PAGE 35: HAPPY BIRTHDAY TRISTAN LEON

56 9 0
                                    

Hinampas namin ni Veron si Carlo at Paul dahil akala namin sina Tristan at Gelon na iyon, tatawa tawa naman yung dalawa, nagkatawa na rin kami ni Veron




"Hahahaha, wait wait! Hahaha" humahalakhak na si Paul at Carlo sa ginagawa namin sa kanila ni Veron



Sinamaan namin ng tingin yung dalawa pero agad nagsalita si Paul na natatawa pa rin




"Natagalan kami hahaha, bumili pa kasi kami gift ni Carlo para kay Tristan" agad pinakita saamin ni Paul ang hawak hawak nyang malaking paper bag




"Ngekkk! Kaya pala antagal nyo eh, oh asan na ba sina Tristan at Babe?" Tanong ni Veron



"Parating na rin yon" sabay ngisi ni Paul at tiningnan ako sabay umiling iling




Pero d pa don natapos ang lahat, biglang sinuntok sa tyan ni Veron si Carlo dahil d ito matigil sa kakatawa, napatingin kami mula sa labas dahil may narinig kaming kotse, tinakpan agad ni Paul ang bibig ni Carlo para d marinig ang ingay mula dito sa loob sa labas





"Gago talaga to si Gelon Fuentalejas... D man lang nagtext na nandito na sila" pabulong na sabi ni Veron at tiningnan pa ang cellphone kung nagtext si Gelon sa kanya pero wala





"Shhhh!" Ani Paul





"Ayan na... 1.2.3" ani Veron





"HAPPY BIRTHDAY! HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY TO YOU HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY TO YOU" Sabay sabay kaming lumabas sa pinagtatagoan namin at agad naming binati at kinantahan




Agad lumapit si Veron kay Gelon at sinuntok to sabay yakap




"Hoy! Veron ito may birthday oh! Hindi yang si Gelon" ani Carlo at natawa naman kami




Napansin ko naman na ngumiti si Tristan, yan ganyan lang stay positive d tulad kanina na umiiyak ka






"Happy birthday!" Sabi pa namin





"Bago ang lahat, picture muna tayo" ani Veron at sumang ayon naman kami




Una pinicturan nya solo si Tristan sunod ay kami namang lahat, camerang Canon ang ginamit ni Veron sa pagpicture





Umupo na kami sa nakalaang upuan





Inabot naman ni Paul ang gift "Oh! Happy birthday tol, more blessings and birthdays to come! Sa aming lahat yan gift na yan" ani Paul at tiningnan ako sabay ngisi




Ano bang laman non? Binuksan naman ni Tristan ang paper bag at inilabas ang nilalaman nong bola ng basketball at isang malaking picture frame na may picture naming anim, sya yon nung Grade 7 kami nung Foundation Day, si Kuya Drakeir pa talaga nag picture samin non eh





Tinitigan yun ng matagal ni Tristan at tiningnan kami isa isa, pero nung ako na ang tiningnan nya napansin ko ang masaya nyang mga ngiti pero malungkot na mga mata, napaiwas ako ng tingin dahil nahihiya ako dahil d ko sya nabati kanina nung magkausap kaming dalawa




"Happy birthday Tristan Leon, stay healthy and positive! Fight fight hahahahaha!" Ani Carlo habang tumatawa pa rin




Agad tinapik no Veron ang kamay ni Carlo "kanina kapaaaa! Tawang tawa tawang tawa ha!" Matigas na ani Veron kaya natawa naman kami




Anasaya lang na may mga kaibigan kang mga baliw yung pag malungkot ka o may problema nandyan sila para tulongan ka at bigyan ka ng advice, Ewan ko ba pero sa tingin ko mas kaibigan na matatawag ko itong mga kasama ko dahil yung mga kaibigan ko sa Korea wala kami masyadong time sa isa't isa para makapagbonding ng ganto




"Ah Tol tulad ng sinabi nila more chiks to come hahaha" Sabi ni Gelon kaya agad syang sinapok ni Veron nagtawanan naman kami




"Masamang elemento ata narinig mo hahaha" ani Carlo




"GAGU!" Sagot ni Gelon



"Tristan Leon! Hahaha I want to say---- gusto ko lang sabihin na Happy Birthday, sana pag umalis kana at pumuntang Hong Kong, wag mo kalimutan saka magpakabait ka ron ha! Wag kang magkakasakit kundi pepektusin ka namin, kung magkaron ka man ng new friends don sana kami pa rin yung number one!" Ani Veron, namamasa na sa luha ang mata ni Veron, napatingin ako kay Tristan na pumapatak na pala ang luha sa mata "at sana mahalin ka na rin ng babaeng mahal mo... Ngayon!" Dagdag ni Veron






Sumulyap saakin si Tristan, alam kong ako ang pinaparinggan ni Veron dahil nasabi saakin ni Tristan na mahal nya ako pero mamahalin pa ba nya ako kung nasa Hongkong na sya? Saka sorry Tristan hindi kita kayang mahalin na higit pa sa kaibigan.














BLACKxNEON

KUYA - [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon