Part 17

10 2 0
                                    


Bago ako umuwi napag desisyon akong dumaan muna sa isang bakeshop! Naisip kong bilhan si annika ng chocolate cake. Alam kong paborito niya ito. Medyo marami ang bumili ngayon kaya pang lima akong nakapila. Sinilip ko ang relo sa pambisig. Mag alas sais na  ng gabi, rush hour kaya maraming customer maya maya mag sasara na ito.

"Russel.."sambit ng kung sino sa likuran ko

Agad akong napalingon sa babaeng papila pa kasunod sa akin.  Agad ko itong namukhaan.
Kaibigan ko sa highschool. Si stella. Ngumiti ito ng malapad.

"Oh..hi.. stella!"casual kong bati

"Buti at naalala mo pa ang pangalan ko!"natatawa nitong sabi

Tumango ako!

"Balita ko ikakasal kana!"sabi nito

Napakamot ako sa batok!

"Ganoon Talaga!! Nga pala!"sabi ko saka kumuha ng invitation card sa bag sabay abot sa kanya
"Wag mong kalimutang pumunta!"sabi ko

"Naku ako pa ba mawawala!"tugon nito at inabot ang card.
"Gusto mo ako ang pa unang humalik sayo!"biro nitong sabi

Napatawa lang ako! Wala akong plano na sakyan ang biro niya dahil alam ko noon pa may something na ito sa akin idadaan lang ng biro.

"Ano  ang trabaho mo ngayon?"tanong ko

"Engineer...pero nasa compound lang ako wala sa site!"nakangiti nitong sabi

Tumango tango ako!

"Ikaw Anong trabaho mo?"balik tanong nito sa akin

"Ako na ang nagpapatakbo sa companya namin!"sagot ko saka umusod na sa counter dahil ako na ang susunod

"Wow!! Sayang naman at ang aga mong mag settle down!"paanas na sabi nito

Napatawa ako.

"Yung chocolate cake miss!"sabi ko sa cashier saka nag abot ng pera.
"Ganyan talaga pag nahanap mo na ang the one mo!"tugon kong sabi

Ito naman ang tumango! Inabot na sa akin ang cake pagkatapos nitong ma bayaran.

"Salamat!! Mauna na ako stella!"magalang kong sabi saka lumabas na

Ngingitian lang ako nito. Agad akong sumakay sa sasakyan ko. Ilang araw kong hindi nakikita si annika kaya plano ko siyang i surpresa sa condo niya!

Agad kong nag dial sa numero ni annikA. Medyo malapit na ako sa condo niya. Nakailang ring ito bago sumagot!

"Hello...."humihingal na sagot nito

Nagtaka ako! Agad kong nilagay sa speaker on!

"Babe.. pupuntahan kita sa condo mo!"sabi ko

Humihingal parin ito! Ano ba ang ginagawa niya?

"Babe wag muna.... ano kasi!!"hingal na sabi nito may kasabay pang ungol

Naniningkit ang kilay ko. Ano ba nag ginagawa niya?

"Babe.. ano kasi... eehhmpp.. may ubo ako ngayon at ayaw kong mahawa ka kaya hindi muna kita ipapunta dito!"mabagal na sabi nito

"Babe.. gusto kitang makita!"sabi ko

"Babe.. wag matigas ang ulo ok!! Sige na ipapahinga ko muna ito!! Tatawag lang ako pag pwede mo na akong bibisitahin!"nagmamadali nitong sabi saka pinutol agad ang tawag.

Wala man lang Iloveyou!! Tssk. Sinulyapan ko ang chocolate cake saka huminga ng malalim!

Baka tama si steven sa sinabi niyA pero imposible naman!! Mahal ko si annika sigurado talaga ako doon! Bakit ba palaging sinisingit ni steven na niloloko ko lang ang sarili ko? Nagkagat labi ako!

Naisip ko si princess! Nasaan na kaya siya? Hindi ko siya nahahanap sa social media. Maayos kaya ang kalagayan niya? Kumusta na siya?

Damn!! Bakit ko ba isipin si princess , may annika na ako!!

Kalahating oras bago ako nakarating sa bahay namin. Agad akong pinagbuksan ni kuya guard ng bumisina ako. Tuloy tuloy ako sa garahe. Nang makasigurado na akong maayos ang pwesto ng sasakyan saka ako bumaba bitbit ang chocolate cake.

Pagpasok ko sa loob una kong natanaw si mama si sala nanonood ng balita. Agad akong lumapit dito at humalik sa pisngi.

"Sabi sa akin ni steven pinapagalitan mo na naman ang bago mong secretarya!"ani mama

Tumawa ako saka pinatong ang chocolate cake sa mesa bago umupo sa sofa.

"Hinahanap ko kasi ang files ng expenses last year noong nakaraan na araw pa at hanggang ngayon hindi pa nila nakikita."sabi ko

Napatindig ng upo si mama sa kinauupuan niya. Naniningkit ang mga mata.

"Hindi ka ba sinabihan ng pinsan mo?" Tanong nito

"Sinabihan niya ako ang kaso lang tapos ko ng pinagalitan!"sagot ko

"Pakitunguhan mo ng mabuti yang secretarya mo anak.."suhesiyon ni nama

"Mabait naman ako sa secretarya ko ma sila lang ata ang ayaw sa akin kaya mag reresign!"agap kong sabi nanlaki ang mata ni mama

"Ganyan  ka na ba ngayon?? Mula ng naging kayo ni annika hindi na kita nakilala. Umayos ayos ka russel kundi sugurin ko yang girlfriend mo doon sa condo , walang inatupag kundi pag babarkada at sinong sinong lalaki ang kasama sa bar!"diretsang sabi ni mama

Nagitla ako! Bakit alam ni mama? Tumawa si mama.

"Akala mo hindi ko alam? Yun ang akala mo! Pakiramdam ko nga ikaw lang itong niloko ni annika pero bulag ka lang!"dagdag na sabi ni mama

Biglang pumihting ang tainga ko pero nag titimpi akong sumagot baka mag away pa kami.

"Ma... kanina pa ako pinagsabihan ni steven ngayon ikaw naman!! Tama na ma.."mahinahon kong sabi

"Sana tama ang desisyon mong magpakasal kay annika  baka kung nagkataon ikaw ang labis na masaktan!"mahinahong sabi ni mama

Dinilaan ko ang aking labi sabay kagat. Naka pressure sila. Dapat nga sumoporta sila sa akin pero ngayon sila pa ang kontrabida sa mismong kaligayahan ko.

"Nawala na sayo si princess at wag mong hayaan pati kami mawawala!"dugtong  ni mama
"Hindi sa ayaw namin sa kanya pero anak pakinggan mo naman ang payo namin sa inyo at wag mong bigyan ng maling intensiyon!"

Tumango ako saka tumayo na!

"Tutuloy na ako sa kwarto ma!"alibay kong sabi saka tumungo sa hagdan.

Ayaw kong mag away kami ni mama kaya hindi ko nalang ito sinasagot!

"Diyan ka magaling ang umiwas!"narinig kong sabi ni mama

Hindi ko ito pinakingan! Pagpasok ko sa kwarto dumaritso ako sa kama at tumalon! Ito din ang nangyari sa amin ni princess noon!! Hindi  ko siyang pakinggan pero giniit niya kaya nag away kami hanggang sa nakapagsalita ako ng hindi maganda.

Nagsisi ako sa ginawa kong yun dahil ako mismo nakakita. Pagkatapos kasi akong sinabihan ni princess agad akong pumunta doon at nakita ko mismo sa dalawa kog mata pero hindi ko sinabihan si annika dahil ayaw kong mawala siya sa akin!

Si annika nalang ang meron sa akin noon ! Siya ang nalang ang nagpapasaya sa akin kahit sa ibang paraan nalang. Nagkuyom ako ng kamao.

Mahal ko si annika! Mahal ko siya!!

•••

Your always mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon