Every Recess and Saturday ako tinutyutor ni Kuya Drakeir
Pag Saturday naman ay sa Restaurant
Nandito kami ngayon sa Canteen at tinutyutor nanaman nya ako "Kelan ba ang Spelling bee?" Tanong ko
"I guess second week of March" sagot ni Kuya Drakeir
"Malapit na pala" sabi ko
"Hmmm, kaya tandaan mo lahat ng tinuro ko sayo lalo na ang teknik haha, kung anong pumasok saiyong isip at sinabi ng iyong puso ay eyon nga! Yon agad ang isagot mo" sabi nya habang tumuturo
"Yeah! Thanks for the tyutor" Sabi ko
Nang magMarch na ay tumungo na ang Van na sinasakyan ko kasama ag mga guro at si Kuya Drakeir sa lugar kung saan maglalaban ng spelling
Nang makarating kami ay makikita mong mataas ang uri ng mga tao ang manunood, kinabahan naman ako
"Relax" Ani Kuya Drakeir
Ngumiti naman ako at nag enhale at exhale
30 mins before start
Nang malapit nang magsimula ay pinaupo na ako sa right side ng stage at nasa harapan ko naman ang aking kalaban na babae rin, may salamin mukhang matalino aba baka belat ako dito tsk
"Spelling have 30 items, hope you two will do, Good Luck" ani Emcee
Inihanda ko na ang aking panulat at length wise paper
"Number one, spell 'Gallicanisms'"
Number one palang Ang haba na! Teka emcee bata pa po kami hindi kaya ang mahahaba haha
"Number two spell 'Dracaena'"
"Number three spell 'speciousness"
Sunod sunod na ang mahihirap kaya nang matapos ay nakahinga nako ng maluwag pero d pa rin kaya dahil hindi pa na aanounce kong sino ba ang panalo
Bumaba na ako ng stage at tumungo kala Mam
"Mamaya pa iaa anounce kung sino ang panalo, magmeryenda muna tayo para busog" Ani Mam
"Libre mo ba?" Ani Sir
"YIEEEEEE" Sabi ng ibang mga guro kaya nakisali kami
"Baka mamaya Mam kayo na hahaha" ani Kuya Drakeir
"Eh kayo ni Miss Macver baka mamaya kayo na! Hahaha" at tumawa naman si Mam
Natigilan naman ako sa sinabi ni Mam, at Napa angat ang tingin ko kay Kuya Drakeir na nakatingin sakin sabay ngiti at tumingin na uli sa ibang dereksyon
Tumungo kami sa harap, may restaurant kasi don
Umorder naman kami at nagsimula nang kumain
"Hanggang ngayon pinagpapawisan ka pa rin Miss Macver?" Ani Sir "kanina pa yan ah! Tapos na ang spelling at nasa aircon na tayo tagatak pa rin pawis mo hahaha"
Napansin ko naman na pinag pawisan pala ako ng husto
Agad akong inabutan ng panyo ni Kuya Drakeir "gamitin mo to d ko rin naman yan nagamit kasi nasa bulsa ko lang palagi, sorry ko d rin napansin na pinagpawisan ka" at sya na nagpunas ng pawis sa aking noo, ilong nang tumama ang kanyang panyo sa aking leeg ay napansin kong napalunok sya ng sunod sunod, Lah? Anyare seyo
"YIEEEE! KAYO RIN HA!!!" Ani ng mga guro
Agad tumawag ng waiter si Sir "Yung bill, bayaran ko na" ani Sir
"Wow si Sir magbabayad ha!" Sabi ng isa sa guro
"Ay sir! Libre po kain nyo dito tinawagan na kami ng endorser ng pinag espelengan ng inyong panlaban" Sabi ng waiter at tumingin sakin sabay ngiti " Congrats"
Nag congrats agad eh d pa naman na Sabi kong sinong panalo eh haha
"Ha? Ganon ba? D nagsabi eh! Sige akin na yang menu gutom pa kami eh" ani Sir at nag order uli "Ito Ito Ito saka Ito paki balot bakasaling magutom kami eh sige salamat"
Bumalik na kami sa Spelling Bee at nag announce na kung sino ang panalo
"It's time to announce! The winner is... From Hanel Student School, Miss Eloizah Macver! And Congrats, for her tyutor congrats also your two brilliant" ani ng Emcee
Pinapunta naman kami sa unahan ng emcee at nag picture habang hawak ang trophy ko, kapag naka tatlong trophy daw ako ay makakakuha ako ng 1million pesos from sponsor
Nang makauwi ay kumain kami sa labas nila Mommy at Daddy para icelebrate ang pagkapanalo ko
BLACKxNEON
BINABASA MO ANG
KUYA - [COMPLETED✓]
Aktuelle LiteraturSI ELOIZAH MACVER AY BABAENG MASIYAHIN, MAY MAGANDANG BOSES AT MAPAGMAHAL SA LAHAT. MAY NAKILALA SYANG LALAKI NA KUNG TAWAGIN NYA AY 'KUYA'. MARAMING PAGSUBOK ANG DUMATING SA KANYANG BUHAY AT KAILANGAN NYANG MALAGPASAN. GRABENG PASAKIT ANG NARANASAN...