Ang sakit... Yung malaman mong ang girlfriend mo ay pinsan mo. Pinsan mo na kadugo mo. Hindi ko hinangad na magkagusto sa isang kadugo. Ang gusto lang magmahal. Pero mali pala ang pagmamahal na ginawa ko. Dahil nagmahal ako ng pinsan. Pero gusto kong bumalik sya pagkatapos nang nangyari sa Daddy nya. Mahal ko sya. Hindi basta pinsan lang ang nararamdaman ko sa kanya. Dahil mahal ko sya kahit magpinsan pa kami. Wala akong paki kung anong sabihin nila. Basta maging kami at mahalin namin ang isa't isa ok na ako.
Si Zaye ay minahal ko kung ano man sya. Maganda sya at mabait. Mahalaga sya sakin. Naging close kami habang tinututor ko sya. Masaya sya kasama. Madalas ko syang nahahatid sa kanila after ng tutorial. Hindi ko pa namemeet ang parents nya, nakita ko na pero hindi ko pa nakakausap.
Pinatawag ako ni Sir dahil may importante daw syang ipapakiusap sakin. Kinausap nya ako sa Faculty.
"Mister Styroam, willing ka bang maging tutor? Magaling naman tong tuturoan mo kasi matalino sya. Sya ang napailing ilaban sa magaganap na Spelling Bee. Alam kong magaling ka dito dahil nagawa mo rin to dati. Sana pumayag ka." Pakiusap ni Sir.
Nong Grade 8 and Grade 9 kasi ako ay naisali na rin ako sa Spelling Bee at Quiz Bee.
"Sure sir. Kailan po ba magsisimula?" Sabi ko. Natulongan rin kasi ako ni Sir dito noon. Sya ang tutor ko dati at sobrang galing nya magturo. Lagi akong champion kaso natigil lang dahil nagkasakit si Sir kaya hindi na rin ako nakasali.
"Balik ka, recess time. Sige thank you Mister Stroam." Anya.
Tumango ako at umalis na. Habang nagdidiscuss ang teacher sa unahan. May bumabagabag sakin na hindi ko malaman kung ano. Parang excited ako sa matuturoan ko. Bakit ganon? Hindi ko pa alam kung sino parang ansaya ko na. Nacucurios lang ako kung sino ba?
Saktong recess ay lumabas na ako. Pero halos maihi ako, hindi ko alam kaba ba itong nararamdam ko? Basta tumungo ako sa cr at umihi. Ang bilis ng kabog ng puso ko na parang may kabayong nagsisitakbohan.
Lumabas na ako at tumungo sa Faculty.
"Good Morning po, late ba ako? Nag cr pa kasi ako" sabi ko at ngumiti. Napabaling ang tingin ko sa babae.
Napatitig ako sa kanya. Bakit sya nandito? At saka. Bakit ganto? Ang bilis ng pintig ng pulso ko. Ramdam ko.
"Miss Macver, This is Mister Styroam ang iyong tyutor" ani Mam.
Napansin kong nagulat sya sa pagkakakilala sakin.
Ganon ang nangyari sa nagdaang araw, naging tutor nya ako. Kung minsan pati sabado ay nagkikita kami para maturoan sya.
"Good. Madali ka ngang turoan. I hope manalo tayo." Sabi ko sabay kindat. Ngumisi pa.
"Sana." Anya.
"Tiwala lang." Sabi ko.
Minsan sa Mall, park o sa canteen ko sya madalas turoan.
Pero habang tinuturoan ko pala sya ay sya ring nahuhulog ang loob ko.
Nang dumating ang araw kung kailan ang Spelling Bee ay syang nanalo. Hindi naako magtataka dahil matalino talaga sya.
Nalungkot ako non dahil yon na ang huli naming pagsasama. Parang gusto ko na syang angkinin. Tama ba yung salitang angkinin?
Mahal ko na ba sya? Pagkatapos kasi ng Spelling Bee ay hindi ko na sya naturoan ay sya ring ikinalungkot ko. Hindi ko na naririnig ang tawa at kwentohan namin. Pero, ipinatawag uli ako sa Faculty para ibalitang hindi pa nagtatapos dahil ilalaban daw uli sya next year. Kaya tinututor ko pa rin sya. Bumalik yung saya ko non. Habang kasama ko sya. Hindi nabubuo yung araw ko kapag hindi ko sya kasama. Parang may kulang. Pero ngayon. Katabi ko sya at kausap.
BINABASA MO ANG
KUYA - [COMPLETED✓]
Narrativa generaleSI ELOIZAH MACVER AY BABAENG MASIYAHIN, MAY MAGANDANG BOSES AT MAPAGMAHAL SA LAHAT. MAY NAKILALA SYANG LALAKI NA KUNG TAWAGIN NYA AY 'KUYA'. MARAMING PAGSUBOK ANG DUMATING SA KANYANG BUHAY AT KAILANGAN NYANG MALAGPASAN. GRABENG PASAKIT ANG NARANASAN...