Sa malayo pa lang ay kitang kita na ang malaking eskwelahan ng HSS. Napangiti ako nang maalala ko ang high school life ko dati.
Pinagbuksan ako ng kotse ni Drakeir at inalalayan pa ako bumaba. Sinara nya ang pinto at sabay kaming naglakad papasok.
"Batch namin to pwede ka ba dito sumama?" Tanong ko. Kasi magkaiba naman kami ng batch.
Tiningnan nya lang ako at ngumiti. Hinigit nya ako para mas mapalapit ako sa kanya. Naramdaman ko ang mainit nyang kamay na dumapo sa bewang ko at mas inilapit ako sa kanya.
Naramdaman ko ang bibig nya sa tenga ko "Walang bawal pagkasama ang mapapang asawa..." Anya at tumingin na sa daan.
Magsasalita pa sana ako kaso nakita ko si Paul na papalapit samin. Agad nya akong niyakap at nasisiyahan "Your Back!" Anya at halos mayugyog na ako sa sobrang saya nya.
Dumagdag pa si Carlo at niyakap ako ng sobrang higpit. Tumawa ako at naglabas sila ng kanya kanyang cellphone at nagselfie. Iba't ibang awra ang ginawa namin habang tumatawa pa.
"Ehem..." Medyo umubo ng bahagya ang katabi ko. Napatingin silang pareho kay Drakeir.Mas inilapit pa ako ni Drakeir sa kanya kaya halos dikit na ako sa kanyang dibdib. "San ba ang table Bro? Tara na."
"Whoooooaaaa! Totoo ba to? Comeback?" Pasigaw na ani Carlo.
Ngumiti ako.
"Whoa! Comeback pala ha! HAHAHAHA! Sanaol nacomeback!" Hirit ni Paul.
Tumawa kami at naglakad na papunta sa table. Palibot ang upuan, para lahat ay makapag usap usap.
Sinunggaban agad ako ng yakap ni Veron nang makita ako. Niyakap ko rin sya. "We miss you!" Tili nyang sabi.
"I miss you all!" Sagot ko.
Naramdaman ko ang kamay sa aking daliri at agad yung pinagsiklop. Napatingin ron si Veron at nanlalaki ang mata. "Kayo na ulit?" Sigaw nya.
"Officially... Again... And... Again..." Si Drakeir.
"Wow! Sabi ko na eh kahit anong pagsubok ang dumating sa inyo, kung kayo talaga, kayo talaga." Anya.
Tama yon! Kahit anong pagsubok ang dumating samin, kahit anong pighati, dalamhati, iyakan at tampohan. Sa huli kami pa rin ang nagkatuloyan. Yon ang tinatawag na tadhana. Binibigyan tayo ng pagsubok kung kaya ba natin yong lagpasan. Dahil nalagpasan mo ay matutupad ang tadhanang nakalaan para samin.
Umupo kami at nagkwentohan. Marami silang naging tanong sakin kung bakit bigla nalang akong umalis. Kwenento ko ang lahat sa kanila. Namangha sila dahil parang isang telenobela ang kwento namin.
Akala mo'y magpinsan, akala mo'y bugso ng damdamin bilang magpinsan ang nararamdaman namin sa isa't isa pero hindi pala. Dahil bilang isang babae, mararanasan mo ang lahat. Ang babae ay mahina kumpara sa lalaki. Pero hindi laging malakas ang lalaki dahil hindi mo alam mahina sila sa emotional kumpara sa physical. Hindi dapat natin hinuhusgahan ang mga lalaki kung sa tingin mo'y hindi sila nasasaktan. Marahil tinitiis nila ang sakit para lang sa taong mahal nila.
"Alam nyo... Para sakin ito yung tinatawag na forever. Kasi sa sobrang tagal ng panahon hindi mo aakalaing mahal nyo pa rin pala ang isa't isa. Dati iniisip ko, siguro may girlfriend na sya, siguro may asawa na sya ngayon. Pero hindi ko akalaing hindi man lang sya nadiligan. Walang iba." Sabi ko.
"Walang iba kasi ikaw lang talaga. Walang iba kasi ikaw lang yung inantay ko kahit alam kong wala nang pag asa. Pero ok lang! Worth it naman diba? Sa huli tayo pa rin pala." Si Drakeir.
BINABASA MO ANG
KUYA - [COMPLETED✓]
General FictionSI ELOIZAH MACVER AY BABAENG MASIYAHIN, MAY MAGANDANG BOSES AT MAPAGMAHAL SA LAHAT. MAY NAKILALA SYANG LALAKI NA KUNG TAWAGIN NYA AY 'KUYA'. MARAMING PAGSUBOK ANG DUMATING SA KANYANG BUHAY AT KAILANGAN NYANG MALAGPASAN. GRABENG PASAKIT ANG NARANASAN...