PAGE 52: ANKLET

28 6 0
                                    



Habang nasa loob ako ng sink ng Cr agad nagsalita si Veron.

"Gago talaga! Bwesit! Kakainis ang landi." Anya.

Sandali nyang tumahimik. Lumabas ako ng cubicle at nakita ko agad ang buhok nyang sira na.

"Ganon ganon nalang Zaye? Tatakbo ka lang ganon?" Anya.

Umiling ako at naghugas ng kamay "Anyare sa buhok mo?"

Dinuro nya ako mula sa salamin "ikaw! Wag ka tatakbo. Ang sama ng loob hinaharap yan di tinatakbohan di sa lahat ng oras malalagpasan mo lalo na kung sobrang sakit na." Anya habang inaayos ang buhok "Potek! Muntik na ako maps guidance. Sinugod ko lang naman si Ate Rhea at sinabonotan at sinuntok! Ang landi nya. Agad naman akong naawat dahil andami nila don. Pati adviser nagalit bat daw ako sumusugod hindi ko naman teritoryo." Sabay irap nya.

Laglag ang panga ko sa sinabi nya. "Gi- ginawa mo yon?"

"Oo naman. Diba nga ok lang kung may nasaktan sa mga kaibigan ko mas masasaktan yung nanakit. Tulad kay Carlo, sinaktan nila si Carlo kaya mas sinaktan ko si Eli diba. At ngayon. Nasaktan ka kaya sinaktan ko sa physical si Ate Rhea. Haha. Ang weak pala non. Malandi pero weak parehas lang sila ni  Eli eh." Parang sasabog sa galit si Veron habang nagkwekwento.

"Bat mo pa yon ginawa? Ok lang ako. Mapapahamak kapa." Ani ko.

"Yan ang problema sayo Zaye eh. Nasasaktan kana pero di mo masabihan si Kuya Drakeir na iwasan yon. Malandi yon. Ok naman sya  dati pero mukhang nagbago si Ate Rhea" umiling iling na anya "Alam mo ba... Kanina tinanong ng Adviser nila kung ipapaguidance ako or papasampahan ng Kaso... Bwesit adviser nila Kaso agad? Hahahaha. Pero tumawa na parang baliw si Ate Rhea pero tumigil rin at ngumisi sakin tapos humindi. Loka loka lang eh.

Para ngang baliw si Ate Rhea sa tawa nya naalala ko nong nasa canteen kami. Tumawa sya na parang baliw.


"Pinagsabihan rin ako ni Kuya Drakeir. Saka pinapasabi nyang ihahatid ka nya after nyong lumabas... Ayieeee... Hoy! Saka pagsabihan mo rin yon ha! Na umiwas na sya kay Ate Rhea ang landi non. Mukha pang baliw baka mahawa hahahaha."

Parang ayaw kong sumama kay Kuya Drakeir after party. Parang di ko kaya ngayon. Sariwa pa ang nangyari kanina. Commute nalang kaya ako at sasabihin kong nakauwi na ako.

"Hoy! Alam ko iniisip mo. Sumama kana para mabigyan mo sya time. Para na rin madagdagan nyo ang memories nyo."

Baka mas matimbangan ako ni Ate Rhea. Sige sasama ako. Tumango ako kay Veron at bigla nya akong niyakap.

"Yehey! Dapat di ka umiiyak sa walang kwentang malalandi bestfriend" anya sabay higpit ng yakap sakin.

Pumasok na kami sa room at nag exchange gift na. Nakuha ko ang anklet, gold sya. Mukhang ginto at may mga star don. Tumutunog sya pag lumalakad.

Ang Ganda...

Kaso. Ginto to ah? 200 lang ang gift namin bakit naman may sobrang mahal na naggift sakin nito? Ang ganda nya parang may glitters. Pag tinatapat sa araw ay kumikislap.

Napatingin ako sa mga kaklase ko. Sino nag gift sakin?

Napabaling ang tingin ko kay Tristan na nakatingin saakin agad syang umiwas ng tingin.

Napangiti ako at tumabi sa kanya.

"Ikaw yong nakabunot sakin?" Mahina kong sabi.

"H-hindi" umiling sya.

"Aw! Sayang naman. May gift rin kasi ako sa magbibigay sakin ng regalo." Malungkot kong anya. Alam ko namang sya nakabunot sakin sa mga galaw at tingin mo pa lang Tristan kilala na kita.

Bumuntong hininga sya "Hindi ako ang nakabunot sayo... Si Danilo yon. Nakipagpalit ako dahil... Ahm. Gusto lang ganon."

"Ah. Ganon pala sige." Sabi ko at bumalik sa upuan ko. Kinuha ko ang 5 gifts ko para sa kanila. Busy kasi sila sa pasko kaya ngayon ko mabibigay.

Inabot ko ang isa kay Veron, Gelon. Inaayos ni Gelon ang buhok ni Veron dahil magulo ito.

Sunod kay Paul, Carlo huli si Tristan. Nag alinlangan pa syang tanggapin pero nang makita nyang meron din sina Gelon at tinanggap na nya.

Bracelet, airpods at picture namin yon ngayong party. May film kasi ang camera ko kaya agad ko yung nadevelop. Inayos ko yon sa frame kanina habang sila'y kumakain. Patago ko pa yung ginawa dahil baka makita ako. Pero thanks God di nila ako nakita dahil busy sila sa panonood sa naglalaro habang kumakain.

Napa wow si Veron ng makita yon dahil ngayon lang yong picture namin na yon.

Muntik na akong matumba ng biglang may yumakap sakin.

Si Tristan...

"Thank you..." Anya.

Tumango ako. Yumakap na rin sina Veron, Gelon, Paul, at Carlo.

"Group hug!" Ani Carlo.

"Solid na magkakaibigan" ani Mam at pumalakpak ang lahat.

Biglang tumayo ang lahat at naki group hug na rin sa amin.

Natawa kami. Ma 3pm na kaya nagpahinga na kami. Habang nakaupo nagsimulang kumanta si Veron.


"Sama sama tayo at walang mag iiwanan
Kung may problema tayo tayo lang din naman
Ang magtutulongan" -Veron.

"Di pwede may maiiwan lahat kasama pag may kasiyahan
Kaya't sama sama tayo na parang parang magbabarkada lang" -Lahat.

Sumabay ang kaming lahat habang nakapalibot ang bangko at magkakaakbay lahat.

May nag iyakan lalo na mga babae. Napapaluha na rin ako pero bigla akong nagsalita. Ayaw ko nang umiyak pagod na ako.











BLACKxNEON

KUYA - [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon