"I'm sorry Mam, Sir... I'm late" nagulat ako ng marinig ko ang boses na yon. Napabaling ako sa pinanggalingan ng boses.
"Tristan!!!..." Biglang lapit sa kanya si Veron.
D nako magtataka dahil sa sobrang close nila. Akala ko nga sila magkakatuluyan eh pero hindi... Mahal ni Veron at Gelon ang isa't isa.
Veron hugged Tristan, lumapit na rin sina Carlo, Paul at Gelon.
"1 week Bro! Ngayon ka lang nagpakita" ani Paul sabay suntok sa balikat ni Tristan.
"Tristan! Nahuli ka..." Ani Sir.
"I'm sorry Sir..."
May bonfire nang nagawa ang mga Teachers so... Tinawag na kaming lahat para pumalibot roon.
"Hindi porket nag hiking tayo camping and also bonfire ay walang rason... Syempre lahat ng bagay bagay may rason... Ang rason dito kaya nagpaunakala ang ating mahal na Dean neto ay... Para sa pagtatapos ng taon. Para mabigyan natin ng memories ang pagtatapos nyo sa Junior high, and also Congrats sa inyong Grade 10 na magmomoving up sa March" ani Mam at nagpalakpakan naman kami.
Grade 10 lang kasi ang naimbitahan sa ganap na to. At halos 80 katao lang kami.
"Sino nakinig kanina? Habang naglalakad tayo diba nagsasalita kami about sa history ng Mount Makiling... So ang nakuha nyong impormasyon ay makakatulong sa inyo dahil maisasama namin yon sa darating na Exam next month...
"Anong ganap sa darating na kaarawan mo?" Napabaling ako sa kanan ng marinig ko ang boses ni Kuya Drakeir.
Naalala nya Birthday ko? Sa December 21 na yon.
"D ko alam, siguro sa Korea kami sa pasko nila Dadd--- oh no! My reunion nga pala kami sa pasko... So! Dito ata kami sa Pilipinas" sabay ngiti ko.
"Hmmm... So, kelan moko balak sagotin?" Tinitigan nya ako ng mariin
Napakurap kurap ako sa gulat. So serious talaga sya na nanliligaw sya? Kaya ba sya sumama rito? Dahil sakin? O siguro nag aassume lang ako dahil sabi naman nya sa Mt. Pulag sila dati nag hiking, so kaya sya sumama ngayon dahil gusto nya maexperience sa Mount Makiling?
"Haha! Sorry for my non stop question pero... Ahm... Kumusta na paa mo? Ayos na ba?" Tanong nya
"Yeh! Maayos na sya, thanks nga pala..."
"Ok! Students tig iisa ang lahat neto... Sakto lang to kaya walang dadalawa dalawa ng kuha dyan ha! Lahat dapat meron" ani Mam at pinagpasa pasahan ang hotdog na nasa stick.
Nag simulang iihaw yon sa bonfire,andaming hotdog sa bonfire so mamaya na ako.
"Akin na..." Kinuha saakin ni Kuya Drakeir yung hotdog at nakisingit sya ron para maihaw.
"Oh! Zaye... Nasan yung sayo?" Tanong ni Veron.
"Iniihaw pa ni Kuya Drakeir eh..."
Tinulak nya ako gamit ang gilid ng kanyang katawan at tiningnan ng nang aasar na tingin "ayie... Ikaw ha! Sagotin mo na kasi si Kuya Drakeir ambait pa naman."
I rolled my eyes and then umalis na sya at nakisingit don sa nag iirihaw.
Bumalik na si Kuya Drakeir at binigay saakin yung dalawang hotdog, nagtaka ako bakit dalawa binibigay nya sakin?
BINABASA MO ANG
KUYA - [COMPLETED✓]
General FictionSI ELOIZAH MACVER AY BABAENG MASIYAHIN, MAY MAGANDANG BOSES AT MAPAGMAHAL SA LAHAT. MAY NAKILALA SYANG LALAKI NA KUNG TAWAGIN NYA AY 'KUYA'. MARAMING PAGSUBOK ANG DUMATING SA KANYANG BUHAY AT KAILANGAN NYANG MALAGPASAN. GRABENG PASAKIT ANG NARANASAN...