Part 27

14 3 0
                                    


Marahan akong tumitig sa ginawa kong layout. Katatapos ko lang sa 2nd floor.

Tumunog ang cellphone ko kaya mabilis ko itong sinagot! Si mama. Ano naman kaya ang problema?

"Ma... napa—

"Wala ka bang plano na umuwi!."malakas na sabi nito

Marahan kong nilayo ang cellphone saka sinulyapan ang maliit na calendar sa mesa!

"Akala ko ba august pa ang kasal"baliwala kong sabi

"Hindi ka ba nilalagnat o sadyang walang calendaryo diyan!! August na ngayon!!"mahisterikal na sabi ni mama

Mabilis kong binuklat ang kabilang month sa calendaryo! Talagang August naba?? Tiningnan ko ang petsa ng cellphone saka nanlaki ang mata ko! Shit august na nga!! Ba't hindi ko namamalayan? Masyado na ata akong busy pati petsa at buwan hindi ko namamalayan!

Ibig sabihin mahigit isa at kalahating buwan na mula noong dumating ako! Parang kailan lang ang dating ko dito. Hindi ko rin namamalayan ang araw!

"Hindi ka ba uuwi?"tanong nito

"Ma..ano kasi—

Naputol ang sasabihin ko ng may kumatok!!

"Sige na ma..tatawag lang ako!"ani ko saka walang babala na pinatay ang tawag.

Agad kong binuksan ang pinto sa kwarto! Si manang sonia ang nabuksan ko!

"Mananghalian na tayo!"anyaya nito

Tumango ako.

"Susunod na ako manang!"sagot ko

Ng makatalikod ito agad kong dinampot ang natatapos na layout bitbit paglabas sa kwarto!

Pababa na ako ng hagdan ng matanaw ko si james sa sala may kausap sa cellphone!

Huminga muna ako ng malalim saka tuloytuloy na bumaba. Nagbaba din ito ng cellphone ng makita akong pababa.

"Pack your things luluwas tayo mamayang hapun!!"ani nito saka umupo

"Pero—

"Darating mamaya si Mr. lim"ani nito saka huminga ng malalim!

"May problema ba?"tanong ko

Tumawa saka tumayo.

"Kasal ni russel sa susunod na araw wala ka bang plano na umattend!"ani nito sabay pamulsa sa suot na short!

"Pero babalik ako dito!"sabi ko

"Si Mr. lim na ang tatapos sa layout!! Yan na ba ang ginawa mo?"tanong nito sabay turo sa hawak kong layout.

Nilapitan ko ito saka binigay ang natatapos na na layout! Umupo ito ulit kaya umupo din ako sa kabilang upuan.

"Hindi na ba ako makabalik dito?"tanong ko habang tinitingnan si james na busy sa pagtingin ng layout!

"Pwede pa pero ang tinutukoy mong pag gawa ng layout hindi na!"sagot nito habang nakatitig sa gawa ko.

"James... wag naman !! Kahit umabot ng ilang buwan ok lang!"

Tumawa ito saka tumingin sa akin.

"Iniiwasan mo ba si russel??"

"No!"

"Kailangan mo ding magpahinga muna!!"mahinahon nitong sabi

Sumimangot ako kaya tumawa ito.

"Ala—

Your always mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon