PAGE 8: CANTEEN

106 31 2
                                    






Nagrecess kami ni Veron sa canteen at puno na ang mga upuan kaya wala kaming mahanap



"ZAYE! VERON! DITO NALANG KAYO" sigaw ni Tristan ng makita kami, apat silang magkakasama kaklase rin namin yong tatlo



"Tara don Zaye!" Turo ni Veron kala Tristan, hinila nya ang braso.



"Four boys yan tapos tayo lang ang girls" Sabi ko




"Hahaha! Wala man makakaangal dahil nandito ako sanay na mga tao sakin mapababae, lalaki, tomboy k bakla nakikisama ako yon ang tinatawag na nakikihalobilo kaya tarana!" Hila uli nya sakin




Sa lakas ng paghila nya napahila nya ako



"Puno puno ang canteen kasi may pasok na ang senior high dito na kayo" sabi ni Tristan ng makalapit kami




"Oo nga eh! Nakita mo ba sina Kuya?" Tanong ni Veron kala Tristan "Zaye upo kana" at umupo naman ako



"Nakita ko kanina may dalang mga papel yong magtotropa baka may ipapasa sa faculty" Sagot ni Tristan




Nag urusap kami habang kumakain, napansin ko naman ang mga babaeng tingin ng tingin kay Tristan, actually pogi kasi si Tristan lalo na pag nangiti ang cute nya! Pero d ko ata sya crush abay ewan ko mukhang napopogian lang ako




"Oy! Punta kayo sa Friday ha! Birthday ko yon baka malimutan nyo" sabi ni Veron kala Tristan



"Malilimutan ko ba naman yon? Eh kainan yon hahaha" hulagpak ng tawa ni Carlo "punta ka Zaye ha! Masarap magluto ang mother nyan ni Veron, saka gusto kita makasama yieee hahaha joke baka may magalit" sabay tingin nya kay Tristan



"Huh? Sino naman magagalit" sabay ngiti ko



"Hoy! Magregalo naman kayo ang tatakaw nyo" sabi ni Veron



"Ano bang gusto mo? Ahm! Bra? Panty? Lacey panty? Hahahaha" sabi ni Gelon at humalagpak kami ng tawa




Hinampas ni Veron si Gelon "Gago! Ipapasuot ko yon sayo!" Singhal ni Veron




"Kumusta si Bernard natuto ba?" Tanong ni Tristan sakin



"Marunong na sya nahirapan daw sya pero ok na sya sa Math" sagot ko




"Nahirapan kamo dahil ikaw ang nagturo Zaye hahaha" Sabi ni Gelon




Himpas nanaman ni Veron si Gelon "Kanina kapa Gelon may gusto ka rin naman kay Zaye no! Selos kalang ay! Hahaha bleeeeeh" pang aasar ni Veron kay Gelon



"Tumingin ka sa paligid Zaye" sabi ni Paul tumingin naman ako at nakatitig sakin ang mga lalaki "Oh diba! Inggit sila samin dahil kasama namin ikaw hanga sila sa Ganda mo---"




Biglang sinapok ni Tristan si Paul "Ang landi mo Paul hahaha!" Bigwas ni Tristan



"Eh talaga naman ah! Ikaw nga rin may gusto sa kan---" d natapos ni Paul ang sasabihin dahil biglang tinakpan ni Tristan ang bibig nya




"Halata kayo guys! May patakip takip kapa ng bibig ni Paul, Tristan" Sabi ni Veron.



"Kuya mo Veron oh!" Turo ni Carlo sa papasok sa canteen




Halos magtilian ang lahat dahil sa paparating na limang lalaking matatangkad



"KUYA!" sabay tayo ni Veron at lumapit don




Napatingin naman ako kay Kuya Drakeir, nagulat ako ng nakatingin sya sakin pero walang ekspresyon ang mukha




Nag iwas ako ng tingin at nakipagkwentuhan nalang kala Tristan



"Campus Crush yan dito sila since Junior High, Captain ang Kuya ni Veron" sabi ni Tristan



"Ah! Kaya pala nga Famous eh! Tingnan mo halos hubaran na nila yong limang lalaki, panay ang picture ng mga babae sa kanila" sabi ko




"Hahaha! Baka sa susunod kami na din ang ginaganyan ng lahat" sabi ni Gelon



"Hahaha! Ang kapal mo Gelon" sabi ni Paul



"ZAYE!" senenyasan akong lumapit ni Veron, nag alinlangan pa akong lumapit.














BLACKxNEON

KUYA - [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon