Part 6

14 2 0
                                    


Above picture of Steven clarck corpuz pinsan ni russel☝️

Princess pov

Habang nakapila kami papasok sa sine hindi ko lubos maisip kong ano na ang ginagawa ng dalawa. Hindi na ako teenager at mas lalong  hindi ako babaeng walang muwang na hindi alam  kong ano ang posibleng mangyari pagsila lang dalawa sa kwarto! Kinuyom ko ang aking kamao! Humanda ka talaga sa akin sa lunes russel!! Masapak talaga kita lalaki ka!! Ggrrr..

"Princess ko bakit ba ang lalim ng inisip mo?"tanong ni steven sa akin nasa may likuran ito kaya medyo lumalapat sa may ulo ko ang kanyang hininga dahil may kataasan din ito. 5'5 ata ito. Si russel naman 5'6 ang taas! Lamang lang ang lalaking yun ng isang inch!
Teka ba't ko ba sinisingit ang lalaking yun!

Naramdaman kong hinawakan ni steven ang dalawang balikat ko.

"Si russel ba ang iniisip mo?"tanong ulit nito

Napakagat labi ako at pumikit! Mali itong naramdaman ko! Mali!!

"May gusto ka ba sa pinsan ko?"pabulong na tanong sa akin kaya siniko ko ito sa likuran. Nakakahiya pumipila pa naman kami at ang daming tao.
"Aaww.. princess ko!"daing nito at bumitiw sa paghawak ng balikat ko

Sinulyapan ko ito sa likuran. Hinimas nito ang tagiliran na siniko ko. Napatawa ako!

"Sorry!! Alam mo wala akong gusto sa pinsan mo yun!"inis kong sabi

Talaga huh!!

"Bakit ka naiinis? Iniisip mo ba kong ano na ang ginagawa nila ngayon?"nakangiti tanong sa akin kaya hindi ko mapigilang  itaas ang kamay para batokan kaya  napaatras  ito.
"Ok na tatahimik na!"

"Iwan ko ba!! Nasanay lang siguro ako na..alam mo na...palagi siyang nandito sa tabi ko ngayon lang wala dahil may girl friend na siya! Ano lang naman ako sa kanya, BEST FRIEND!"litanya ko

"Ang pait naman!! Wag mo na siyang isipin dapat mag enjoy tayo!"nakangiti nitong sabi

Napangiti din ako! He always cheer me up! Haizt!!

"Selfie muna tayo!"sabi nito at nilabas ang cellphone.
"1, 2, 3, smile!! I angkat mo ang popcorn dahil i post ko ito!"anito at nag ngitian kami sa camera. Ilang click ang ginawa niya. Naramdaman ko ding  umangkat ang kamay niya sa balikat ko habang nagselfie kami.

"Kayo magselfie ba kayo diyan O papasok na!! Mahaba pa ang pila!"sabi ni lalaking incharge sa may entrance.

"Aah.. sorry!!"sabi ko at binigay ang dalawang ticket.

Tumango ito kaya pumasok na kami. Ang pwesto na kinuha namin ay yung pinakaitaas na upuan.

Pagkaupo namin agad kong binuksan ang cellphone pero walang txt mula kay russel! Napahugot ako ng hininga! Sinulyapan ko si steven tiningnan ang larawan namin kanina!

"I post ko ito sa cousin  goal  namin para makita ni russel!"sabi nito

Nabahala ako sa sinabi niya!

"Pero makikita ng parent mo!"sabi ko

"Hindi!! For cousin nga diba!! Tiyak uusok ang ilong ng lalaking yun! Ayaw pa naman niya na may magbibigay pansin sayo lalo at lalaki pa ahahaha.."natatawa nitong sabi

"Ano ang ibig mong sabihin??"taka kong tanong

"Masyadong higpit sayo ang best friend mo! Ayaw nga niyang makipagkaibigan ka ng babae eeh lalaki pa kaya!! Dahil ayaw niyang may makaagaw ng  pansin sayo ! Selfish din minsan ang pinsan kong ito eeh.. sinosolo ang gusto!"naiiling na sabi nito

Gusto??

"Ano ba ang ibig mong sabihin?"naguguluhan kong tanong

Tumawa ito saka ginulo ang buhok ko!

"Just saying lang!!"anito at kumuha ng popcorn.

Nang magsimula ang palabas hindi ko mapigilang isipin si Russel at si annika!

Shit!! Napapikit ako kaya napatawa ang katabi ko! Inis ko itong tiningnan!

"I guess pareho tayo ng iniisip ahaha!"natatawa nitong sabi

Mabilis ko itong tinampal sa balikat! Nakakainis na ang lalaking ito! Kung hindi lang ito gwapo baka iniwan ko na ito!

"Iniisip mo ba kung ano na ang ginagawa—-

Mabilis ko itong kinurot sa tagiliran!

"Aray!!"angal nito

"Tigilan mo nga ako!! Iiwan talaga  kita!"inis kong sabi kaya nagpipigil itong tumawa
"Sige tumawa ka!"asik kong sabi at dinuro siya

Tinitikom tikom nito ang labi niya! Halatang pinigilang tumawa.

"Asus.. kanina pa ang mga ito bakit dito ba sila sa sine pumunta kong mag kirutan lang! Sa motel kaya sila dumaritso!"usal ng may edad na babae katabi namin!

Nagtinginan kami ni steven at nagtawanan ng mahina!

"Ok aayos na!"sabi nito at tumutotok sa screen!

Hanggang sa matapos ang palabas hindi ko masyadong naintindihan dahil nasa magaling kong kaibigan ang isipan ko!

Inakbayan ako ni steven paglabas namin ng sine!  Hindi ko na lang ito pinansin!

"Princess ko magkikita kami ngayon ni janice kaya Pasensiya na hindi na kita mahatid!"anito kaya napatigil ako ng lakad!

Ayos din ang lalaking ito!! Pagkatapos akong yayain hindi pala ako nito ihahatid! Tinabig ko ang braso niya.

"Ayos ka din pala...parehong pareho kayo!"inis kong sabi at nagpatiunang lumakad

Hinabol ako nito at pinigilan sa braso. Tinabig ko ulit at nagpatuloy sa paglalakad ng mapansin kong nasa kalayuan si janice nakatayo kasama si geraldine! Wow!!

"Mauna na ako!"sabi ko saka daritsong lumakad at nilampasan ang dalawa.

Nakatingin ito sa akin.

"Hi love!"narinig ko pang bati ni janice kay steven!

Tuloy tuloy akong lumabas hanggang sa pababa ng ground floor. Agad akong tumambay sa pick up area naghihintay ng taxi.
Narinig kong may tumawag sa akin!

"Princess!!"nilingon ko ang tumawag si geraldine.

Hindi ko mapigilan umikot ang mata! That freak again!! May atraso pa ito sa akin!

"Mag dinner muna tayo!"nakangiti anyaya sa akin

Tinaasan ko ito ng kilay! Dinner?? Mag alas singko pa ng hapon tapos mag dinner na?

"Baka nakalimutan mong may atraso ka pa!"diin kong sabi

Ngumiti ito tila nahihiya at hinila ako.

"Gusto kong mag sorry!! Alam kong may mali ako!! Naawa kasi ako sa kaibigan ko na umiiyak dahil akala niya  niloko siya ni steven!"nahihiya nitong sabi

Napatawa ako at nagtaas ng kilay!

"You called me freak!! Whore!!"diin kong sabi sabay krus ng braso sa dibdib ko.

"I'm sorry!! Please!! Inaamin kong mali ako!"pag aamin nito

Nagkibit balikat ako! Pasalamat ka at mabait ako at hindi marunong magtanim ng sama ng loob.

Naramdaman kong sincere ito sa sinabi niya kaya napangiti ako.

"Treat me a dinner para patas na tayo!"nakangiti kong sabi

Mabilis itong nag angkat ng tingin at ngumiti!!

"Salamat!!"sabi nito saka ginanap ang kamay ko
"Pwede ba tayong maging kaibigan!!"sabi nito

Napatango ako!! Panahon na siguro na magkaroon ako ng kaibigan na babae para hindi nakafocus ang atensiyon ko kay russel!!

Mabilis akong ginaya sa isang food chain malapit sa mall!!

•••

Your always mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon