《01》 THE DEBT

2.6K 50 6
                                    

Kim Taehyung's POV

"Kalma ka nga muna!!" Natahimik ako nung batukan ako ni Jimin. Napahawak ako sa ulo ko bago sya tingnan. Napakaliit ng kamay pero anlakas mambatok.

"Para saan yun?!" Asar kong tanong pero pinaningkitan nya lang ako ng mata bago umirap. Aba, may sungay sya ngayon.

"Wow! Tinatanong mo pa eh napakaingay mo nga dyan!" Highblood na sabi nito kaya nakasimangot na umayos ako ng upo. Di ko malaman kung bakit napakainit ng ulo ng lalaki na'to. Siguro ay nag-away na naman sila ng Yoongi nya.

"Oh, ba't parehong gusot yang mga mukha nyo?" Napatingin ako kay Seokjin nung ibaba nya ang newly-baked cookies sa mesa. Agad akong kumuha ng isa na para bang di na inisip pa kung mainit ba yun o hindi.

"Araaaayyy!!!" Sigaw ko sabay ng agarang pagbitaw sa cookie na kinuha ko. Hinipan ko ang kamay ko dahil sa paso. Narinig ko ang tawanan nila Jimin at Seokjin kaya masama ko silang tiningnan. Pinagkakaisahan ba naman ako.

"Oh, kalma. Upo ka nga muna, Seokjin.  Pakinggan na natin yung dinadaldal ng lalaking to" sabi ni Jimin habang namimili ng cookies na nasa plato. Umupo naman nga si Seokjin sa tabi nya at sabay pa nila kong tiningnan.

"Oh, start your story.." Seokjin said while looking at me. I sighed deeply.

"I--"

"Grabe yung paghinga mo ng malalim. Parang sobrang problemado mo--"

"Kaya nga, hahaha. Kanina pa sya ganyan"

Nawala ang drama sa utak ko dahil sa pagsira nila ng moment ko. Asar kong tiningnan si Seokjin na nakipag-apir pa talaga kay Jimin. Napaka-moody rin ng batang to, eh. Kanina highblood, ngayon naman todo-tawa. Ang sarap nilang pag-untugin.

"Nice.." asar na bulong ko kaya napatingin silang dalawa sakin. Tumigil sila sa pagtawa at sabay pang tumikhim.  Seryoso nila kong tiningnan na para bang kanina ay di sila mukhang mga baliw na tawa ng tawa.

"Okay, we'll listen--"

"Teka, bakit walang tubig dito, Seokjin?" Naputol ang sasabihin dapat ni Seokjin dahil sa pag-epal ni Jimin. Ibig-ibig ko ng mapalo ang noo ko dahil sa mga aberya. Problemado na nga ako dito, kung anu-ano pang napapansin ng mga 'to.

Di ko alam kung swerte ba'ko sa mga baliw na'to o hindi. Ang hirap nilang hanapin pero ang sarap din nilang itapon sa pinakamalapit na bangin.

"Oo nga,noh. Kukuha muna ko" tumayo na nga si Seokjin kaya napapailing na kumain na lang ako ng cookies. Hihintayin ko na lang na tumino sila para handa na silang makinig sa problema ko. Halata namang may nga toyo sila ngayon,eh.

"Heto na. Gatas na lang kinuha ko. Mas bagay sa cookies" sabi ni Seokjin dala ang isang tray na may lamang tatlong baso ng gatas. Kumuha agad si Jimin ng isa at nilaklak ito na kinairap ko.

"Sarap naman ng pa-merienda mo,Seokjin" sabi ni Jimin na halatang good mood na.

"Syempre alam kong may problema si..." di matuloy-tuloy ni Seokjin ang sinasabi nya dahil di nga nila ko pinakikinggan. Sabay silang lumingon sakin suot ang pilit nilang ngiti. Nilaro-laro ko ang daliri ko sa mesa habang nakasandal sa upuan ko.

Grabe, ngayon lang nila naalala ang dahilan ng pagpunta namin dito. Yung kaisa-isang dahilan kung bakit kami nagkita-kita. Hindi para kumain ng cookies o uminom ng gatas. Dahil yun sa NAPAKALAKING problema ko.

"T-Taehyung... makikinig na talaga kami" si Jimin pa talaga ang nagsabi nyan. Napairap na lang ako sa ere bago magsalumbaba sa mesa.

"I have a freakin big problem" paunang salita ko kaya nagkatinginan sila.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon