PAGE 55: STREET FOODS

30 8 0
                                    




"Magsyota ba kayo?" Biglang tanong ni Lolo.



Nagkatinginan kami ni Kuya Drakeir at humarap sa kanya.



"Hindi po Lo." Sagot ko

"Hindi 'Pa' po." May diing anya Kuya Drakeir.



"Hahaha. Kabataan nga ngayon. Pero... Mag ingat kayo iho, ineng. Dahil may pagsubok kayong mararanasan na dapat nyong masolusyonan."


Nangilabot ako sa sinabi ni Lolo.


Napatingin ako sa kondoktor dahil di pa ako nito binibigyan ng ticket. Eh kanina pa ako nandito.


"Manong... Ticket kopo? Dyan lang po ako sa kabilang baranggay."


Kumunot noo ni Manong, magsasalita pa sana ng biglang magsalita si Kuya Drakeir, hinawakan nya braso ko at ipinakita ang dalawang ticket.



"Binayaran kona!" Sabay kindat nya.



Kumuha ako ng pera sa wallet at binigay sa kanya kaso ayaw nya akong pansinin kahit pinipilit ko yung bayad sa kanya ng biglang nagpreno ang bus kaya napatianod ako sa dibdib ni Kuya Drakeir, naramdaman ko ang mainit nyang kamay sa bewang ko. Nag init ang pisngi ko sa gulat. Parang may kuryenteng dumaloy sa bawat cells ko sa pagkakahawak sa bewang ko. Napatingin ako sa harap, kung bakit nagpreno ang bus. May mga estudyanteng pumasok ng bus at umupo sa pinakadulo.


"Sakin kalang tumingin..." Bulong ni Kuya Drakeir sa tenga ko, nagtindigan balahibo ko sa init ng boses nya "Wag kang lilingon sa iba kung ayaw mong mapasakin ka ngayon din."


Nakita kong parang kinikilig yung mga estudyanteng pumasok habang nakatingin kay Kuya Drakeir. Mas lumapit pako kay Kuya Drakeir, ramdam ko ang init ng dibdib nya. Nangilabot ako. Napatingala ako kay Kuya Drakeir na nakangisi sakin. Tumingin ako sa dulo kung saan nakaupo yung mga estudyante parang sasabog na sila sa iyak dahil sa nakikita nilang sweetness namin ni Kuya Drakeir.



"Wait lang... San ba to bababa? Parang iba na ang nadadaanan" pansin ko sa labas maraming estudyante ang kumakain ng street foods.



"Diba ang sabi ko kakain tayo. San mo gusto? Sa street foods o sa restaurant?" Taas kilay nyang tanong.



"Street foods nalang minsan lang ako makakain nyan eh!"


"Alright!"


Bumaba na kami, hinawakan nya ang kamay ko pababa sa bus. Inalalayan nya pa akong makababa. Napatingin ako kay Lolo, wala na sya ron sa kinauupoan nya. Ipinagkibit balikat ko nalang yon. Magkahawak kamay kaming naglakad.



Nag init ang pisngi ko, sa tingin ko namumula na ako dahil sa dami ng taong nakatingin samin papalapit sa isang tindera. Parang gusto ko nang umuwi dahil sa dami ng nakatingin samin. Siguro ngayon lang nila ako nakita, bago sa paningin nila. Kaya ganyan sila makatingin.



May ngumiti sakin at lumapit "Hello Ate, ikaw po ba si Ate Eloizah Macver?" Nagulat ako dahil kilala ako ng isang babae. May lumapit narin at dumadami.


"Opo..." Nag aalinlangan kong sagot. KAYA ba sila nakatingin sakin dahil kilala nila ako? Bakit nila ako nakilala?



"Ako po si Venus, ito naman po si Klaren....................." Marami pa syang tinuro pero di kona matandaan dahil sa dami "mga taga hanga nyo po kami Ate Eloizah... Sobrang galing mopo kumanta. Sa kabilang School po kami pero gustong gusto po talaga namin yung boses mo at syempre po ang itsura mo mas maganda ka po pala sa personal. Pwede po picture?" Tumango ako, tumingin sila sa lalaking kasama ko na mukhang nababagot na "Kuya Drakeir Stroam? Ikaw po pala yan! Picture po tayo! Idol po namin kayo!" Biglang anya.


Nagpicture kami. At bigla akong hinila ni Kuya Drakeir at mas inilapit sa kanya "Listen. Ang babaeng nasa harap nyo ay akin. So, pwede nyo ba akong suportahan? Para sagotin na nya ako?!"

"Goooo! Bagay kayo Kuya, Ate. Gwapo at Maganda. Support ko kayo." Ani nila.


Napatianod ako ni Kuya Drakeir sa isang tindera "Ate Bebeng. 100 pesos po" sabay bayad nya.

Tiningnan nung ate Bebeng si Kuya Drakeir at sunod ako, tiningnan nya ako mula ulo hanggang las "Iba siguro kasama mo ngayon Drakeir? Wala si Rhea?"


Parang gusto kong nag walk out. Bakit? Lagi ba silang kumakain dito? Kaya dinala nya ako dito?


"Ah... Busog pa ata ako!" Ani ko


Kumunot noo ni Kuya Drakeir "Ah... Si Rhea po kasi... Baka umuwi na!" Anya


"Don nalang ako sa loob ng Park" ani ko.


Tumango sya...












BLACKxNEON

KUYA - [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon