Part 49

13 2 0
                                    

Ilang araw din akong nakatambay sa kwarto. Kain tulog lang ang ginawa ko. Hindi na din ako kinatok o sinilip ni mama simula noong dumating ito mula italy  halatang galit pa rin ito sa akin!
Kaya nag desisyon akong bumaba at kinatok ito sa pinto. Nakailang katok ako ng bumukas ito. Si bobby. Ngumiti ito.

"Pasok ka..palabas na din ako!!"ani nito at lumabas na

Agad akong pumasok at tinungo si mama na nakahiga patalikod sa kama. Niyakap ko ito sa likuran niya at hindi ko mapigilang mapaiyak.

"Ma..sorry!!"hingi ko ulit ng paumanhin

"Ano ba ang  iniyak mo diyan?"takang tanong nito at bumangon. Suminghot ako at nagpahid ng luha

"Sorry ma.."ulit ko nito

Hinaplos ang mukha ko saka ngingitian ako!

"It's ok!! Hindi ako galit sayo!! Hindi lang ako kumatok sa kwarto mo dahil akala ko rin galit ka rin sa akin!!"mahinahon na sabi nito

Umiiling iling ako saka niya ako niyakap.

"May gusto ka ba kay russel??"tanong nito

Natigilan ako sa pag iyak at napatingin sa kanya. Ngumiti ito at hinaplos ang buhok ko.

"Kilala kita princess...sa akin ka pa ba mag sisinungaling??"nakangiti nitong tanong

Marahan akong napatango sa pag amin! Gusto ko malaman ni mama na lahat!

"Bakit mo piniligilan?" Tanong nito

"Dahil bilang kapatid lang ang nakikita niya sa akin!"singhot kong sagot

Napatawa si mama! Umiiling iling.

"Pareho kayong dalawa indenial !!"ani nito na may kasamang iling pa rin!

"Bakit niyo nasabi ma??" Tanong ko

"Hanapin mo muna ang sarili mo princess at diyan mo makikita!!"payo nito.

Naguguluhan akong lumabas sa kwarto ni mama at sa terrace tumambay para makalanghap ng hangin. Pumikit ako at humugot ng hininga.

Nagdilat ako at hindi sinadyang mapadako ang tingin sa may hardin kong saan kami naglalaro ng tubig ni russel!

Bigla akong nakaramdam ng pangungulila sa kanya. Kumusta na kaya siya. Halos tatlong araw na siyang umalis kahit text sa akin o tawag wala akong natanggap.

Ok lang kaya siya? Iniisip din kaya niya ako!!

Argh!! Bakit ko ba siya iniisip? Tumayo ako at nagkulong ulit ng kwarto. Medyo hindi rin kasi maganda ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw!

One week!

Two week!

Three week!

Umabot ng three week  bago ako nag desisyon na puntahan sa mismong opisina si russel dahil gusto ko na itong makita! Hindi ko alam kong bakit nitong nakaraan hinanap hanap ko ang mukha at amoy niya!

Nagulat pa si mama ng makita akong nakabihis ng isang shirt dress na kulay pula kaya litaw na litaw ang kaputian ko. Kahit si bobby nagulat sa ayos ko!

"Ang ganda naman ng anak ko!!"nakangiti papuri nito.

Ngingitian ko ito saka tumingin kay bobby na nagtaka!

"May sakit ka ba?"tanong nito

Mabilis akong napailing! Nagtaas kilay ito.

"Parang may dinadala kang sakit!"ani nito

"Wala nga!!"ani ko at humalik kay mama.
"Aalis muna ako!!"paalam ko

Your always mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon