Ramdam ko yung saya ngayong magkasama kami. Mali ngang magkaboyfriend ng maaga. Pero gagawin mo ba yung mali kahit alam mo nang bata ka pa para dyan? Oo para sakin kung Mahal mo talaga ang isang tao magiging kayo! Lalo na kung nagmamahalan nga kayo. Sabi nila masyado pang bata ang edad na 16. Marami ka pang makikilala, maraming tao sa mundo. Maaaring hindi pala kayo sa dulo. Di ako naniniwala don! Dahil kung kayo talaga, kayo talaga.
Maraming nagsasabing infatuation lang ang nararamdaman mo pag ika'y teenager, pero sakin? Sa tingin ko hindi to infatuation lang. Isa tong love... Love na hindi mo aakalaing mararamdaman sa murang edad. Mature tong nararamdaman ko Oo, mature si Kuya Drakeir, kaya nagiging mature na rin ako. Ganon naman diba? Pag lagi mong kasama ay mature, nahahawa ka dahil sa kanya. Maraming nagsasabi na mukha lang kaming magkapatid pero nakakapanghinayang kung magkapatid kami dahil magandang lahi ang mabubuo kung kami ang magkakatuluyan.
Sa bawat dampi ng balat namin. Bawat siklop ng kamay sa isa't isa makakaramdam ako ng kuryenteng hindi ko pa nararamdaman sa buong buhay ko. Parang isang elektrisidad na dinampi saakin at halos mangisay kana sa bawat dampi non saiyo.
"Anong gusto mong unahin?" Tanong nya habang pataas kami ng hagdan sa Mall.
"Kahit saan libre mo naman diba, Kuya Drakeir..." sagot ko habang magkahawak ang kamay. Pinaliit ko pa ang mata ko at ngumiti.
"Iba ka hahaha... Sige. Sine muna tayo. Tara!" Anya. "Bili tayo makakain"
Nagpatianod ako ng madala nya ako sa kanya at nakaharap na kami ngayon sa iba't ibang klase ng pop corn.
"Pop corn?" Anya.
Tumango ako at ngumiti "Cheese flavor."
"Dalawang cheese flavor po, saka..." Bumaling sya sakin "Anong gusto mong inomin?"
"Hmmm... You..." Bulong ko.
Kumunot ang noo nya at ngumisi sabay iling "Iba ka talaga..." Anya.
"Charrot haha... C2 nalang"
"Saka dalawang tubig po." Sagot nya.
Agad akong bumaling sa kanya "Tubig? Tatanongin moko kung anong panulak tapos sasabihin mo tubig" umirap ako. At tumingin nalang sa mga tao sa paligid. My mga pamilyang nagbabonding, may mga magkakaibigan at may mga magjojowa rin.
Naramdaman kong lumapit sya, nanigas ako sa kinatatayoan ko, naramdaman ko ang hininga nyang tumatama sa batok ko.
"Ayaw ko kasing magka UTI ka ngayong birthday mo..." Bulong nya
Halos magtindigan balahibo ko sa bulong nyang iyon. Pero napangiti ako ng bahagya dahil inaalala nya parin ako kahit birthday ko naman ngayon, kung tutuusin dapat pagbigyan nya ako eh.
Ngumuso ako, at nakita kong ngumisi sya.
Binigay na samin yung popcorn at tubig, akmang kukunin ko yung dalawang tubig pero pinandilatan lang nya ako ng mata, ayaw nya talagang nahihirapan ako. Apat yung dala nya. Medyo malaki pa yung popcorn. Nilagay nya yung mineral water sa magkabilang braso nya habang nakaipit sa bewang.
Wala namang nakapila sa sinehan kaya agaran kaming nakapasok ron matapos nyang magbayad.
Magsisismula pa lang naman yung palabas kaya maaaring matagalan kami dito. Mukhang maganda naman yung palabas. Umupo kami sa gitna ng mga upuan. Medyo kunti lang ang tao. Kaya may mga upuang walang nakaupo.
Habang nagsisimula ang palabas, napapatingin ako sa kanya habang ngumunguya ng popcorn. Perfect brown eyes, perfect curly hair, perfect nose, perfect muscles, perfect lips. Yung masarap halikan pagnatitigan mo. Halos nasa kanya na lahat. Ako nalang kulang. Jusko! It's my day! Ngayon ko sya sasagotin. Shits! Pano ko sasabihin na kami na? Or intayin ko nalang kung kelan nya ako tatanongin para alam kong handa na syang maging kami.
BLACKxNEON
BINABASA MO ANG
KUYA - [COMPLETED✓]
General FictionSI ELOIZAH MACVER AY BABAENG MASIYAHIN, MAY MAGANDANG BOSES AT MAPAGMAHAL SA LAHAT. MAY NAKILALA SYANG LALAKI NA KUNG TAWAGIN NYA AY 'KUYA'. MARAMING PAGSUBOK ANG DUMATING SA KANYANG BUHAY AT KAILANGAN NYANG MALAGPASAN. GRABENG PASAKIT ANG NARANASAN...