Hindi ko mapigilang maniningkit ang aking mga mata ng mapansin kong nagsipag silip ang mga kasama ko sa glass door papunta sa room ni sir chavez!Tumikhim ako kaya natigilan ang mga ito at nag si balik sa mesa nila. Yun ang ayaw ko sa trabaho ko. Yung dito lang sa opisina ma assign at ma stress ang utak mo sa mga daming papeles na asikasuhin mo dahil kaliwa't kanan na project! Idagdag pa ang mga kasama mong walang ibang ginawa kundi maki chismis!!
Ang gusto ko yung nasa site talaga para mas magawa ko ng mahusay at makikita ko ang pwesto.
Kaso dito ako nilagay ni mr. chavez dahil dito daw ako nababagay sa opisina! Sa pag entertain ng mga taong nagpapagawa ng mga malalaking gusali 0 mga proyekto sa goberno! dahil alam niyang marunong akong makipag deal sa mga ito!
Maya maya ay pumasok si mr. chavez at dumaritso sa mesa ko.
"Bartolome good news.. may ipapatayo tayong malaking resort at building sa private island sa visayas at tayo ang kinuha nilang gumawa ng lay out!! Dahil busy si mr. lim ikaw ang ipapunta ko doon kasama si james!"sabi nito sabay upo
Nagtaka ako! Sino daw!!
"Sino si james?"tanong ko
"Anak ng may-ari ng island!"sagot nito
Napatango ako. Napansin kong nagsilipan ang mga kasama ko! Napailing nalang ako.
"Pack your things aalis kayo ASAP! Wag kang mag-alala provide na nila ang pagkain mo doon at ilang mga personal hygiene!!"ani Sir chavez
Napangiti ako!
"Ba't ang aga naman sir?"taka kong tanong
Tumawa ito at tumayo!!
"Dahil pagkatapos sa project na ito ipapahinga muna kita!"mahinahon nitong sabi
"Pero sir!! Nag eenjoy naman ako!"tugon ko
"Maghanda kana bartolome anytime susunduin ka niya ngayon sa condo mo!!"pinal na sabi nito ni sir chavez at tumalikod na.
Napabuga ako ng hininga saka tumayo na!! Narinig kong pumalakpak si stella! Isa sa mga kasama ko dito sa compound namin!!
"Mabuti naman at sa wakas pinaalis ka na ni sir!"natatawang sabi nito
Inikot ko ang aking mata sabay dampot ng bag! Iwan ko ba sa babaeng ito parating mainit ang dugo sa akin!
"Ikaw lang kasi ang sabagal sa akin!"inis na sabi nito
Napatawa ako at nag kibit balikat!! Problema niya! Bakit siya naman ang gumagawa ng mga bokyang trabaho kaya hindi pinagkatiwalaan ni sir chavez. Tapos ako ang sagabal! Tssk!
"Kahit naman wala si princess hindi ka mapapansin ni sir kasi bokya lahat ng trabaho mo! Pasalamat ka pa at hindi ka tinanggalan ng lisensiya!"sabi ng isa sa kasamahan namin Si grace.
Napakagat labi ako para pigilang wag matawa.
Galit na bumaling si stella kay grace."Can you please focus in your own work!! Si princess ang kausap ko hindi ikaw!"inis na sabi nito
"Kahit anong gawin mo talaga hindi ka qualified kay sir!! Ganda lang meron sayo!! Kahit maghubad ka sa harap ni sir hindi mag babago ang tingin niya sayo!"dagdag ng isa pa naming kasama na si jean!
Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila! Napansin kong galit na si stella pero nag titimpi lang!
"Pwede bang wag niyong pagtulungan si stella!!"inis na sabi ng isa din naming ka trabaho. Yung palaging umiirap sa akin pagmagkita kami! Hindi ko alam kong ano ang pangalan nito!!
BINABASA MO ANG
Your always mine
RomanceMasarap sa pakiramdam na ang taong bestfriend mo ang siyang maging ka forever mo. Tunghayan ang kwento ni russel at princess kung paano nila nalampasan ang pagiging mag-bestfriend to husband and wife! R-18 Cover is not mine credit to the rightful ow...