Nakarating na kami sa bahay nila Daddy. Agaran akong pumasok sa kwarto ko. Mag aano ba ako dito? Siguro magmumukmok. Ewan basta ang gusto ko lang mangyari ngayon ay maibsan ang pighati na nararanasan namin ngayon.
Naamoy ko agad ang niluluto ni Mommy at Manang mula sa baba. Noche Buena na kasi mamayang gabi. Magpapaskong malungkot.
May reunion daw bukas sina Drakeir magkikita na raw sila ng Tita nya. Kami rin ay may reunion di ko pa nakikilala ang kapatid ni Mommy. Kaya bukas ay magkikita raw kami sa Hotel para don ganapin ang sinabing reunion.
Napabaling ang tingin ko sa gilid ng kama ko ng makita ko ang regalo nya sakin na dapat sya ang nagbigay. Isa syang babasagin na may princess at umuulan ng snow sa loob. Sumasayaw yung princess sa tuwing ino-on mo yon.
Namalayan ko nalang ang sarili kong dumadaloy ang luha pababa. Ngumiti ako at kinuha yon. Naglakad ako papunta sa bintana at pinagmasdan yon. Nakita ko ang star sa kalangitan. "Alam ko binabantayan mo kami Tristan... Sana ok ka lang dyan."
Ilang oras ang nakalipas ay ganon ang posisyon ko. Napatingin nalang ako sa likod ko ng dumating si Mommy at dinalohan ako.
"Masaya na si Tristan... Sana maging masaya ka rin anak. Kung yan ang gusto ng panginoon wala tayong magagawa. Be happy at makontento sa kung anong meron ka ngayon." Anya at bumaba ang tingin.
Tama si Mommy. Hindi dapat to dinadamdam. Hindi natin hawak ang buhay ng bawat isa kaya dapat maging masaya nalang tayo kung nasan sila ngayon.
"Who's D?" Biglang ani Mommy.
Medyo nagulat ako. Kanina pa pala sya nakatitig sa kwintas ko. Napahawak ako don. Ano sasabihin ko? Gusto ko na sana sabihin sa kanila kanina kaso ayaw ko magsabi ng malungkot. Gusto ko sana palipasin muna ang araw bago magsabi.
"Ah- eh uh!" Nangapa ako sa isasagot.
Bunaling ang tingin nya sakin "Boyfriend mo ba? "
Shit! Pakiramdam ko binuhusan ako ng maraming yelo. Nanlamig ako sa isasagot. Diniin ko pa ang pagkahawak sa kwintas.
"Answer me Anak." Matigas nyang anya, hinaplos ang buhok ko "Bata ka pa. Pero nagsasabi ka sana samin." Anya.
"Uh-huh" medyo tumango ako.
Bumuntong hininga sya at inakay ako paupo sa kama. Sinuklay nya ang buhok ko gamit ang kanyang daliri. Umalis sya sa harap ko at pagbalik hawak na ang suklay at... At ang hairpin na bigay saakin ni Drakeir.
Nilagay nya sa buhok ko ang hairpin. Umupo sya sa harap ko "Boyfriend mo ba yung... Drakeir? Gwapo sya mukhang mabait. Diba yon yung tutor mo? Drakeir ang name nya right?" Anya at tumango ako "So..."
"Eh kasi Mommy... Sasabihin ko naman po talaga sainyo. Kaso ayaw ko pong magsabi sa burol at cemetery. Sorry po."
Tumango sya "Gusto namin syang makilala. Sana maimbitahan mo sya dito." Anya.
Pakiramdam ko lumukso ang dugo ko sa saya. Nawindang ako "Talaga? Mommy..." Tumango sya. Agad ko syang niyakap "Thanks po. Akala ko pagagalitan nyoko."
Umiling sya "Hindi kana bata para pagalitan. After Christmas gusto namin sya mameet."
"Natutuon po sya dito dati kaso busy kayo ni Daddy at di nyo sya nakakaharap. Nagkakasaliwaan kayo Mommy..."
"Uh... After Christmas tuturoan ka ng Daddy at Friends mo magdrive. G ka ba?"
Ngumiti ako at tumango tango.
Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi "Yan! Yan ang anak ko. Masayahin. Lalo kang gumaganda pag nakangiti. " Anya "tumulong ka kaya samin ni Manang nagluluto kami sa baba." Anya.
"G!" Ani ko at sumama sa kanya pababa. Medyo naibsan ang pighati ko. Tinulongan ko sila magluto ng spaghetti, palabok, tikoy, puto, fried chicken at shanghai.
Malapit na mag 12:00am.
Agad kaming nag count down. Nagvibrate ang cellphone ko sa tawag ni Drakeir. Epal yon. Niloadan ako non eh may load naman ako.
"Hello..." Anya
"Nagcocount down na kami." Sabi ko.
"Hahaha... Masaya ako dahil naririnig kitang masaya dyan. Pa greet ako sa parents mo. Merry Christmas." Anya.
Hindi ko pa in-off ang call at nagcount down kaming lahat "10..........9........8.......7......6.....5....4...3..1 MERRY CHRISTMAS!..." sabay sabay naming sigaw.
"Hello, Merry Christmas Drakeir." Ani ko.
"Merry Christmas. I love you." Anya
"Love you too.... Sige na kain lang kami. Kain na rin kayo. Greet moko sa parents mo..." Di ko pa namemeet ang parents nya. Nakakalungkot dahil pareho kami.
Nagsimula na kaming kumain. Medyo sumakit tyan ko dahil sa dami non. Nagbigayan rin kami ng regalo.
Lumabas ako ng bahay at pinagmasdan ang fireworks mula sa langit. Nagvideo call rin sa group chat sina Veron. Mukhang nagsasaya lang sila dahil pasko pero nandyan parin yung sakit. Naalala ko last Christmas nag call sakin si Tristan. Pero ngayon wala na.
Pumasok na ako sa kwarto. Pinilit kong matulog dahil maaga pa raw kami bukas. Sa Hotel daw magkikita. Masaya ako kay Mommy dahil makikita na nya ang matagal nyang hinahanap na kapatid. Simula raw pagkabata ko nang nagpunta silang Korea ni Daddy at wala na silang balita sa kanyang kapatid na babae. At ngayon,Magkikita na sila.
BLACKxNEON
BINABASA MO ANG
KUYA - [COMPLETED✓]
General FictionSI ELOIZAH MACVER AY BABAENG MASIYAHIN, MAY MAGANDANG BOSES AT MAPAGMAHAL SA LAHAT. MAY NAKILALA SYANG LALAKI NA KUNG TAWAGIN NYA AY 'KUYA'. MARAMING PAGSUBOK ANG DUMATING SA KANYANG BUHAY AT KAILANGAN NYANG MALAGPASAN. GRABENG PASAKIT ANG NARANASAN...