Part 15

11 2 0
                                    


Pagdating namin sa real estate agad niya akong ginaya palabas. Napatingala ako ang tayog! Ginaya niya ako sa may pinto at pinagbuksan pa ako ng pinto pagpasok namin sa real estate!!

Halos mapaluwa ako ng makita ko ang napakalawak sa loob nito!! May mga ilang tao na magsiyuko pag madaanan namin kaya yumuko na rin ako bilang ganti!! Pagpasok namin sa elevator agad niyang pinindot ang pinakataas! 25th floor!

Nakakatakot dito lalo na pag may lindol!!

"Anyway si kuya dapat ang kasama mo dito!! Nasabi na siguro ni tito chavez sayo kaso may emergency meeting siya  sa cavite kaya ako muna ang sasama sayo!!"pasiunang sabi nito

Napatango ako!!

"Ano nga pala ang pangalan mo?"natatawang tanong nito

"Princess!!"sagot ko

"Just call me frit'z!! Mag chopper lang tayo ngayon!! Sanay kabang sumakay ng chopper?"tanong pa sa akin

Napailing ako! Ngumiti ito!!

"I guess pareho tayo!  Anyway may kasama naman tayo sa chooper nasa rooftop na naghihintay!"sabi nito kasabay ang pag ding ng elevator!

Agad sumalubong sa amin ang mahangin. Umikot ikot na ang itaas ng chopper. May logo din itong real estate at sa ibaba may agila.

Agad na lumingon ang mga tao pagpasok namin!!

"Princess.. si manang sonia ang taga luto natin doon."turo niya sa babae na tantiya ko nasa edad 50's.
"Si kuya caloy ang hardinero natin doon."turo sa lalaki nasa edad 30's.

Yumuko ako sa mga ito at ngumiti!

"Hello po!!"bati ko

Medyo nagsisigawan kami dahil hindi masyadong marinig ang boses dahil sa ingay ng chopper!

Agad na yumakap ang may edad na babae kay frit'z at humalik sa pisngi. Panigurado ito siguro ang mama nila. Agad inabot ng dalawang babae ang bag at itim na coat kay frit'z.

Unang pumasok si kuya caloy kasunod si manang sonia. Ginaya din ako  papasok ni frit'z  saka sumunod ito pagpasok ko. Kumaway pa ito sa mama niya bago na tumaas ang chopper sa himpapawid.

First time kong makasakay ng chooper! Napangiti ako! Ang kaba na kanina ko naramdaman ay nawawala. Natatanaw ko ang matirik na araw dahil nasa alas onse pa ng umaga. Natatanaw ko sa ibaba ang mga maliliit na bahay.

"Palit muna tayo para mas makita mo ng maayos!"sabi ni frit'z

Agad akong nagtaas ng tingin sa kanya. Nakatingin ito sa akin. Napangiti ako.

"Ok lang natatanaw ko naman!"tugon kong sabi saka binaling sa harap ang tingin.

"Ano ba ang pangalan mo ineng?"tanong ni manang sonia!

"Princess po manang!!"tugon ko

"Naku gandang bata!! May Boyfriend kana ba?"tanong nito

Napatawa ako sa tanong niya.

"Manang sonia naman!"ani kuya caloy

"Tumigil ka nga caloy!"asik na sabi kay kuya caloy
"Ilang taon kana ba iha?"tanong ulit nito

"Manang!!"ani frit'z may himig sa boses ito.

Nalingunan ko ito na nagkamot ng batok! Nagtaka ako!

"25 po manang!"magalang kong sagot kahit nagtaka ako.

"Naku bagay kayo ng alaga ko iha!! 26 na yun!! Wag kang mag alala makilala mo si james!!"magiliw na sabi nito

"Manang sonia tigilan mo na nga yang pag pares pares ni james sa  mga babae!"ani kuya caloy

"Tumahimik ka diyan caloy kundi ihulog kita!"inis na sabi nito
Napangiti ako! Napatawa naman si frit'z sa tabi ko.

"Kanina pa nga ako gustong mag interrupt sa kanila kuya caloy kasi alam kong doon ang bagsak ng usapan nila!!"ani frit'z at umiling iling

"Tumigil nga kayong dalawa!! Nakakahiya kayo!"ani manang sonia

Napatawa ako!! Akala ko strike si frit'z pagdating sa usapang katulong pero hindi pala. Pamilya ang trato nila dito sigurado ako doon!

****

Hindi ko nAmalayan na nakatulog ako. Si manang sonia pa ang nag gising sa akin! Agad akong luminga linga. Nakasakay parin kami sa chopper! Agad akong sumilip sa bintana sa kilid ni frit'z. Natanaw ko ang malawak na karagatan na kulay asul! Wow!! Parang ang sarap mag tampisaw doon!

Nakita ko ang isang kalakihang isla at  sa gitna nito may nakatayong bahay naramdaman kong mahinang bumaba ang chopper na sinasakyan namin. Nakatulog din si frit'z. Napangiti ako.

"Naku itong gwapo kong alaga natutulog din!! Kurt gumising kana!"ani nito at inabot ang balikat ni frit'z at niyugyog

Agad naman itong napadilat saka ginala ang paningin. Agad itong umayos ng upo at sinukbit na ang bag.

Una din itong bumaba sa chopper at ginabayan akong pababa sa chopper!  Inabot din ang kamay ni manang sonia para makababa din ito saka kay kuya caloy!

"Dito kana mananghalian kuya dave!"ani frit'z sa driver ng chopper.

Agad nitong pinatay ang chopper at bumaba na. Binuksan ni kuya kuya caloy ang nasa may hulihan ng chopper. Mga anim na eco bag at hindi ko alam kong ano ang laman! Agad kumuha si frit'z ng dalawang eco bag. Pati si kuya dave dumampot ng dalawang eco bag. Agad akong lumapit para kunin din ang isang eco bag ng magsalita ni frit'z.

"Kami na dito princess!! Kaya namin ito!"ani nito

Agad akong tumango at sumunod kay manang sonia!

Sumunod ako ni manang patungo sa malaking bahay. Binuksan ang pinto nito at daritso ito sa kusina. Agad kong ginala ang aking paningin sa loob! Halos completo lahat ng gamit! May malaking chandelier pang nakasabit dito sa sala. May malaking family picture din malapit sa paakyat ng hagdan patungo sa second floor.

Katabi niya sa may likuran ang isang lalaki na kayumanggi! Nakangiti ito. Ito siguro si james!

"Sa itaas ang kwarto mo princess!! Pumili ka ng lang doon!"ani frit'z papasok sa pinto kasunod si kuya caloy at si kuya dave.

Ngumiti ako at humakbang paakyat patungo sa second floor. Malawak ang space nito at may pitong kwarto. Sa pinakadulo ako pumili dahil gusto ko matanaw ang malawak na karagatan.

Pinihit ko ito pabukas. Sumalubong sa akin ang malawak na silid. Kulay asul ito parang nasa karagatan ka lang nakasara ang kurtina sa may bintana. May sariling banyo ito at may malaking mesa malapit sa bintana. Nilapitan ko ang walk in closet at binuksan. Malaki nag espasyo nito. Napangiti ako. Agad kong inayos ang damit ko saka binuksan ang kurtina pagkatapos. Pinihit ko pabukas ang bintana at napangiti ako ng matanaw ko ang malawak na kulay adul na karagatan.

Sarap maligo!! Narinig ko ang pagkatok sa pinto kaya binuksan ko ito. Nakangiti si manang sonia!

"Mananghalian muna tayo!"yaya nito

Napatango ako saka lumabas na!

•••

Your always mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon