PAGE 51: CHRISTMAS PARTY

28 7 0
                                    




I found love and friendship in one person... Inlove na ba talaga ako sa kanya? Iba yung pakiramdam eh! Parang sasabog yung sistema ko sa kilig parang may kabayong nakikipagkarerahan sa puso ko sa sobrang bilis ng kabog nito.



Lumabas na ako ng Cr matapos ayosin ang sarili.


Pinihit ko ang pinto ng room at pumasok ng dahan dahan pero may biglang tumusok sa bewang ko. Napatingin ako kay Kathy (classmate ko) nakangiti sya sakin.



"San ka galing?" Mahinang anya.

Lumapit ako ng bahagya sa kanya at bumulong "hinanap bako?"

Umiling sya "Hindi. Sa sobrang busy dito di nila namalayang lumabas ka haha. Nakita kita kasama mo si Kuya Drakeir. Kayo na ba? Nakita ko kayo magkayakap parang kinocomfort ka yieee" anya sabay tusok uli ng kanyang point finger sa bewang ko "sexy mo pati at ang ganda pa." Manghang anya.

Napailing nalang ako at umupo na malapit kala Veron na nagpipicture. Ok na pala ang lahat.


"Hoy! San ka galing?" Ani Veron ng makitang papalapit ako.

"Cr lang" sagot ko.


Nanliit ang mga mata nya "Weee?" Anya.

Agad ko syang winisikan ng tubig  nang maghugas ako ng kamay ko kanina sa Cr.

"Hmmm." Sinamaan nya ako ng tingin. Lumapit sya sakin at nagsimulang magpicture.


Kinuha ko naman ang camera ko at nagpicture rin sa among room. Mga decorations. Classmates at syempre picture ng aming barkada.


Maraming pumuri sa akin. Sa aming lahat. D mo man maikakaila dahil lahat naman tayo ay maganda at gwapo may mga bashers lang talaga na alam mong ayaw sayo kaya nasasabihan ka ng masasakit na salita.



Nagsimula na rin kaming kumain. After 20 mins. Nagpalaro na sila Mam. Iba't ibang palaro. Merong Paper Dance, merong kutsara  sa bibig na may kalamansi don ipapasa sa ka- team hanggang sa makarating sa dulo para mailagay sa cup. At iba pa.


Minsan nanalo minsan talo.

Nagpahinga ako saglit at napatingin ako sa cellphone ko ng magtext si Daddy. Kinamusta nya ako sabi ko Masaya. Pinaalalahanan ako ni Daddy kaya napatagal ang pahinga ko. Nagpapasalamat ako dahil ang swerte ko kay Daddy. Napaka sweet, gentleman, thoughtful halos nasa kanya na lahat ng hihilingin mo sa isang ama. Natapos ang pag uusap namin ni Daddy ng makatanggap naman ako sa messenger ng chat ni Kuya Drakeir.

Kuya Drakeir
   (Uuwi kana ba after ng party? Susunduin ka ba agad? Kung hindi pa pwede bang labas tayo? Kain tayo. Treat ko😉)


"Sige agad!" Biglang anya ni Veron na nasa likod ko pala at nakikibasa sa cellphone ng may cellphone.

Napakunot ang noo ko.

"Sige na! Mag oo kana. Sige ka... Matagal kayo nyang di magkikita. Saka diba 5pm pa ang sundo sayo ng Daddy mo? Dahil may work sya. 3pm pa naman ang uwi ta! Napaka aga." Anya at umalis na.


Nag reply ako ng Ok. 2hrs pa akong mag iintay mabobored lang ako.

Agad syang nagreply ng 'wait moko mamaya 30mins lang'

Sumali uli ako sa mga palaro halos nandon kaming lahat sa gitna halos mag siksikan na sa mga candy na sinasaboy ni Mam sa amin.


Nang matapos. Kumain na kami ng dessert at isa sa kinain namin ang dala kong Korean Dish na luto ni Mommy katulong si Manang. Maraming pumuri sa sarap non. Ani nila'y ngayon lang sila nakatikim non dahil malayo ang Korean Restaurant dito.


Inaya ako ni Veron na mag Cr, sinamahan ko naman sya. Habang iniintay ko syang matapos halos mabingi ako sa sigawan, hiyawan sa taas. Siguro sa room nila Kuya Drakeir.

Nang makalabas si Veron ay napanguso sya at kumunot ang noo.

"Ano yon? Ansaya sa taas! Silip tayo saglit!" Anya.

Aapila pa sana ako pero agad nya akong hinila pataas. Nandon na kami ng masilip namin ang nagkakasiyahang College Students sa mga naglalaro ng Paper Dance sa gitna. Nasa pinto kami dahil nakabukas yon ng kunti.


Nahanap ng tingin ko si Kuya Drakeir na nakahawak sa bewang ni Ate Rhea. Pakiramdam ko nag alab ang sistema ko sa nakita at parang tinusok ng paulit ulit ang puso ko at ngayo'y dugong dugo sa nakikita.



Laglag ang panga ni Veron sa nakikita at napatakip ng bibig dahil biglang natumba si Ate Rhea at Kuya Drakeir dahil di na nila kaya ang maliit na tiklop ng papel.


Nasa ibabaw ni Ate Rhea si Kuya Drakeir habang d pa rin sila umaalis sa pagkakadag an sa isa't isa, sandaling nagkatitigan ang dalawa. Halos magdugo ang dila ko sa sobrang kagat nito, pinipigilan na maiyak.


Naghiyawan pa lalo ang mga kaklase nila.

"Whoaaaoo. Bagay talaga kayong dalawa" sabi ng nakararami.


Napatayo si Kuya Drakeir sabay abot ng kamay kay Ate Rhea upang ito'y makatayo na rin. Inabot yun ni Ate Rhea at tumawa sabay kagat ng point finger nya.


Tumingin si Ate Rhea sakin at nabasa ko mula sa bibig nya ang 'Masakit ba?' umaksyon pa syang nasasaktan may pahawak hawak pa banda sa kanyang puso.



Naramdaman ko nalang ang sarili kong tumatakbo pababa at pinunasan ang takas na luha. Narinig ko ang tawag ni Veron pero di kona nilingon. Nagpatuloy lang ako at pumasok sa Cr para mahimasmasan.



D kasalanan ni Kuya Drakeir dahil binabalance naman nya si Ate Rhea pero natumba sila dahil di na magkasya ang paa nya sa papel.


Oo masakit. Sobrang sakit. Wala naman akong karapatang masaktan dahil di naman kami diba? Kalimutan ko nalang ba yon? Wala namang may kasalanan, nagkataon lang na natumba dahil kulang sa papel. Oo tama! Ganon nga!












BLACKxNEON

KUYA - [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon