Maraming nagbago. Nagbago ang lahat ng manligaw sakin si Kuya Drakeir. Kung dati'y parang wala lang kapag kami'y magkasama, pero ngayon. Ito sya at niligaw sakin. Akala ko hindi na nya ako papansinin, pero hindi. Simula nang mapasabak ako sa Spelling Bee, nagkasundo kami. Para kaming baga at puso na hindi mapaghiwalay at laging magkasama.
Nang makauwi na kami galing sa Mount Makiling, naiisip ko minsan si Tristan dahil sa mga nasabi nya sakin nung gabing yon. Marahil. Pinagtagpo lang kami upang maging magkaibigan, hindi para mas gumihit pa don.
Dumaan ang ilang araw.
Nandito kami ngayon sa canteen habang nagkwekwentohan.
"Alam mo na ba ang nagyari Zaye?" Tanong bigla ni Veron sakin habang kami'y natatawa sa kwento ni Paul.
"Grabe natatawa talaga ako kay Mam kanina hahahaha. Hindi ko mapigilan kanina HAHAHAHA" mas lumakas pa ang tawa ni Paul, pano ba naman kasi nilagyan nya ng kalamintas yung upuan ni Mam Bane, habang kami'y nag ququiz. Kaya ayon! Panay kamot doon kamot dito ang gawa ni Mam kanina. Medyo matanda na si Mam Bane kaya d nya ata makita yung mga kalamintas (langgam na malalaki) sa kanyang upuan "Grabe talaga tawa ko kanina hahahaha---"
"Oo nga. Kaya nga pina guidance ka diba." Ani Tristan.
Batid kong tungkol sa nangyari sa Park ang tinutukoy ni Veron last Friday.
Tumango ako "Oo, nabalitaan ko sa Facebook. Kalat kasi may naglive pa. May mga bashers akong nabasa. So, ano nga ba nangyari?" Baling ko kay Carlo, punot dulo ng nangyari.
"Na MMK at Na KMJS ako don mga Kapamilya at mga Kapuso" umiiling na ani Carlo. Nakuha pang magbiro.
"Anong pinagsasabi mo? Nababaliw kana ata. Naloko kalang hahahaha" pabirong ani Paul.
Actually kasi, sa aming magkakaibigan si Paul at Carlo ang same vibes, si Tristan at Gelon naman at syempre kami naman ni Veron.
"Na Muntik na Maging Kami, Kaso May Jowa Sya. Haha" ramdam kong masakit pa rin kay Carlo ang nangyari.
At kwenento na nga nila from the top ang nangyari. Umuwi na kasi agad ako non nang nakita kong nag aantay na sa labas ng School si Daddy. At sila naman ay nag aya pang mag puntang mall tambay raw. Kaso sabi ko nandito na si Daddy d nako makakasama.
"...Nakausap na kami sa Baranggay." Dagdag ni Tristan.
Nagulat ako ron. Napa baranggay sila? Sa tamang buhay ko d ko mawaring madadala sila sa Baranggay dahil mababait naman sila, may pagkaloko lang.
"Ok namana. Yung Eli at Hansent ang mas grabe ang pag sermon. Mga kilala na pala yung Hansent at barkada nya...yung mga dumating, na barumbado kaya nakulong sila 1week lang para magtanda" ani Gelon
"Mabuti yon sa kanila. Lalo na yung Eli na yon! Ansama ng ugali anlandi. At alam mo ba inamin pa nyang malandi sya na maraming nagkakagusto sa kanya hahaha. Inggit pala sayo yon Zaye eh." Nandidiring ani Veron "Nagsabunotan kami pero talo sya! Puro satsat kulang naman sa gawa" sabay irap nya "Kaya ikaw!... Umayos kana! Concern kami sayo! Buti nakarescue agad kami! Kundi! Ay nako! Baka namorgue kana hahaha charrot".
At nagkagulohan na nga ang nagyari. Marami silang nakwento sakin. Grabe pala to si Carlo ilang buwan palang kahit di pa nya nakakasama in person, ay ginusto na nya. I know naman na maraming nagkakagusto sa kanya pero ni isa wala syang niligawan o seneryoso, parang trip lang sa kanya noon. Pero ngayon. Seneryoso nya.
"Dalwa nang barkada natin ang nasaktan haha. Si Carlo at Trista---" d naituloy ni Paul ang sasabihin ng tinapik ni Veron ang kanyang kamay na nasa mesa. Sabay baling sakin na parang walang nangyari.
"Si Kuya Drakeir yon diba?" Turo ni Carlo sa lalaking pababa sa hagdan.
Nanliit ang mata ko nang makita kong kasama nya si Ate Rhea habang sila'y nagkwekwentohan habang tumatawa may pa palo palo pa sya kay Kuya Drakeir. Ito namang si Kuya Drakeir naiwas pero natatawa parin.
Nang tumingin sya sa banda samin at nagkatinginan kami. Agad nyang binilisan ang paglakad at nakangiti pa. Ano kaya pinag usapan nila? Bakit parang happy na happy. Whatever.
Napanguso si Ate Rhea nang maiwan sya.
Umiwas ako ng tingin nang malapit na sya.
"Landi ni Ate Rhea. Kakainis." Ani Veron.
"Mamaya nalang Rhea!" Ani Kuya Drakeir at kumaway kay Ate Rhea.
"Bilisan mo huh..." Sabay kagat labi ni Ate Rhea. D na nya kami tiningnan at umalis na sa kung saan sya pupunta.
BLACKxNEON
BINABASA MO ANG
KUYA - [COMPLETED✓]
Ficțiune generalăSI ELOIZAH MACVER AY BABAENG MASIYAHIN, MAY MAGANDANG BOSES AT MAPAGMAHAL SA LAHAT. MAY NAKILALA SYANG LALAKI NA KUNG TAWAGIN NYA AY 'KUYA'. MARAMING PAGSUBOK ANG DUMATING SA KANYANG BUHAY AT KAILANGAN NYANG MALAGPASAN. GRABENG PASAKIT ANG NARANASAN...