PAGE 67: I'M HERE TO MAKE YOU HAPPY

36 6 0
                                    




Dumaan ang tatlong araw ay naging malungkot ang lahat. Ikaw ba naman ang mamayatan hindi ka malulungkot? Ayaw kong isipin na wala na talaga sya. Tanging iniisip kong nandito lang sya at kasama naming barkada nakikipagkwentohan, nakikipag asaran, at higit sa lahat yong pinipisil nya ang psingi ko sa tuwing natutuwa sya sakin. Miss kona yon, miss na Miss.



3 days at dito kami natutulog kala Tristan, kung minsa'y sa guests room kami dinadala. Pero madalas akong matulog sa mahabang upuan sa harap ng kabaong ni Tristan. 4 years na kaming magkakilala at magkaibigan hanggang sa nagtapat sya sakin tungkol sa kanyang nararamdaman.


Hindi maganda ang mag isip ng kung ano ano. Tristan... Sorry, Sana ako ang nandyan at hindi ikaw. Ako sana yung nabaril at hindi ikaw. Sana ako nalang. Sana.



Lumabas muna ako para magpahangin. Tanglaw ang langit. Kay raming butuin na masarap pagmasdan sa kislap.


Naalala ko to nung nasa Mount Makiling kami at nakausap ko sya, habang inaabot ko ang mga bituin sa langit naaaalala ko ang mga pinagsamahan namin.


"Isa na ba si Tristan dyan sa mga bi-butuin?" Malungkot na sabi ng katabi kong si Veron na nakatanglaw rin sa kalangitan. Des oras na ng gabi at mahirap matulog pag ganto.


"Naalala ko... Gusto nyang maging astronaut. Gusto nyang maging astronaut..." Hirap kong ani.

"Noon pa man gusto na nya yon. Gusto nya raw maging astronaut at alamin ang lahat kung anong itsura ng kalawakan. Hanggang pangarap nalang..."


"Mahirap mawalan ng kaibigan..."


"Sobra..." Anya.


Ililibing na sya bukas. Parang babaliktad ang sikmura ko habang iniisip na tuloyan na syang mawawala. Hindi mo na muling masisilayan ang nga ngiti nya. Ngiti nyang ako raw ang dahilan dahil sa kanyang nararamdaman.




Napabaling ang tingin ko kay Drakeir nang inihilig nya ang ulo ko sa kanyang dibdib. Nakatayo kasi kami habang nakatingin sa langit.


"Matulog kana... Gabi na." Anya. Tumango ako at sumunod sa kanya papasok.


Sina Mommy at Daddy naman ay nagpaiwan sa bahay dahil si Manang lang ang naroon. Nakiusap ako na dito muna ako kaya hinayaan naman nila ako. Kasama ko ang barkada at ganon rin si Drakeir.



Kinausap na rin kami ng mga pulis sa nangyari. Nasa mental hospital na ngayon si Rhea. Baliw pala.


Kinabukasan, manhid na manhid ako. Ito ang araw kung saan makikita mo ang kaibigan mong ibaba na sa lupa at tatabonan. Ito ang araw na hindi mo na masisilayan pa ang kanyang mukha.


Maraming tao at maraming nagbigay nagkwento tungkol sa pinagsamahan nila ni Tristan. Isa na ako ron. Humagulhol ako sa iyak sa tuwing naaalala ko ang una naming pagsasama.


"Nahihiya pa nga ako non makisama sa table nila sa canteen dahil puro lalaki sila. Pero ito namang si Veron pinilit ako kaya no choice... Naging close kami. Nagpaturo pa sya sakin sa math at yon nalaman ko na magaling naman pala sya sa math talagang gusto nya lang magpatulong sakin para magkalapit kami. Nagpatulong rin ako sa kanya sa Araling Panlipunan. Hanggang sa naging sobrang close kami. Sa tuwing natutuwa sya sakin pinipisil nya ang pisngi ko. Minsan gigil pa. Haha." Napailing ako at panay ang punas sa dumadaloy na luha mula sa aking mata.


Hinulog ko ang puting rose sa ibabaw ng kabaong habang unti unti yung binababa. Napaupo ako at inaabot sya sa baba. May dumulog sakin na alam kong ang mga kaibigan ko yun at si Tristan.


"Ikaw yung star na tatanawin ko sa tuwing namimiss kita... Namin." Nanghihina kong ani.


Itinayo nila ako don para tabonan na ng lupa.


Niyakap ako ni Drakeir. Mugto ang mata ko pero kita ko ang nanlilisik na mata ni Daddy at Mommy. Hindi pa nila alam ang tungkol saamin at hindi rin naman sila nagtatanong. Kumalas ako at lumapit kay Daddy at masugod syang niyakap.


Hinaplos nya ng hinaplos ang buhok ko para matahan ako.

"Daddy... Napamahal na samin si Tristan masakit pala na makita mong nasa burol sya at pinaglalamayan at ngayon... Nasa lupa na at alam ko... Nandito lang sya sa paligid." Tumingin ako sa kawalan "Kung nasan ka man. Sana panutbayan mo kami... Tristan..."


Nauna na sa kotse si Daddy... Ang lamborghini naman na regalo nya sakin ay naiwan sa bahay dahil hindi pa ako marunong magmaneho.


Nagpaalaman na kami. Samantalang ang parents ni Tristan ay naron pa rin at patuloy ang pag iyak. Sumasakit ang dibdib ko habang pinagmamasdan mo silang ganon, anak nila yon kaya masakit sa kanila ang mawalan ng anak. Binuhay nila pero kukuhain din agad, dahil pinahiram lang saatin ng diyos ang buhay kaya wala tayong karapatang sumbatan ang diyos at sino man.



Lumapit ako at hinaplos ang likod ni Tita, Mom ni Tristan "Sorry Tita, sana buhay pa sya ngayon... Sana nandito pa sya... Sorry po tala---"


Umiling sya ng umiling "Hindi... Hindi mo kasalanan Zaye... Hindi natin hawak ang buhay kaya kung ito ang nangyari. Tatanggapin namin. Wag mo sisihin sarili mo." Anya.


"ZAYE... TARA NA." ani Mommy at tumango ako. Lumapit ako kay Drakeir "Uwi na kami... Ingat kayo..." Tumingin rin ako kina Veron.

Lumapit sya sakin, malalim ang hinga nya. Kahit umiyak rin sya at mugto ang mata'y gwapo pa rin. Ngumiti sya sakin habang nakatingala ako sa kanya "Ingat..." Anya at niyakap ako ng mahigpit, ang bango sobra.  Ramdam ko ang lakas ng tibok ng kanyang puso "Nandito lang ako... Sana wag kang masyadong malungkot... I'm here to make you happy... Kahit wala na sya. Isipin mong nandito lang ako... I love you..." Anya at hinalikan ako sa noo. Napapikit ako at ngumiti.


"I love you... Always. I love you so much Drakeir..."


Kumalas sya at tumango sakin at umalis nako.


Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Drakeir. Nandyan sya lagi nitong mga nakaraang araw para maibsan ang sakit pighating nararanasan ko.


Masakit para saming magkakaibigan ang nangyari. At mas lalong masakit yon sa kanyang mga magulang.



I miss those craziness happen... with you. I love you Tristan. Always and forever, my close friend.













BLACKxNEON

KUYA - [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon