Part 24

12 2 0
                                    


Princess pov

Napangiti ako habang tinitingnan ang natapos   kong layout! Nagawa ko na ang ground floor pa lang . Dalawang  palapag pa ang kulang. Bahagya akong uminat! 

Mag- iisang buwan  na mula noong tumuntong ako dito! So far so good ok lang naman, halos dito lang din ako sa kwarto gumagawa ng layout, paminsan minsan lumabas naman ako pero sandali lang para lumanghap ng hangin saka bumalik ulit sa loob.

Akala ko madali lang ang mga ganitong bagay dahil nakasanay ko pero hindi pala! Mas lalo akong nahihirapan dahil kada palapag may treinta  kwarto at sa bawat kwarto may banyo at terrace!

Nagkagat labi ako ng marinig kong may kumatok! Agad ko itong binuksan! Si james!

Nakasuot ito ng sando na puti at summer  short! Halata sa katawan  alaga ng gym! Nakaplastar na ang ngiti nito.

"Hi.."bati ko

"Hi.. pasensiya sa distorbo yung  swimming pool kasi gusto ko sanang palitan!"nakangiti nitong sabi

Napangiti ako saka tumango!

"Ok!! Ano pa?"tanong ko

"Dalawang pool may pang bata at may pang adult. Plano din ni daddy gawing rooftop ang itaas ng 3rd floor at lagyan din ng  pool!"ani nito

Napatango ako! Kainis mas lalo akong hindi makauwi dito! Sana si stella nalang ang pinili ni sir chavez hindi nalang ako!

"Pasensiya ka na at dito pa ako nakipag-usap sayo! Bakit hindi muna tayo doon sa may hardin para makapag-usap tayo ng maayos!"anyaya nito

Tumango ako! Agad ako nitong ginaya sa hardin! Mag alas kuatro na ng hapon kaya medyo malamig na. Magandang tingnan ang araw na papalubog sa dagat at ilang oras nalang mag sunset na!

"Hindi mo ba ako nakilala?"tanong nito

Napatingin ako sa kanya! Kakilala lang namin nitong nakaraan!

"Kilala mo ako?"tanong ko

Napangiti ako saka tumango tango!

"James!"ani nito

Naniningkit ang kilay ko! James naman talaga ang pangalan niya!

"I guess hindi mo ako natatandaan o nakikita paano naman masyado kang tinago ng best friend mo!"ani nito at umiiling.

Mas lalo akong nagtaka! Anong best friend? Sino ba talaga siya? Kaibigan ni  russel? Si russel lang kasi ang best friend ko!

"Kaibigan ko si russel back in college!! Hindi mo pala ako nakilala dahil ayaw niyang ipakilala ako ahaha!"natatawa nitong sabi saka umiling

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya! Shit!!
Kung alam ko lang may ganito ka gwapo ang kaibigan ng best friend ko baka ito nalang ang pagbalingan ko ng pansin. Ngumiti ito.

Napatitig ako sa kanya. Pati mata nito ngumiti napakagwapo tingin plus ang adam's apple nito  na kapansin pansin dahil medyo malaki. Ito ata ang best asset niya!
Yung iba kasi pangit tingin dahil hindi nababagay sa kanilA ang adam's apple , pero ang isang ito bakit mas nadagdagan ang ka gwapuhan nito!

"Maligo kami mamaya sa dagat baka gusto mong sumama!"anyaya nito

"Ok!! Sige ba!"nakangiti kong sang ayon

Napatawa ito. Darn! Bakit mas lalo siyang gumagwapo  pag tumawa!

"Nagsisi ka ba dahil ngayon mo lang ako nakilala?"pabiro nitong tanong

Ako naman ang napatawa!

"Ikakasal na si russel..."ani nito

Napatango ako saka ngumiti!

Your always mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon