PAGE 62: RED TEDDY BEAR

37 6 0
                                    





"Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday Happy birthday. Happy birthday to you... Happy Birthday Mam Zaye." Nagulantang ako habang kumakain ng French fries ng marinig ko ang kanta ng nga waiters at waitress don. Napatingin ako sa kanila, halos nasa harap namin sila at nakahanay na nakatayo. Nagpalakpakan sila ng matapos.




Napatingin ako kay Kuya Drakeir na kanina pa pala titig na titig saakin, ngumisi sya sakin.



Tumayo ako "Thank you po..." Sabay ngiti ko. Nakipagkamayan sila at kay Kuya Drakeir.



Umupo ako at sumubo ulit ng isa pang french fries ng maisawsaw yon sa sauce. "Akala ko iba yung kinakantahan. Di ko akalain na ako pala haha." Napailing ako.



Agad nyang pinunasan ang gilid ng labi  gamit ang tissue "ayaw ko sanang punasan dahil nandyan yung halik mo sa labi ko. Kaso may sauce eh. Halikan nalang kita ulit---" agad nya akong sinunggaban ng halik. Gentle lang halik nya.


"Whoaaaooo!" Tinulak ko sya at nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa mga taong pumapalakpak at sumisigaw sa saya.



Napakagat labi nalang ako. At umiwas sa tingin ng mga tao.



"Congrats Sir! Buti sinagot kana!" Biglaang sigaw nila kay Kuya Drakeir.


Napakabilis ng baling ko sa kanya "Sir?" Nagugulohan kong anya.


Ok lang naman kung Sir ang tawag nila sa mga customer. Pero iba yung Sir sa mga to! Parang matagal na nilang kilala si Kuya Drakeir.


"Ikaw may ari nitong McDo? Kaya ba marami kang inorder dahil sayo to?" Nanlaki ang mata ko sa gulat ng humalagpak sya ng tawa.




Halos tumawa rin ang lahat.



"Manager namin sya Mam Zaye..." Ani ng isang mukhang bading.



Nakahinga ako ng maluwag.  Para kasi akong nakupusan akala ko sya may ari nito.



"Part time at saka nong bakasyon, manager ako dito. Pero ngayon... May iba munang umupo sa trono ko." Sabay kindat nya.



Nagkwentohan pa kami... Halos magbulwak ang tyan ko sa kabusugan. Habang sya patikim tikim nalang. Bumalik na sa trabaho ang mga umawit at kami ang natira sa upuan. Napatingin ako sa kwintas nya. Napangiti ako ron dahil parehas kami.



"Nabusog akong masyado grabe!".



"Tataba ka sakin hahaha..." Tumawa sya




Binatokan ko sya "Tataba na ano? Di ako kakain ng isang linggo nito." Umirap ako.


"Ah!... Sabi kasi nila pag nasa tamang tao ka at inaaalagaan, tataba ka! Tulad ni Angel Locsin! Nasa tamang tao sya inaaalagaan at nagmamahalan!" Sabay kindat nya.



"Bakit tamang tao ka ba?" Umiwas ako ng tingin, napangisi ako ng kumunot ang noo nya.





"Sa tingin mo maling tao ako? Bakit moko sinagot? Bakit naging tayo kung maling tao ako? Hindi ko alam kong bakit moko sinasaktan ng ganto Zaye... Ang sakit sa---"




Agad ko syang hinalikan. Naestatwa sya. Mabilis lang yung halik. At ngumiti ako sa kanya. Agad ko syang hinila patayo at lumabas kami ng McDo.



"Nagdedate rin sina Veron at Gelon. Nakita ko sa IG" sabi ko.


"Uh huh? Rin? Means... Date tawag mo dito?"



Umiling nalang ako at naglakad lakad kami sa Mall. Maraming tao ngayon. Halos nakikita kong namimili ng pamasko. Ang iba naman ay naglalaro sa Games Area.



Dinala ko si Drakeir sa Games Area at nagpapalit ako ng 100 pesos ko ng coins.




Binigay ko ang 50 coins kay Kuya Drakeir at sakin ang natitirang 50. Nagbaskettball kami. Halos matawa ako sa tuwing ring ang napapatamaan ko. Si Drakeir naman ay halos sumabog sa kakatawa dahil isa pa lang napapashoot ko.



"AHHH!...." Napasigaw ako dahil agad nya akong binuhat habang nahawak sa bewang ko. Shinoot ko ang bola at halos magwala sa pagkakakarga nya saakin. Tawa sya ng tawa.




"Kahit marami kang nakain ang gaan mo parin hahaha..." Pang aasar nya.


Umirap ako at nagpashoot uli! At sa huling shoot nayon bigla iyong pumasok sa ring at halos tumalon ako dahil sa tuwa. Napatalon ako kay Drakeir habang yakap sya. Inalalayan nya ako habang nakakarga ako sa kanya.



Di ko kasi akalain na magshoshoot yon! Eh itinapon ko lang naman sya at di ko naman bwenelo.



"Hahahahaha... Gusto mo pala ikaw yung unang mag piggy..."



Nakapiggy front kasi ako sa kanya habang alalay nya ang bewang ko upang hindi ako malaglag.



Marami pa kaming nilaro at halos mangisay ako sa saya pag nananalo ako. Pero sa huli si Drakeir ang may pinakamaraming nakuhang ticket.



Pinagsama namin yong akin at kanya. 999 lahat ng ticket na nakuha namin. At pinapalit agad yon.



"Alin gusto mo dyan?" Anya.


"Wala na kong gugustohin pa. Ikaw lang..." Bulong ko.



"Mas gusto kita at Mahal pa." Bulong rin nya at tumawa nalang ako.


"Kahit alin basta yung gusto mo." Sabi ko.



"Nakuha ko na yung gusto ko eh. Ikaw!" Anya. At bumaling na sa mga nakadisplay "Miss, yun nalang pong Teddy Bear na Red" anya.



"Red?"




Humarap sya sakin at inilahad ang red teddy bear "Happy Birthday Zaye..." Sabay kiss nya sa pisngi ko napangisi naman ako "16 kana. Tapos tayo pa. I can't wait for 2 years para mag 18 ka... Ok lang! Naintay ko ngang maging tayo pero worth it dahil magjowa na tayo ngayon..." Bulong nya sa tenga ko.



Hahalikan pa nya sana ako pero nakaharang sa gitna namin ang Teddy Bear kaya tumawa nalang kami at lumabas ron.



"Ma 3pm na pala! Iuuwi na kita. Baka magkaron pa ako ng bad background sa parents mo! Ay, kay Tito at Tita pala hahaha..."



Habang naglalakad kami palabas ng Mall. Nahagip ng tingin ko si Tristan na naglalakad habang may dalang sopot. Ngumiti sya sakin, kumaway at tumango. Tumingin sya sa kamay naming magkahawak.




Napabaling ang tingin ko kay Drakeir ng magsalita sya."Si Tristan? Nag aano sya dito?" Biglang ani Drakeir. Nagkibit balikat nalang ako.




Nang tumingin uli ako, wala na sya. Di man lang ba nag atubiling lumapit?




Magkahawak pa rin kami ng kamay palabas ng Mall. Tumungo kami sa mga nakaparadang bus, don na kami sumakay.












BLACKxNEON

KUYA - [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon