Part 25

12 2 0
                                    


Russel pov

Ilang araw na mula noong nangyari sa boutique ni bobby at hanggang ngayon hindi pa tumawag si annika ni txt wala.

Galit ata talaga sa akin at hanggang ngayon hindi pa nagparamdam at wala akong balak na mag txt o tumawag.

Pagod na akong kasusuyo sa kanya! Pagod na!! Parati nalang!

Ang dami kong na give-up para sa relasyon namin at ganito pa ang mangyari!

Napangiti ako saka umiling iling! Tinapik tapik ko ang aking lamesa ng maisip ko si james! Oo nga pala may kailangan akong hingin ng pabor sa kanya.

Dinampot ko ang aking cellphone saka nagdial sa numero niya! Mukhang busy dahil walang sumagot! Niluwagan ko ang aking necktie saka nag dial ulit! Mabuti at sumagot na!

"Hello dude!!!"malakas na bungad nito

Marahan kong nilayo ang aking cellphone bago binalik sa tainga. Naririnig ko ang maingay na background!

"Bakit ang ingay ata?"tanong ko

"Pasensiya na sandali lang..."ani nito halatang lumayo sa nag iingay! Ingay ng malaking sasakyan ata yun.

"Dude.."ako

"Napatawag ka... bakit?"tanong nito
"Pasensiya na medyo maingay.. sinisimulan na kasi ang pagpatayo sa resort namin!"ani nito

"May pabor sana akong hingin sayo!"pagsisimula ko

"Ok!! Spell it out!!"he said

"Gusto ko sanang gamitin ang isa sa real estate mo para sa reception!"kaba kong sabi

Tumawa ito sa kabilang linya kaya nagtaka ako!

"Seryoso na ba talaga yan!"ani nito

"Akong akala mo sa akin joker!! Gago!!"tugon ko. Nakakapikon na talaga ito! Humanda ka talaga sa akin pag ako makaganti!! Pasensiyahan na lang kita ngayon dahil ako ang may kailangan.
"Babayad ako kahit million!"tugon ko pa

Napatawa muna ito bago tumugon!

"Ok.. Walang problema... yung nasa cavite ang gamitin niyo.. dahil kaibigan kita at gusto kitang maging masaya kalahati lang ang hihingin ko sayo bilang discount!! Naku malaki ang discount mo, pero pag kayo ni princess ililibre ko nalang. MARK MY WORD!!"sabi nito

Napangiti ako!!

"Gago... Salamat dude!! Yun lang ang tinawag ko!"sabi ko nalang

Wala akong plano na pumatol sa usapang princess dahil ayaw kong i-pressure ang sarili kong damdamin!! Dahil naguguluhan din ako!

"Wala ka bang plano na kumustahin ang ex mo?"tanong nito

Ex?? Hindi ko naman ex si princess!! Gago talaga ito. Tumawa pa  ito sa kabilang linya

"Ex BEST FRIEND mo!"diin na sabi nito sa best friend!

"Gago!! Sige na!!"sabi ko saka ako mismo ang pumutol sa tawag baka kasi saan naman humantong ang pag uusap namin!

Napangiti ako saka umiling. Teka nga kanina pa panay ang ngiti ko. Damn!! Ano ba ang nakain ko?

Tatawagan  ko  nalang si annika para magkaayos kami! Promise ito na ang huli kong suyo ng babaeng ito.

Huminga ako ng malalim saka mag dial sana, ng nag txt ito.

From: annika

Magkita tayo ngayong weekend! May pag-uusapan tayo!

Your always mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon