Part 22

9 1 0
                                    

Two minutes before one dumating ako! Medyo Traffic kasi! Agad kong natanaw si mama, katabi si annika habang kausap ang wedding planer namin! Ngumiti ako! Atlast nakita ko siya! She's still beautiful as ever! My annika.

Agad kong tinungo ang entrada papasok sa loob. Natigilan si bobby ang baklang nag planer sa amin!

"Naku!!!  Naku!! Naku!"tili nito ng makita ako

Nagtaka si mama at si annika.

"Hi girls!!"nakangiti kong bati

Agad na napalingon sila mama at annika. Ngumiti ako. Mabilis na tumayo si annika at yumakap sa akin. Sa wakas nayayakap ko na siya!

"Babe.. i miss you!"bulong nito

Hinagod ko ang likod niya at marahang hinalikan sa may ulo niya.

"Ikaw lang ba!!"malambing kong sabi

Ngumiti ito at ginaya ako sa upuan!

"Mabuti naman at nandito ang groom para mapag desisyonan niyong dalawa kong ano ang gusto niyong design sa reception at kulay ng gown!"ani ni bobby ang tiningnan ako.

"Hi ma!"bati ko ni mama at humalik sa pisngi nito

Agad akong umupo sa tabi ni annika!

"Saan mo ba gustong ilagay ang reception?"tanong ni bobby

"Gusto ko sana sa private!"ani annika

"Pwede.. any suggestion russel?"tanong ni bobby!

Nag isip ako! Saan ba Pwede ?? Eemhpp!

"Bakit hindi natin subukan sa real estate ni flores!"ani ko

"Talaga babe!! Doon tayo!! Sige gusto ko doon!"agad na sabi ni annika

Napangiti akong tumingin kay annika!

"Tatawagan ko si flores mamaya baka may available pa!"sabi ko

"Ok na! Ok!! Mommy ikaw wala ka bang i share ?!"tanong ni bobby kay mama

Ngumiti si mama.

"Masaya ako kung masaya ang anak ko!"sagot nito

Napatango si bobby saka pumalakpak!

"Naku!! Kinikilig ako sa inyo wag kayo dito mag lambingan!"ani bobby at umikot ang mata

Nagyayakapan kasi kami at panay ang halik ni annika sa pisngi ko .

"Mauna na ako russel!"paalam ni mama sa akin

Agad na tumayo si annika at humalik sa pisngi ni mama!

"Ingat kayo tita!"ani pa nito

Ngumiti lang si mama saka bumaling sa akin. Pinisil ang balikat ko.

"Kayo din mag ingat kayo!"ani nito at lumabas na

"Babe nagugutom ako!"Sabi ko

"Naku!! Tamang tama hindi pa ako kumain sabay tayong kumain russel hindi naman siguro mag seselos si annikA sa akin!"nakangiti nitong sabi

Tumawa si annika!

"Walang problema bobby!!"tugon nito

Mag react sana ako ng hilain ako ni bobby papunta sa katabi nitong restaurant! Agad itong nag order! Marahan akong sumilip ng matanaw ko si annika may kausap sa cellphone halatang nakangiti!

"Alam mo tama si mommy wala talaga eeh!"ani ni bobby habang hinihintay ang order namin!

"Ano ang ibig mong sabihin?"taka kong tanong

Your always mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon