Nakarating kami sa bahay at panay pa rin ang sunod ni Drakeir samin ni Aya.
"Ang pogi nya Mam no? Boyfriend mo Mam? Naku! Wag mo na yang pakawalan." Tumili pa.
Umirap ako at sinalubong agad kami ni Mommy at Daddy sa pinto ng bahay.
"Kumusta?" Tanong nila at niyakap ako.
"Ok lang Mommy, Daddy... Napagod lang..." Sabi ko at pumasok na sa bahay.
Binigay ni Aya ang maleta ko kay Manang at ako naman ay tumungo sa kwarto sa taas para makapagpahinga.
Kaso hindi ako makatulog. Iniisip ko yung nangyari samin. Shit naman! Ang rupok ko! Nagpadala ako sa tukso ng damdamin. Pero bakit ganon? Ngayong nakita kona sya at nakasama pa iba pa rin yung dating nya sakin. Mahal ko pa rin sya? Walang kami pero mukhang mahal ko pa rin sya.
Bababa sana ako para kumain kaso napatigil ako sa hagdan ng marinig ko ang kwentohan sa sala. Sumilip ako ron at nakita ko si Drakeir na kausap sina Mommy at Daddy.
Di ko pinansin at tumungo nalang ako sa kitchen. May nakita akong salad sa ref kaya yon nalang ang kinain ko.
"Baby Zaye!" Tawag ni Daddy, marahil ay nakita akong kumakain.
Bumaling ako sa kanila at nakita kong nakangiti pa si Drakeir. Tinawag pa ako ni Daddy at pinapunta ako sa kanila. Umupo ako sa kabilang sofa.
"Hindi ko akalaing pupunta dito si Drakeir." Ani Daddy.
Umirap ako at kumain nalang.
"Gusto ko po sanang hingin ang kamay ni Zaye..." Anya at kumindat sakin.
Pinandilatan ko sya ng mata. At ngumisi pa sya.
"Nagbibiro po yan Mommy, Daddy..." Puna ko.
"Hindi po ako nagbibiro. Nung malaman ko pong hindi... Hindi naman talaga kami ni Zaye ay nagpasya na akong puntahan sya. Pumayag po si Dad bago pa man sya bawian ng buhay." Anya.
"Kung gusto ba ni Zaye ay papayag kami." Si Mommy.
"Mommy..."
"Wala po akong naging girlfriend since umalis kayo."
"Hinintay mo talaga ang anak namin ganon ba iho?" Si Daddy.
"Siguro po Oo, kasi wala po akong nagustohan at minahal na babae kumpara kay Mom at Ate Daniela. Si Zaye lang..." Anya.
"Mag usap na muna kayo ni Zaye kung payag ba sya na mapang asawa ka." Si Mommy.
Nagulantang ako ron at hinigit si Drakeir palabas ng bahay. Umupo ako sa swing at tumabi sya.
"Anong pinagsasabi mo ron?"
Kumurap sya "Sinasabi ko lang ang totoo. So, pwede ba kitang ligawan?"
"Bahala ka! Hindi na kita maintindihan." Sabi ko at napahilamos sa mukha.
"Mahal kita Zaye... Yon yon!" Anya.
Nag squat sya sa harap ko at pinatitigan ako sa mata. Hinawakan nya ang kaliwa kong kamay. May kinuha sya sa bulsa nya. Nagulat ako ng makita ang isang maliit na box. Binuksan nya yon. Napamaang ang bibig ko.
"Will you be my girlfriend again Zaye? Will you be my Wife?" Sinsero nyang ani habang nakatitig sa mata ko.
"Ba-bakit?"
"Dahil Mahal kita, may iba pa bang dahilan?"
"Baka nagkakamali ka lang. Baka hindi na ako ang gusto mo. Sobrang tagal na. 12 years na imposibleng Mahal mo pa rin ako." Giit ko.
Ipinasok nya sa ring finger ko ang singsing. May diamond sa gitna at kuminkintab to pag nasisikatan ng araw.
"Sa pag aaral ko. Ikaw lang ang nasa isip ko. Sa bawat pagpapalipad ko ng eroplano ikaw lang laman ng utak ko. Lahat ng ginagawa ko, ikaw ang nasa isip ko. Kahit na wala ka sa tabi ko. Ginawa ko ang lahat para pag nagkita ulit tayo, makikita mo ang lahat ng natamo ko sa aking buhay, dahil yon sayo."
"Bakit sakin---" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang hinalikan nya ako. Sinabayan ko sya sa bawat dampi ng labi namin sa isa't isa. Napahawak ako sa dibdib nyang sobrang bilis ng pintig ng puso. Parehas kami ng nararamdaman. Sobrang bilis ng kabog ng puso ko na parang sasabog. Parang mga kabayong nakikipagkarerahan sa bilis ng kabog nito. Naipatong ko ang kamay ko sa balikat nya.
Narinig ko ang tawa at tili ni Mommy at Daddy, Aya at Manang. Napatigil kami at napabaling ang tingin namin sa kanila.
Hinarap ni Drakeir ang mukha ko sa kanya. "Again... Will you be my wife? Forever...".
"I don't know what to say but... Yes... I will. I will be your wife." Ngumiti ako at dinampian sya ng halik.
Pumalakpak sila at niyakap kami pareho.
"My fiancee..." Bulong ni Drakeir at pinagsiklop ang aming kamay.
"Congrats" ani nila.
"Kailan ang balik mo sa trabaho?" Tanong ko habang kumakain kami ng tanghalian kinabukasan. Dito na rin pinatulog nila Mommy at Daddy. Katabi ko syang matulog dahil fiancee ko namana daw.
"Nagleave ako 3months para mas makasama ka pa." Anya.
"Hindi ba naman makakaapekto yon?" Tanong ko.
"Nope! Actually after ng reunion nyo, sa bahay naman tayo sa Pilipinas magcecelebrate. Kaya leave ka muna sa pagmomodel ha!" Anya at hinaplos ang buhok ko.
Di na ako umimik at kumain nalang kami. Tumawag na ako kagabi pa sa Manager ko na hindi muna ako magmomodelo. Sinabi ko ang rason na ikakasal nako. Sobrang saya nila at pupunta pa.
Nag impake kami kinagabihan. Aalis na kami bukas papuntang Pilipinas. Susunod nalang raw ang parents ko para mapag usapan ang kasal.
BLACKxNEON
BINABASA MO ANG
KUYA - [COMPLETED✓]
General FictionSI ELOIZAH MACVER AY BABAENG MASIYAHIN, MAY MAGANDANG BOSES AT MAPAGMAHAL SA LAHAT. MAY NAKILALA SYANG LALAKI NA KUNG TAWAGIN NYA AY 'KUYA'. MARAMING PAGSUBOK ANG DUMATING SA KANYANG BUHAY AT KAILANGAN NYANG MALAGPASAN. GRABENG PASAKIT ANG NARANASAN...