Nasa gitnang bus kami ni Drakeir. Medyo marami na rin ang mga sumakay at papaalis na to. "Sobrang saya ko talaga... Tayo na eh! Sakin ka. Sayo ako." Anya habang pinaglalaroan ang daliri kong hawak nya. Tumingin aya sakin ang ngumiti.
"First kiss" sabi ko habang nakadampi ang hintuturo ko sa labi nya. Ngumisi sya. "First boyfriend" sabay haplos ko sa pisngi nya. Bahagya syang tumagilid para maramdaman ang bawat haplos ko sa pisngi nya, tumawa sya. "And First Love..." Tiningnan ko sya diretso sa mata.
"I love you..." Anya.
Ngumiti ako "Thank you... I love you too. Shit! Di ko akalain na magiging boyfriend kita" iling kong sabi.
"Hahaha... Di rin ako makapaniwala na magiging girlfriend kita." Anya at niyakap ako ng sobrang higpit. Yung yakap na ayaw ka nang pakawalan pa.
Napatigil kami ng biglang tumigil sa pag andar ang bus. Nagsimulang magbangayan ang mga nasa bus. Napatingin kami sa labas ng binta at nakita ko ang isang ilaw ng kotse.
"HOY! UMALIS KA DYAN! HARANG KA SA DAAN. POTA!" Sigaw ng driver ng bus.
Ilang minuto pa ang nakalipas pero di pa rin nagsisimulang umandar ang bus. Lumabas ang bus driver at narinig ko namin syang nagbubunga.
Napatayo si Drakeir at napahawak naman ako sa braso nya, umiling ako ng bumaling sya sakin "Baka mapaaway ka lang wag na."
"SINO DITO SI DRAKEIR? LUMABAS NA!" Sigaw ng bus driver.
Sinilip mula sa bintana ni Drakeir ang kotseng nakaharang sa labas "Shit!"
Bakit si Drakeir? Sino ba yon?
Binitawan ko ang braso ni Drakeir at naglakad palabas ng bus. Narinig kong tinatawag nya pa ako.
Nagulat ako ng makita ko ang babaeng nakahilig sa kotse habang nagsisigarilyo. Naramdaman kong may humawak sa braso ko at napatigil ng makita ang nasa harap.
"Rhea?" Ani Drakeir, gulat. "Bakit ka nandito?"
"HOY! TUMABI KA! HARANG KA SA DAAN!" sigaw ng driver.
Agad namang sumunod si Ate Rhea at itinabi ang kotse nya sa gilid. Agarang umandar paalis ang bus.
"Well. Well. Well. Kaya ba ayaw mo sumama sakin ngayon dahil sa WALANG KWENTANG BABAENG YAN!" duro nya sakin.
Ano daw? Walang kwenta?! Pano nya nasabi. Haha.
"Ano bang problema mo?" Mahinahon kong sabi. "Ay! Mali pala. Alam mo ba matagal na akong nagtitimpi sayo? Nung binantaan moko akala ko nagbibiro ka lang. So totoo pala na may gusto kanga kay Drakeir na boyfriend ko? Haha. Nakakatawa kasi... Ikaw, nagkagusto ka sa kaibigan mo. Ngunit..." Ngumisi ako "Hindi ka nya gusto dahil hanggang kaibigan lang talaga turing nya sayo!..." Mangiyak ngiyak kong anya "So... Anong problema ng isang tulad mo, sa tinatawag mong WALANG KWENTANG tulad ko?" Taas kilay kong sabi.
"Binantaan ka?" Ani Drakeir.
"Ang landi mo kasi! Kay bata bata mo pumapatol ka sa mature sayo!" Galit nyang sabi "Drakeir, kaya ba ayaw mo pumayag sa deal kahit masira ang buhay ko? Para lang sa babaeng yan?" Duro nya.
"Oo! Mahal ko sya! At kami na." Agad pinagsiklop ni Drakeir ang kamay namin. Nanlaki ang mata ni Rhea ng makita yon. "Sana wag mo na kami gulohin pa! Iiwas na ako sayo. Sana umiwas kana rin dahil kaibigan lang ang turing ko sayo. Pasensya."
"Fuck! Minahal kita Drakeir! Mahal kita hanggang ngayon. Akala ko Mahal mo rin ako dahil lagi mo ako tinutulongan at inaaalagaan. Pero mali pala ako. Bumalik ako dito sa Pilipinas para sayo. Iniwan ko ang lalaking pinagkasundo saakin ni Dad. Akala ko pagbalik ko kasama ko na ang Mahal kong lalaki pero hindi pala. Babalik pala akong Singapore ng walang kasama."
"Sorry Rhea." Ani Drakeir.
"Sorry? HAHAHAHAHA!" tumawa sya na parang baliw "Sumama ka sakin! Iwan yan" turo nya saakin "Nahuhumaling ka lang sa kanya, Drakeir. Itigil mo na ang kahibangang ito! Bata yan Drakeir, balang araw marerealize mong ako pala dapat dahil ako talaga ang Mahal mo!"
"Sorry Rhea, I will always choose Zaye. No matter what happen."
Agad may kinuha sa loob si Rhea at halos umalis ang kaluluwa ko sa katawan ng makita ko ang hawak nya. Isang baril.
Itinutok nya yon sakin. Agad akong dinalohan ni Drakeir habang nakapatintero ng tayo. "Rhea, nahihi ang kana! Bakit ka may baril? Ibaba mo yan."
"Obvious ba? Kung hindi kita makukuha sa pakiusap. Papatayin ko nalang sya" itinutok nya sa akin "At pag namatay na sya... Boom! Wala nang Zaye sa buhay mo. Rhea nalang diba..."
"Kahit anong sabihin mo sya lang ang Mahal ko. Kaya ibaba mo na yan."
Parang sasabog sa galit si Rhea, madilim ang ekpresyon ng mukha nya habang nanlilisik ang mga mata. "Mahal? Tingnan natin kung mamahalin mo pa sya pag nawala sya. HAHAHAHAHAHAHA!"
"Rhea nababaliw kana! Mas lalo akong magagalit sayo pag ginawa mo yan. Ibaba mo yan!"
Tinulak ko si Drakeir ng malakas. Napaupo sya sa sahig. Hinarap ko si Rhea "Sige! Patayin moko. Tingnan natin kung san ka pupulotin."
"Mayabang ka ha! 1...2...3... Boom!" Agad pumutok ang baril at napapikit ako sa lakas non.
Ito na ba ang huli? Last life? Kung anong saya namin kanina, ay sya ring may katapusan. Goodbye World. Hello sa kabilang buhay.
BLACKxNEON
BINABASA MO ANG
KUYA - [COMPLETED✓]
Ficción GeneralSI ELOIZAH MACVER AY BABAENG MASIYAHIN, MAY MAGANDANG BOSES AT MAPAGMAHAL SA LAHAT. MAY NAKILALA SYANG LALAKI NA KUNG TAWAGIN NYA AY 'KUYA'. MARAMING PAGSUBOK ANG DUMATING SA KANYANG BUHAY AT KAILANGAN NYANG MALAGPASAN. GRABENG PASAKIT ANG NARANASAN...