Russel povKanina pa nakatitig ng matalim sa akin si princess habang magkaharap kaming umupo sa hapag-kainan! Wala ni isa sa ang unang sumandok ng pagkain. Lumunok ako hindi ko napaghandaan na umuwi siya kagabi.
Nagulat nga ako sa biglaang pagsulpot niya. Hindi man lang ako napansin nito sa sala kagabi baka pagod siguro kaya walang pakialam. Akala din siguro niya walang tao dito hindi siguro ito nasabihan ni tita.
Agad akong nagtext kay tita para malaman niyang nakarating na si princess!
Tumikhim ako pero ang titig ni princess hindi man lang naputol. Hindi ko alam kong saan ako magsisimula dahil guilty ako.
Ang gusto ko lang gawin ay yakapin ito ng mahigpit pero pinigilan ko ang aking sarili!
"Stocky..
"Stop calling me stocky!!"galit na sabi nito
"Sorry!! Pasensiya na at hindi ako nagpaalam na dito ako nagstay sa condo mo!"pagsisimula ko at humugot ng hininga.
Titig pa rin ito sa akin. Hindi ko rin mapigilang titigan ito. Mas lalo ata itong gumanda ngayon mas humaba ang kulot niyang buhok. Ang mapupula niyong pisngi at labi. Nahalikan na kaya ang labi niya?? Damn!!
"Bakit dito pa?? Baka nakalimutan mo hindi tayo ok?"ani nito saka nagtaas ng kilay
Damn!! Kailan pa ito natutong magtaas kilay sa akin! Ngumisi ito saka nag ikot ng mata.
"S-Sorry!!"
Isang salita lang pero nautal pa ako!! Damn!!
"For what??"
"For not listening to you!!"sabi ko saka yumuko ng ulo
Nahihirapan akong pakitunguhan ito dahil nahihiya din ako sa ginawa ko noon.
"Pardon!"
"Sorry sa mga nasasabi ko sayo dati!! Sorry sa mga nagawa ko sayo dati!! Sorry sa lahat!! Sorry!!"sabi ko saka hinilamos ang aking mukha gamit ang dalawa kong kamay.
"Tapos??"ani nito saka nagtaas kilay ulit
Nauubos na ako sa babaeng ito!! Kanina pa ako nito pinakitaan ng malamig na pakikitungo.
"Ganyan lang ba ang sasabihin mo stocky?? Ganyan ka na ba ngayon??"inis kong tanong
Ngingitian ako nito na parang wala lang.
"Ano ang gusto mong itugon ko??"balik tanong sa akin. Kampanteng kapante itong nakaupo sa upuan at nakakrus pa ang dalawang kamay sa dibdib.
"Sa haba ng panahon ganyan lang ang sasabihin mo!!"asik ko nito at tumayo.
"Bakit ano ba ang inaasahan mong sasabihin ko?? Anong gusto mo?? Ang yakapin ka at sabihin Imissyou...tapos lambingin kita na parang walang nangyari 5 years ago!!!ahaha..."natatawa nitong sabi at umiiling.
"Bakit hindi mo ilabas ang lahat ng hinanakit mo sa akin? Bakit hindi mo ako saktan?"tanong ko nito at bahagyang yumuko para tinginan ito.
"Bakit ko naman gawin yun? Sa pagkakaalam ko kasi wala na tayong pakialamanan!"taas noong sabi nito sa akin at nagtaas ng mukha tumingin sa akin.
"Ganyan ka na ba ka lamig sa akin ngayon?? Bakit ka pa umuwi kung ganoon lang naman!"diin kong sabi
Tumawa ito at tumayo din.
"Umuwi ako hindi dahil sayo!!"straight na sabi sa akin
"Ano naman ang mapala ko say0??" Tanong pa nito"Hindi na ba ako mahalaga sayo??"tanong ko
BINABASA MO ANG
Your always mine
RomanceMasarap sa pakiramdam na ang taong bestfriend mo ang siyang maging ka forever mo. Tunghayan ang kwento ni russel at princess kung paano nila nalampasan ang pagiging mag-bestfriend to husband and wife! R-18 Cover is not mine credit to the rightful ow...