PAGE 66: SORER BIRTHDAY

32 6 0
                                    




"HAPPY BIRTHDAY TO YOU... HAPPY BIRTHDAY TO YOU... HAPPY BIRTHDAY. HAPPY BIRTHDAY. HAPPY BIRTHDAY ZAYE..." Nagulantang ako at pumihit paharap dahil sa narinig na kanta. Napa 'o' ang bibig ko ng makita ko sina Veron, Gelon, Carlo at Paul. Agad silang tumakbo sakin at niyakap ako.


"Hahahahahahahaha..." Tumawa ako dahil matutumba na ako sa yakap nila. Napatingin ako kay Drakeir na nakangiti saamin.


"Nagsitigil sila at tiningnan ako ng nanliliit na mga mata ni Veron. Nagpabalik balik ang tingin nya samin ni Drakeir "Kayo na!?. Yieeee..." Panunukso nya. Tumango ako at ngumiti.


"Kayo na talaga? Hays! Buti naman sinagot mo na. Hahahahaha... Tagal rin non no?" Ani Carlo.


"Bakit kanga pala nan---" ani Paul na pinutol ni Veron.


"Mamaya muna yan... Buksan mo muna yung lamborghini car mo hahaha... Kakaexcite. Alam naming di ka pa marunong magdrive kaya tulong tulong kami para maturoan ka. Si Tristan nga pala di dumating nasan na kaya yon!" Ani Veron.

Kumunot ang noo ko "Anong pakulo nyo? Bakit may ganto? Saka... Bumili raw ako nyan?." Turo ko sa lamborghini car.

Napatianod ako sa hila ni Veron. Tumigil kami sa pinto ng sasakyan. Iminuwestra nya yon. Nag alinlangan pa akong buksan pero binuksan ko na rin. Nagulat ako dahil pink rin pala ang loob non. Pero mas nagulat ako ng may biglang lumabas don at may hawak pang pink cake.

"Happy birthday baby Zaye..." Ani Daddy at kinuha naman ni Carlo ang cake para mayakap ako ni Daddy.

"Da-Daddy? I'm sorry di po agad ako nakauwi. I'm very sorry po." Mangiyak ngiyak kong ani.

Kumalas sya. "Bakit ka nga ba nandito? Napano ka?" Tiningnan nya ako paa hanggang ulo. Nanlaki ang mata nya "Bakit may dugo ka sa damit? Napano ka?" Anya at nagpapanic na ini-scan ako.

"Hindi Daddy ako..." Napahagulhol ako ng iyak. At niyakap sya. "Si Tristan nasa loob..." Sabi ko at humagulhol ng iyak sa balikat nya.

Narinig kong tumakbo papasok sa loob sina Veron at mukhang mga nagpapanic. Pumasok na rin kami.

Kausap na nina Veron ang doctor at nang umiling ito sa kanila. Don pa mas lalong bumuhos ang luha ko. Napa squat ako sa looby ng hospital. At umiyak ng umiyak. Dinalohan agad ako ni Daddy at naramdaman kong ganon rin si Drakeir.

Itinayo ako ni Daddy, hinang hina ako. Ayaw kong isipin na wala na sya. Mabubuhay ka diba Tristan? Mabubuhay ka.

Lumapit kami sa Doctor. "Doc... Kumusta po?" Tanong ni Daddy.

"Pasensya na po... Ginawa na namin ang lahat pero maraming dugo ang nawala sa kanya. Wala na po. Sorry..." Umiling at umalis na.

Halos kaming lahat ay umiiyak. Ganon rin ang bestfriend nyang si Gelon na halos magwawala, pagang sipa ang mga upuan.

Tumakbo papasok sa loob ng Emergency Room si Paul habang umiiyak. Tumakbo rin kami sa loob. Pagang tulak kami ng nurse dahil bawal ang marami sa loob. Nauna na sila Gelon, Paul at Carlo para makita ang bangkay ni Tristan.

Umalis si Daddy para kumuha daw ng tubig, kahit paano'y mahimasmasan ako. Lumapit si Drakeir sakin at inihilig ang ulo ko sa kanyang dibdib. Rinig na rinig ko ang lakas ng kabog ng kanyang puso. Pagang punas nya ang luhang bumubuhos mula sa aking mata. Habang sya'y patuloy ring lumuluha.


"Napamahal na rin sakin si Tristan... Di ko akalaing mangyayari to. Kung sana'y tumakbo ako papunta sa kanya at naitulak nya hindi sana sya ang nawala ngayon."


"Hindi ito ang oras para magsisihan. Kuya Drakeir" ani Veron na umiiyak habang nakaupo sa sahig. Basang basa na kami sa pawis at luha. Pakiramdam ko wala nang mailuluha pa.


Kami naman ang pumasok sa loob at binigyan ako ng tubig ni Daddy... Pero hirap akong mainom yun ng masilayan ko Tristan na nakahiga at parang natutulog lang. Medyo namumutla na sya.

Hinaplos ko ang buhok nya "Tristan... Please mabuhay ka... Please... Miss na kita Mahal kong kaibigan ayaw ko ng ganto nananaginip lang ako!" Napahilig ang ulo ko sa leeg nya. Mabango pa amoy na amoy ko ang mamahalin nyang pabango ron.


Masakit yung makita mo yung kaibigan mong nakahiga at wala nang buhay. Akala'y matutulog lang pero di muna makakausap pa kahit kailan.


Hawak ko ang kamay ni Tristan at hinalikan yon. Medyo lumalamig na sya. Pumikit ako, pagmulat ko dapat masilayan ko na ang ngiti mo at marinig ko ang tawa mo. Pero nang maimulat ko ang mata ko ganon pa rin sya. Walang kabuhay buhay. Nilagay ko sa pisngi ang kamay nya. Naalala ko nung pinipisil mo ang pisngi ko kapag natutuwa ka sakin. Pero ngayon wala nang gagawa non.


Ganon rin si Veron at Drakeir na patuloy na umiiyak. May sinasabi din sila pero di kona pinakinggan pa. Si Daddy naman ay napatagal ang  tingin kay Drakeir. Lumabas ako ganon rin si Daddy. Di ko kaya ang prostasyong nararamdaman ngayon. Hinang hina ako at parang walang maramdaman.


Sorer Birthday...


Dumating na rin ang pamilya ni Tristan nabibingi ako sa iyak nila, masakit ang ganto. Lalo na sariwa pa ang lahat ng nangyari.


LAMBORGHINI CAR

LAMBORGHINI CAR

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.












BLACKxNEON

KUYA - [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon