PAGE 44: BABY

43 7 0
                                    



CARLO MATRIZ  POV'

Ganto pala ang pakiramdam ng may ka M.U ka. Yung pag kausap mo sya ansaya mo, tatanongin ka nya ng Kumain kana ba? Yung mag- gogoodmorning sya sayo pagkagising na pagkagising mo. Yung tatanongin nya kung anong ginagawa mo. Yung makikinig sya sa mga problema mo. Pero sa sandaling kasiyahan na yon. Makakaramdam ka ng sakit. Oo nga. Walang tayo. M.U lang kami. Yun ang paniwala ko. Eh sya ba? M. U rin ba ang turing nya para sa kanya? O kami na?




Hindi natin masasabing kayo na nga. Bakit nanligaw ka ba? Bakit mo nasabing mag M.U kayo? Yun din ba ang turing nya sayo? Na M.U kayo?



Makalipas ang ilang araw galing kami sa Mount Makiling. Sa gabing iyon d ko alam ang aking gagawin. 3months na kaming magkachat at sinabi nyang magkita raw kami. Sobrang saya ko non. Akalain mo ba na yung nagpapasaya sayo araw araw? Yung makausap mo lang sya buo na araw mo ay gusto kang makita?


Ok lang naman na magkita kami. Gwapo ako sabi nila. Pero para sakin sakto lang ang itsura ko. Bakit naman ako aayaw na magkita kami? Eh ganto na ako eh. Kung anong ibinigay sayo ng Panginoon tanggapin mo dahil pinahiram kalang nya ng buhay at wag mong babagohin kung ano ka at sino ka dahil baka pag binago mo ang sarili mo d mo na makilala sa kung sino ka noon kumpara ngayon.


3months na kaming magkausap pagkagising, mapalunch break, uwian at bago matulog. Hindi pa alam nila Tristan at ang buong barkada na may kachat ako.



Siguro hindi ko lang sya basta ka M.U siguro gusto ko na sya, mabait sya maalalahanin, nag sheshare sya ng problema nya sakin about sa School or Family nya. Ewan ko ba kung may boyfriend na sya dahil wala namang syang nakwekwento.



To: Baby. Active now
    Tuloy pa ba yong pagkikita ta?

From: Baby. Active now
   Oo, Friday. Pagkauwian namin sa park, Ingat.


Baby pa ang senet nyang nickname namin sa messenger.

At nang magfriday na umuna nako kala Paul pag uwi. Sabi ko may gagawin pa ako. Nag aakit kasi silang mag tambay sa mall.


Sumakay na ako sa aking kotse. Dinala ko talaga kotse ko para makapunta agad ako ron. Kala Paul kasi ako sumasakay dahil malapit lang naman bahay nila samin. Pero ngayon nagsarili ako. At nagmaneho.



Naipark ko na sa gilid ng Park ang aking kotse at pumasok na sa loob. May nakita naman  akong nagtitindang fishball at kwekwek at palamig. Bumili ako non. Dalwang pares. Ibibigay ko sa kanya yung isa mamaya habang kami'y nagkwekwentohan. Naghanap na ako ng mauupuan at nakakita naman kaagad ako. Medyo nahihirapan pako sa hawak ko pero naibaba ko naman agad yun sa upuan. Umupo nako  at kinuha ang cellphone sa aking bulsa. Magtitipa sana ako na nandito na ako sa may Santa Claus, magpapasko na kasi kaya maraming palamuti at dekorasyon ang Park, napa angat ako ng tingin dahil may nagsalita.



"Ikaw na si Carlo Matriz?" Tanong ng lalaki sa harap ko, mukha syang matino, kalmado pa ang pagkakasabi pero ang mga mata'y nagdidilim.


Napakunot ang aking noo. Sino ba to?



"Ikaw ba?" Nanggigigil na ulit nya.


"O---" d ko natapos ang aking sagot dahil agad nya akong sinuntok sa kaliwang pisngi.


Napaharap ako sa kanan, sabay hawak sa aking pisngi dahil sa malakas na pagkakasuntok nya.


Napatayo ako at hinarap sya, kumuyom ang aking kamao at nanlisik ang aking mata habang nakatingin sa kanya.


"Ano bang problema mo?" Ani ko, may pagkabagsik na pagkakasabi.


Tumawa sya ng marahan "haha! Anong problema ko?" Tumingin sya sa papasok na babae sa Park "Baby... Come here Baby..."


Napabaling ang tingin ko sa babaeng papasok. Laking gulat ko sa aking nakita.


Sya? Sya ba yung Baby? D ko maintindihan ano bang nangyayari?.





AUTHOR'S NOTE: ANTAGAL KONG NAKAPAG UPDATE DAHIL SA WALANG NET DITO NGAYON. ACTUALLY MAY NAGAWA NA PO AKONG 2 CHAPTER KASO NACLEAR DATA KO ANG AKING WATTPAD SO NADELETE SYA, GINAWA KO SYA NUNG BAGYONG ULYSSES WALANG KURYENTE NON AT SIGNAL, SABI KO AFTER NG BAGYO KO NA TO IPUPUBLISH KASO NACLEAR DATA KO ANG AKING WATTPAD! HAYS! BOBO RAMS HAHAHAHA. NASALANTA RIN PO KAMI NG BAGYONG ULYSSES DITO SA LABO, CAMARINES NORTE SOBRANG LAKAS, KAYA SANA IPAG PRAY NATIN NA MAGING OK NA ANG LAHAT. THANKS PO. GOD BLESSED😇














BLACKxNEON

KUYA - [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon