PAGE 43: STAR

44 10 0
                                    





Nabusog ako don ah! Ansarap pala kumain pag kakwentohan ka.



Nagkwekwentohan naman kami nila Mommy at Daddy kapag nasa hapag kainan at kumakain pero iba pa rin yung kakwentohan mo ibang tao, tulad ni Kuya Drakeir.





Nagkwentohan kaming lahat ng matapos ang lahat na kumain panggabihan. Nakapalibot kami sa bonfire, sobrang dami namin don. Nagkwekwentohan ang lahat about sa mga nakakatakot. Sabi kasi nila Mam gusto nya makarinig ng kwento about sa nakakatakot na pangyayari sa aming buhay.





"Ako. Nong nasa kwarto ko ako, may narinig akong kumalabog sa bintana. Sinilip ko. Midnight na non siguro grade 5 ako non. Pagsilip ko may nakita akong nakaputing babae. Kaya pumunta ako agad sa kwarto nila Mommy sinabi kong may white lady sa labas. Sumama sakin si Mommy papunta sa kwarto ko at ang nakakatawa pa gumamit ng flashlight si Mommy. Flinashlight yung itinuro kong white lady takot na takot ako non, pero biglang tumawa si Mommy napaisip ako 'huh? Bat tumatawa si Mommy? Anong nakakatawa takot na takot nanga ako dito tatawa pa eh' tumawa pa ng malakas si Mommy non kaya sinilip ko yung labas mula sa bintana, nakita kong white dress pala ng kapitbahay namin. Hahahahaha. Nakasampay. Hahahahah jusko yan! Halos mamatay nako non sa takot tapos biglang... Boom! Damit pala ng kapitbahay" mahabang kwento ni Carlo.



"Ako naman totoo to. Nakakita ako ng kalahating kabayo kalahating tao. Sa Birthday party ng kumare ni Mommy, d agad ako tumakbo sinilip ko pang maigi habang nakatayo sya sa tabi ng puno. Tapos naninigarilyo ng tobacco." Ani Veron.





"Hahaha. Ano yun kapreng kabayo" humalakhak si Gelon.





"Gago!" Hinampas ni Veron si Gelon.





Nagtawanan naman kami.




Isa isang nagkwento ang bawat isa sa kanilang karanasan.





At ako na ang susunod.





"Hmmm. 6 years old ako non or 7 siguro, limot ko na. Nung nasa Korea kami sa bahay namin don. May sakit ako. Lagnat. Nahiga ako non sa sofa sa aming sala. Si Mommy naman nagluluto ng soup. Papikit na ako non ng bigla akong napamulat dahil nakakita ako sa aking harapan ng paang naglalakad. Kinurap ko pa mata ko non at kitang kita ko ang paang naglalakad simul sa binti hanggang paa. Walang katawan. As in paa lang. Parang galing sa construction ang paa nya dahil sobrang puti nito. Parang natuyong semento. Biglang napasigaw ako non.Mommyyy!. Tapos biglang dumating si Mommy tinuro ko kung saan ko nakita pero wala na yon don ambilis nawala agad sya. Nakakatakot dahil klaro pa sakin ngayon ang itsura ng paa na yon." Mahabang kwento ko.




"Ako naman. Wala akong pakialam dyan sa multo multo na yan aswang. Kapag may narinig ako o ano sa isip ko guni guni ko lang yon. Kagaya ng sabi sakin ni Mom 'wag kang matakot sa multo o patay, matakot ka sa buhay. Dahil wala na yan magagawa eh! Multo lang yan.' Pero ngayon may kinakatakotan nako." Ani Kuya Drakeir sabay tingin sakin at ngumiti.





"Ayieeee!..." Naghagikhikan mga kaestudyante ko.





"...ang mawala ka." Dagdag nya habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.




Muntik nako masamid sa sinabi nyang yon.







"Hahaha. Bagay talaga kayong dalawa" ani Mam.





"Like a couple Mam. Right?" Ani Kuya Drakeir baling kay Mam.




Pinabalik na kami sa kanya kanyang tent at pumasok nako ron. Pero d ako makatulog. Iniisip ko yung sinabi ni Kuya Drakeir, d kasi ako makapaniwala na dati dati'y parang wala syang paki saakin pero ngayon, abot na abot ko na sya at nililigawan pako.



Tama nga sabi nila 'walang imposible'.





Lumabas muna ako ng tent para makalanghap ng hangin. May naririnig akong kuliglig sa paligid.





Umupo ako sa bato habang nakatingala sa taas at inaabot ang mga star. Kay gandang pagmasdan kumikislap.




"D ka rin makatulog?" Nagulat ako dahil narinig ko ang pamilyar na boses.




Tristan...




Umupo sya sa tabi ko at tinanaw rin ang mga star sa langit, maliwanag dahil full moon ngayon. Pero may dala akong flashlight.





"Nakausap ko nga pala si Kuya Drakeir. Ngayon ngayon lang. Ok na kami don't worry".





"Hmmm. Syanga pala bakit d ka pumapasok?" Tanong ko.





"Haha. Pinagaling ko kasi sugat ko. At ito rin" turo nya sa kanyang puso.




"Ah... Sorry".




"Ok lang... Kasalanan ko rin naman umibig ako sa taong alam kong hindi ako magugustohan hahaha. Weird no. Pero nevermind na yon. Alam ko kasing nasa tamang tao ka at nasa tamang kamay ka. Sana mahalin nyo ang isa't isa. Sasagotin mo ba s-sya?... Hmmm, sorry sa tanong ko pero---".




"Oo, siguro sa birthday ko ngayong darating na December 21" nahihiya kong sagot.




"Hmmm, that's good to hear. Support ko sayo." Ani nya.





Ilang minuto ang lumipas at walang nagsasalita sa amin nakatingin lang kami sa kalangitan.




Napatingin ako sa kamay nya inaabot ang mga star tulad ng pag abot ko kanina.




"Zaye, alam mo dati lagi akong nakatanaw sa mga bituin, kumikislap sila iniisip ko mga mata mo yun habang kumikindat saakin haha. Joke. Inisip ko na ano kayang feeling na star ka? I mean yung nandon kalang at kumukutitap. Yung walang sakit na nararamdaman.  Sana star nalang ako." Sabay tingin nya saakin "alam mo ba, dati sabi ko sa sarili ko. Gusto ko maging astronaut pinangarap ko yun, hanggang ngayong pangarap ko pa rin."





"Matutupad yan. Magaling at matalino ka naman" ani ko.






"Kapag umalis na ako, tingin ka lang sa star ha! Para pag tumingin rin ako maiisip ko na nakatanaw ka rin don".




"Oo, gagawin ko" sagot ko habang tumatango.





Gagawin ko yon para sayo Tristan dahil yon ang gusto mo, salamat at nakilala kita.




"Tara na tulog na tayo, kailangan natin ng pahinga maglalakad pa tayo bukas pababa dito sa Bundok" ani nya at tinapik balikat ko.





Tumayo na rin ako at pumasok sa tent.






Mamimiss kita Tristan, mas mamimiss ko yong pinagsamahan natin bilang magkaibigan.







AUTHOR'S NOTE: KEEP SAFE SA LAHAT NG NASALANTA NG BAGYONG ULYSSES 🙂 NASALANTA RIN KASI KAMI GRABENG KAPAL NG BALONABON☹️ AND ALSO PRAY FOR US🙏🏻 GOD BLESSED GOD IS WITH YOU😇.
SIGNAL #3. CAMARINES NORTE
AND THANKS SA TALK IN TEXT DAHIL MAY FREE DATA KAMI😍  9% NALANG AKO HAHAHA WALANG KURYENTE🥺.














BLACKxNEON

KUYA - [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon