Hindi ko alam kung anong uunahin ko, san ako pupunta dito sa hospital? Bakit ako pinapapunta dito ni Mommy? At bakit ako kinakabahan ng ganto? Pag talaga nasa hospital ka. Makakaramdam ka ng sakit at lungkot. At ngayon ang nararamdaman ko ay hindi lungkot at sakit, Kundi! Bakit nandito sina Mommy? Anong ginagawa nila dito.
Lumapit ako sa nurse station, busy sila at maraming ginagawa pero nag atubili pa rin akong magtanong "Nurse... San po room ni Macver? Daddy ko po sya..."
Tiningnan nya logbook at hinanap "Ah... Wala pong Macver dito..." Anya at tiningnan ako "Baka po nasa emergency room pa." Anya at itinuro ang daan.
Tumango ako at makita ang emergency room, narinig ko agad ang iyak at sigaw ng nasa loob.
Agad akong pumasok. Lumantad sakin si Mommy na hawak hawak ang kamay ni Daddy at si Manang na umiiling at tinatahan sa gilid si Daddy.
Nakahawak si Daddy sa parte ng kidney habang namimilipit sa sakit.
Lumapit ako, halos maiyak na ako sa nakikita ko. Gusto kong ako nalang ang masaktan ng ganto kaysa ang tanong nasa paligid ko.
Hinawakan ko ang kabilang kamay ni Daddy at nilagay ko sa pisngi ko, pinagsiklop ko yun at hinahaplos ang ulo nya.
"Daddy... Masakit? Daddy tahan na."
"Love..." Mahinang ani ni Mommy.
"Asan ba ang nurse? Bakit nandito pa si Daddy? Kelan pa kayo dito Mommy? Manang?" Baling ko kay Manang "Di man lang ba binigyan ng pain reliever?" Iritado kong sabi.
Napatingin ako ng may pumasok na dalwang lalaki at isang babae.
"BAKIT NGAYON LANG KAYO!? KANINA PA NAMIMILIPIT SA SAKIT SI DADDY!" naiinis na talaga ako. Ayaw kong nakikitang ganto si Daddy. Nasasaktan ako.
"I'm sorry po... Maraming naaksidente kaya di agad namin naasikaso---"
"Di naasikako? Ang dami nyo dito! For Pete's sake! My God!" napahilamos ako sa mukha.
Tinurokan nila si Daddy sa braso.
"Masaya akong makita ka Baby Zaye..." Mahinang anya ni Daddy at agad nang pumikit.
"Anong nangyari?" Lumapit ako kay Daddy at niyugyog aga "Daddy... Daddy... Gumising ka! Wag mo kami iwan Daddy... I love you, I love you so much! Saranghae Daddy..." Napahagulhol ako sa iyak. Habang niyayakap sya.
"Anak, anak" bumuntong hininga si Mommy, nagpumiglas ako habang yakap si Daddy agad nya akong pinuwersang iharap sa kanya "Zaye! Makinig ka! Natutulog lang ang Daddy mo para di nya na maramdaman ang sakit." Inalalayan nya akong makaupo.
Tulala ako sa narinig. Narinig kong humagikhik yung babaeng nurse pagkalabas.
Sorry ha! Di ko kasi alam. Akala ko kasi nawala si Daddy. Di ko kakayanin baka mapatay ko ang doctor at nurse dito! Ayoko ayokong mawala si Daddy.
Tulala lang ako habang nakatingin kay Daddy, parang syang anghel na natutulog, kay amo. Hinahaplos ni Mommy ang buhok ni Daddy habang nakatitig dito mukhang kinakausap nya ito sa pamamagitan ng isip.
"Bibili lang ako ng makakakin" sabi ni Manang.
Totoo pala yung sabi nila. Kung gano ka kasaya kanina, may kapalit yung lungkot. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon masaya tayo. Kailangan rin nating makaramdam ng lungkot.
Sa mga oras na to. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang gusto ko nalang matulog at paggising ko ok na ang lahat masaya na ulit at di na mararanasan ang lungkot.
"Anong nangyari Mommy?" Biglang tanong ko nang mahimasmasan.
"Tumawag ang katrabaho nya. Nasa hospital daw dinala nila. At ito nadatnan namin ni Manang. Namimilipit sa sakit ang Daddy mo Zaye..." Lumapit sakin si Mommy at umiyak habang nasa balikat ko sya.
Tinatahan ko sya sa likod "Shhhh, shhh... Magiging ok rin si Daddy, Mommy."
Mas umiyak pa sya "Hi-hindi ko alam a-ang gagawin ko anak. Halos tinawag ko na lahat ng diyos para sa Daddy mo. Halos akoin ko na ang sakit na nararamdaman nya. Wala pa ang doctor. Pupunta daw dito mamaya."
Ilang minuto ay nandyan na ang doctor. Medyo nagising si Daddy kaya nakausap sya nito. Lumayo ako ng kunti para malaya silang nakapag usap.
Ilang sandali ay nagsalita ang doctor "kailangan mo na siguro ng kidney transplant. Pero baka naman madaan yan sa gamot." Sabi ng Doctor.
Dinala si Daddy room nya. 2 days kami ron. Hindi ko rin nakausap ang mga kaibigan ko through chat. D ako nagcecellphone, si Daddy ang pinagtuonan ko ng pansin sa dalawang araw na yon.
"Tubig Daddy?" Tanong ko dahil inaabot nya ang tubig na nasa gilid ng kama.
Agad ko yung kinuha at inabot sa kanya. "Thank you Baby Zaye..." Anya at ngumiti ako.
Hinawakan ko ang kamay nya "pagaling ka Daddy ha! Magbibirthday nako! Dapat magaling ka non." Pabiro kong anya.
"Yes naman!" Sabay kindat nya.
Kinahaponan pinauwi na kami ng Doctor. Neresetahan sya ng gamot at kung hindi daw madadaaan sa gamot maaaring magpakidney transplant na.
BLACKxNEON
BINABASA MO ANG
KUYA - [COMPLETED✓]
General FictionSI ELOIZAH MACVER AY BABAENG MASIYAHIN, MAY MAGANDANG BOSES AT MAPAGMAHAL SA LAHAT. MAY NAKILALA SYANG LALAKI NA KUNG TAWAGIN NYA AY 'KUYA'. MARAMING PAGSUBOK ANG DUMATING SA KANYANG BUHAY AT KAILANGAN NYANG MALAGPASAN. GRABENG PASAKIT ANG NARANASAN...