Part 10

11 2 0
                                    


Russel pov

Kanina pa kumakati ang kamay ko. Gusto kong manuntok ngayon. Hinihintay ko lang matapos ang klase pupuntahan ko si steven pagkatapos.

Noong nakaraan pa ako ng gigigil sa kanya. Sinabi ko ng wag isali sa kanyang listahan si princess pero hindi nakinig! Takot ako sa posibleng gawin ni cellin kay princess!! Damn!!

Talagang mag pinsan pa kami!! Tssk!! Her mother and my mother are sibling! First degree. Bahala na susuntukin ko talaga ito mamaya. Humanda siya pag uwi!

"Mr. marquez!!"matinis na tawag ni mr. dahang sa akin. Napatayo ako!

"Sir!!!"sambit ko

Nagtawanan ang buong klase kaya napayuko ako! Hindi ko naririnig kong ano ang sinabi niya nakakahiya!

"Tsssk.. hindi ko sinabing tumayo ka!! Nag check attendance lang ako!"pailing iling na sabi nito

Mas lalong nagtawanan ang buong klase. Nahihiya akong umupo sa upuan at nagkamot ng batok!

"Dude!! Mukhang may problema ka! Nag aaway ba kayo ni annika?"tanong sa katabi ko.

Si james ang matalik kong kaibigan! Napangiti ako.

"Akala ko ba nagkasundo na kayo ni annika!"nakangisi nitong sabi sabay tampal sa akin
"Sa wakas dude nabibinyagan ka din!"natatawa nitong sabi

"Gago!!"sambit ko at umiiling.

"Don't tell me walang nangyari!!"natatawa sabi nito at tinuro ako

"Umayos ka nga flores baka ikaw ang maupakan ko!"asik kong sabi

"Marquez!!flores!! Magtigil kayong dalawa kundi palalabasin ko kayo!"galit na bulaslas ni mr. dahang

Kapwa kami na natahimik ni james! Nagpatuloy si mr. dahang sa pagtuturo ng sundutin ako sa gilid ni james! Mabilis akong napatayo at naglikha ng ingay ang upuan kaya napatawa si james lahat ng kaklase namin nakatingin sa amin!

Sabay kaming napatingin kay mr. dahang. Hindi maipinta ang mukha nito nagkasalubong pa ang makapal na kilay.

"Get out!!"sigaw nito sa utos

Sinipa ko ang paa ni james bago unang lumabas sa room! Naiinis na nga ako ni steven dumagdag pa itong kaibigan ko. Nakangiti pa itong lumabas sa room!

"Dude!! Nabobored na kasi ako sa loob kaya ikaw ang napagtripan ko para makalabas ako!"natatawa nitong sabi

"Eeh ikaw nalang kaya ang upakan ko dahil gustong gusto ko ng umupak ng tao!!"gigil kong sabi at inunat unat ang kamay

"Dude!! Sorry na!!"natatakot nitong sabi at bahagyang umatras.

Umunat unat pa ako at bahagyang lumapit sa kanya ng kumarepas ito ng takbo. Natatawa ako!

Duwag!!

Sa may bench ako tumambay malapit sa civil engineering department! Para pag makita ko ang pinsan kong yun wala ng kawala!

Mahigit kalahating oras akong naghintay ng matanaw ko itong palabas na sa department nila. Napangiti ako at nag sandal sa bench!
Maya maya pa nakipagharutan pa ito ng isang kaklase niyang babae. Mas lalo nanaig ang kagustuhang masapak ito!

Natigilan ito ng makita ako. Bigla itong umayos at nagpaalam sa babaeng ka harot kanina lang! Ngumiti ito at binuka pa ang dalawang braso.

Your always mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon