Hindi na ako naghintay na tawagan ni sir chavez para pumunta sa compound dahil ako mismo ang pumunta doon para personal kong malaman kung kailan ang leave ko."Miss bartolome...hahaha..."natatawa nitong sabi at lumapit sa akin saka marahan humawak sa dalawang balikat ko.
Napansin ko ang mga ulo ng mga ilang kasamahan ko na nakasingaw kaya ngingitian ko ito.
"Sa office tayo sir chavez!"nakangiti kong sabi
Tumango ito at ginaya ako sa opisina niya. Nagsara din ito ng bintana at umupo sa upuan nito. Umupo din ako sa may upuan sa harap ng mesa niya.
"How's your day?"
"Pretty good!!"
"Wow!! Mas lalo ka atang gumanda ngayon miss bartolome..."
"Sir chavez naman... nandito ako para kukunin ang ilang gamit ko at para malaman ko kung ilang buwan ang ibibigay mong leave sa akin!"
Tumayo ito at umiling iling! Ngingitian ko ito.
"Mag chika muna tayo tungkol doon sa isla... balita ni mr. lim maganda ang isla at napakatahimik pang perfect gateway ng mga couple!!"nakangiti nitong sabi saka umupo sa upuan sa may harapan ko
"Maganda naman doon!!"
"Parang gusto kong pumunta doon matagal tagal na mula noong huling date namin ni lourdes sa hongkong !"natatawa nitong sabi
Napatawa din ako! Kahit kailan talaga napakasweet ni sir chavez sa asawa niya!
Kwento nga niya sa akin naging magkaaway muna sila bago naging sila."Naku sir chavez kung malalaman ni james ang plano mo baka ililibre kayo!"panigurado kong sabi
Napatingin bigla ito sa akin at amuse na ngumiti!
"James pala!!"tumango tango nitong sabi
Napatawa ako para matakpan ang hiya.
"Ano kasi...
"No need to explain miss bartolome.."ngiti pa rin nitong sabi
"Sir chavez—
"It's really ok miss bartolome no worries!!"
Nagkagat labi ako! Nakakahiya!!
"Ikaw ang mag desisyon kong ilang buwan ang leave mo bartolome, pwedeng month, pwedeng year, pwedeng ding days.. ahaha"anito nito at dinugtungan ng tawa.
"Talaga??"
"Ilang taon ka din magtrabaho dito sa compound natin bartolome kaya nasa'yo ang desisyon mo dahil pinatunayan mo naman sa akin ang galing mo!"
"Kahit umabot ng dalawang taon?"
Tumango ito kaya napangiti siya! Aside sa sweet ito napakabait ni sir chavez.
"Pag ikaw ikakasal ni james wag mo akong kalimutan!!"nakangiti turo sa akin
"Si Sir chavez talaga!!"nahihiya kong sabi
"Na miss kana ng asawa ko bartolome!! Kung may panahon ka bisitahin mo siya sa bahay tiyak matutuwa yun!!"
Tumango ako at tumayo na!
"I have to go Sir chavez!! Wag kayong mag alala bibisitahin ko si maam lourdes sa bahay niyo!"
Ngumiti ito at nilahad ang kamay kaya tinanggap ko naman.
BINABASA MO ANG
Your always mine
RomanceMasarap sa pakiramdam na ang taong bestfriend mo ang siyang maging ka forever mo. Tunghayan ang kwento ni russel at princess kung paano nila nalampasan ang pagiging mag-bestfriend to husband and wife! R-18 Cover is not mine credit to the rightful ow...