PAGE 72: DRAKEIR STYROAM (POV)

31 6 3
                                    






12 Years... Labing dalawang taon na pala, hanggang. At ngayon. Ang araw ng kaarawan nya. Meron nanaman akong cake. 12 cakes na ang nabili ko every year, araw ng kaarawan nya. Kasi, kahit wala na kami. Nandito ako at cenecelebrate ang kaarawan nya. Nag oorder ako ng cake na may nakalagay na 'Happy Birthday Zaye!'.




Ang cake ay kinakain namin ni Ate Daniela at ang kapatid kong isa. Hindi yon alam ni Dad. Si Ate Daniela ang napick up ng order tuwing hinahatid na to sa gate. Busy si Dad sa trabaho kaya hindi nya alam to. At ang mga nagbabantay naman sakin ay binibigyan namin ng natirang cake. Hindi naman nila sinasabi kay Dad. Sa loob ng 12 taon ganon ang ganap ko. Kasi sabi nila alalahanin mo lang sya, isipin mo lang sya. Hanggang sa kaya mo na syang mawala sa iyong isip at puso. Pero sa ginagawa kong yon? Parang mas lalo kong nararamdaman na hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang kalimutan sya. Hindi ko kayang hindi sya mahalin. Kasi ang totoo? Mahal ko pa rin sya sa loob ng 12 years.




2years ago nang maging isang ganap na Piloto ako. Marami akong nakilala at nakaclose. Masaya naman, pero sa tuwing naaalala ko sya parang tinutusok yung puso ko at pinauulit ulit sakin na Hindi pwede, magpinsan kami.




Hanggang sa naging Captain ako. Masaya ang buong pamilya. At masaya rin ako sa narating ko. Naging successful ako. Kung nandito ba sya, magiging masaya ba sya sakin? Siguro Oo, sino ba namang hindi malukungkot sa narating ko diba?.




Nag leave ako ng one week. Dahil magpapasko. Nagdala ako ng cake at ganon nanaman. Kasi sabi ko sa sarili ko, hangga't hindi sya nawawala sa isip ko hindi ako titigil kakagawa ng ganto.




Dala ang maleta, pumasok ako sa bahay at kinuha naman agad ni Manang ang maleta. Nagkamustahan pa kami bago ako pumasok.




"Hi Mom, Ate." Sabi ko, sabay yakap sa kanila. Sa too lang, namiss ko sila. Ilang taon din kasi akong hindi nakabalik sa bahay dahil kung saan saan kami naglalagi. "Asan si Kuya Drove? Si Dad? Alam ba nilang dadating ako?" Tanong ko, habang lumilinga linga.




Umiling si Mom "Alam nila kaso sa Nueva Ecija sila nakadistino, Drakeir anak..." Anya. "Kumusta ka naman? Ayos ka na ba?" Anya.



"Yeh! Captain na ako Mom. Oh!" Umikot pa ako at pinakita ko ang suot kong uniporme.




Tumawa sila ni Ate Daniela at niyakap uli ako. Nagkwentohan kami habang nagluluto si Mom ng gabihan. Napabaling ang tingin ko sa telepono ng tumunog yon. Agarang sumagot non si Ate Daniela.




"Drove!" Tili ni Ate "Andito na si Drakeir! Hahahaha... Sayang wala kayo dito. Ito si Drakeir. Kausapin mo." Ani Ate at lumapit naman ako.




Sumulyap pa ako kay Ate na ngiting ngiti. "Hello, Kuya Drove?"sabi ko, pero hindi pa rin sya nagsasalita. "Kuya?" Pag uulit ko. Don ako nakarinig ng ungol.



"Drakeir?... A-anak." Si Dad! "An-ak... Nakauwi ka na pa-la... Kung sana nandyan lang ako ede nakapagbonding ta-tayo... Anak. Alam ko naging malupit ako sayo, naging hadlang ako sa pagmamahalan nyo ni Zaye... Ayaw ko lang maissue tayo... Anak... Sundin mo ang puso mo... Pasensya na sa pagiging strikto ko... Sorry anak... Ayaw ko lang magkaron ng bad rumors about sa ating pamilya. Kung si Za-Zaye pa rin... Sige. Malaya ka na anak. Puntahan mo sya kung nasan sya. Kung may pag asa ka pa. Wag kang sumuko. I'm sorry anak. Please forgive me. I love you anak."


Gulat na nakatingin sakin si Ate Daniela. Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko.




"D-Dad? Bakit? Anong nang-nangyare?" Yon ang ang nasabi ko at unti unting dumadaosdos pababa ang telepono. Agaran yong kinuha sakin ni Ate at sya na ang nagpatuloy sa pakikipag usap.





KUYA - [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon