Part 23

12 3 0
                                    

Kinabukasan nagpasukat kami ng damit! Sinama ko na rin si  tita- mama ni princess at si mama para masukatan sila.

"Iwan ko ba ni princess wala atang plano na pumunta sa kasal ni russel!"sabi ni tita kay mama

Natigilan ako sa paglakad.

"Saan ba si princess ngayon?"narinig kong tanong ni mama

"Nasa visayas may ginagawang layout! Iwan ko ba kung saan sa visayas!"sagot ni tita

"Alam na ba niya na ikakasal na ang kaibigan niya?"ulit tanong ni mama

"Sinabi ko pero nagmamadaling nagpaalam noong tumawag ako! Mukhang hindi ata interesado na malaman!"sagot ni tita

Marahan akong bumuga ng hangin! Alam kong nasasaktan ko noong si princess dahil sa masasakit na binitiwan  kong salita kaya ganyan siya ngayon!

Galit parin siya sa akin!

"May boyfriend naba si princess?"tanong ni mama

"Meron daw hindi ko rin alam kong sino, masyadong sekreto si princess pag ganyan bagay!"sagot ni tita

"Nakuh!! Ilang buwan na sila?"tanong ulit ni mama

"Isa lang ata ang pagkakaalam ko! Tanungin mo si russel dahil college pa lang ata sila  boyfriend na niya yun at  hanggang ngayon!"tugon na sagot ni tita.

Natigilan ako! Sino ang boyfriend niya? Wala ata akong alam na nagboboyfriend na siya!

"Ano ba ang pangalan baka kilala ni russel itatanong ko!"ani mama

Tumawa si tita!

"Hindi na ako nagtanong!"ikling tugon ni tita

"Naku baka isa sa mga araw na ito si princess naman ang ikakasal!"nakangiti sambit ni mama doon na ako lumalapit sa kanila. Ayaw ko ng makarinig ng kung ano ano pa!

"Ma, ito na yung creamy latte na pinabili niyo!"ani ko saka nilapag ang dalang creamy latte.

"Salamat anak!!"ani mama at akmang aalis na ako ng pigilan ako nito!
"Ah...russel may kilala ka bang lalaki na close ni princess noong college?"tanong ni mama

"Wala akong natatandaan ma!! Bakit?"intriga kong tanong

"Wala lang!"ani mama at binaling ang atensiyon sa pinabiling creamy latte.

Napaisip ako! Si steven lang ata ang close ni princess noong college namin! Ibig sabihin si steven  ang syota ni princess!

No!!! Mapatay ko ang pinsan na yun!!

Kinuyom ko ang aking kamao at tinungo si annika kung saan ito sinusukatan ng gown!

Marahan akong umupo habang tinitingnan si annika! Naguguluhan ako!

"Babe may problema ba?"masuyong tanong nito sa akin

"Wala may iniisip lang ako!"nakangiti kong sagot
"Dapat maganda ang pagpagawa ng gown bobby huh!"ani ko sa bakla habang nagsusukat ito kay annika!

"Wag kang mag alala hindi ka mapapahiya!"proud na sabi nito

"Magaling  yan si bobby! Siya pa nga ang gumawa sa gown ko noong kasal namin sa papa mo!"sagot ni mama nasa may likuran ko ito. Nakatingin ito kay annika!

"Naku bobby pag si princess ikakasal ikaw din ang kukunin ko!"ani tita

"Ikakasal na din si princess?"bulaslas na tanong ni annika!

Your always mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon