawa ito at umiling iling habang naka focus ang mata sa daan.

"Never mind kulot!"

"Tigilan mo nga ako sa katatawag na kulot!"inis kong sabi

Minsan nakakainis din ang pagtawag niya pero hindi ko nalang pinapansin kaysa tawagin niya akong stocky na ikagalit ko pa!!!

••••

Stocky- short(pandak)

Your always mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon