DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT PO🙏🏻
GOD BLESSED US😇
Natapos na kaming kumain ni Kuya Drakeir kaya nagkasaliwaan na kami ng pupuntahan, sa kaliwang hagdan sya ako naman ay sa kanan
Naglakad lakad na ako, napapangiti pa dahil sa clip na binigay ni Kuya Drakeir, d ko akalain na bibigyan nya ako nito
Alam mo yung feeling na, dati rati hindi sya tumitingin sakin ng deretso pero ngayon! Halos lagi kaming magkasama pero walang kami haha! Tragic
Kinapa ko pa yung clip shit! Bakit naghaharumentado sa bilis ang puso ko? Shit! Naman
Naramdaman ko nalang ang sarili kong napapangiti haha
Nasa taas na ako ng hagdan pero d ako nakatuloy papasok sa room namin dahil nakita ko si Tristan na nakaupo sa pinag volleyballan namin kanina sa ilalim ng puno habang nakatingin sa taas na para bang malalim ang iniisip
Nag aano naman kaya yon don? Saka bakit sya lang mag isa? Nasa sina Carlo? Paul? Gelon? Wait nga d pa naman time eh! Saka lalabas din naman kami ulit para mag basketball daw!
Puntahan ko nga muna
Bumaba ako sa hagdan at naglakad papalapit kay Tristan
Habang papalapit ako sa kanya, ambilis ng tibok ng puso ko! Pero bakit? D ko alam kung bakit siguro dahil baka may problema sya
Gugulatin ko sana sya pero hindi ko naituloy dahil habang nakatingala sya sa malayo ay tuloy tuloy ang patak ng luha nya mula sa kanyang mata papunta sa kanyang pisngi, bakit sya umiiyak? May problema ba sya?
Parang sinaksak ng milyong milyong karayom ang puso ko dahil sa nakikita ko, kunti nalang kasi ang lalaking umiiyak ngayon, saka ito? Si Tristan Haisan umiiyak? Eh ang lakas nyan eh! Totoo pala yung kasabihan na 'KAHIT GAANO PA KALAKAS ANG NAKIKITA MO SA ISANG LALAKI, PAG NASAKTAN YAN IIYAK AT IIYAK TALAGA YAN' so? It means na nasasaktan si Tristan? Pero san?
Tatalikod na sana ako para d ko sya maistorbo pero narinig ko na bigla nya akong tinawag pero pumiyok
"Z- za-e" ani nya na suminghot pa dahil sinipon na to sa iyak
I Deep Breath then unti unti akong humarap sa kanya
Nag aalinlangan pa akong sumagot pero "ah-mmm"
"Bakit ka nandito?" Tanong nya na namumula pa ang mata, tumalikod sya para punasan ang luhang pumatak
"Ah ka-kasi nakita kita kaya lumapit ako, pe-pero busy ka ata?" Patanong kong sabi
Umiling sya "Hindi naman, gusto nga kitang makausap eh"
Ngek? Ay este Bakit? Peste! Nahawa na ako sa kaka ngek ni Veron haha
Lumapit ako sa kanya at umupo katabi nya, nakaupo kami sa bato sa ilalim ng puno
"Bakit?" Tanong ko
"Zaye, diba---"
"Umiyak ka ba? Bakit?" Depensa ko
D sya sumagot at ngumiti nalang, ang pogi ni Tristan kaya andaming nagkakagusto dyan eh halos lahat nga ata ng babae, babae na nanliligaw sa kanya pero wala syang nagugustuhan
Nagulat ako dahil biglang hinawakan ni Tristan ang kamay ko na nakapatong sa aking tuhod, napatingin ako sa kamay nyang nakahawak at napatingin ako sa mukha nya na deretsong nakatingin saken at mukhang seryoso
Tristan deep breath "Zaye, d mo ba nararamdaman?"
D ako nakapagsalita, nararamdaman daw ang alin?
"Zaye, gusto kita! Matagal na Grade 7 palang tayo, gusto na kita! Yung about sa math? Sorry pero kaya ko lang ginawa na ituro mo sakin yung about sa math dahil gusto kong magkalapit tayo, at ayon! Nag katotoo nga! Sobrang thankful ako non at best friend mo ba ang kaklase ko then naging isang barkada tayo, bata pa tayo non crush na kita at hanggang ngayon crush pa rin kita at gusto kita, siguro nga Mahal na kita! Pero anong nangyare Zaye? Bakit? Bakit ka naging ganyan hindi mo na kami madalas nakakasama mababaliw ako Zaye na isang minuto lang d na kita makita nakakabaliw yon hahaha, baliw nga talaga ako"
Nakatingin lang ako sa kanya at ramdam ko ang sakit ang sinasabi nya at ramdam ko ang nararamdaman nya kahit hindi pa ako nasasaktan ng tulad nya, gusto nya ako? Oo alam ko na crush nya ako noon pa pero since d ako nagkagusto sa kanya tanging kaibigan lang talaga ang mabibigay ko sa kanya, saka crush lang yon non kaya akala ko hanggang crush lang paghanga! Pero ngayon? Mahal? Mahal na?
Si Tristan kasi yong tumutulong sakin sa History mahina kasi ako don, then sa math naman ako ang tumutulong sa kanya, kaya pala andali nyang magets pag tinuturo ko sa kanya
"Zaye! Kayo na ba ni Kuya Drakeir? Bakit lagi kayong magkasama?"
I Deep Breath, hinawakan ko rin ang kamay nya "Tristan, si Kuya Drakeir kasi yung nag tutyutor sakin nung sumali ako sa Quiz bee"
"Diba tapos na yon? Bakit nagsasama pa rin kayo? A-ahmmm sorry hindi mo ako boyfriend kaibigan mo lang nga pala ako---"
"Inaaya nya ako then pasasalamat ko na rin sa pagtutyutor nya sakin"
"Zaye, do you like Kuya Drakeir?"
Sabi nya bigla kaya d ako nakasagot
"Zaye, ako nalang please! Kalimutan mo na si Kuya Drakeir, ako nalang please matagal na kitang Mahal at sana ganon ka rin sakin, diba nga SECOND CHANCE ONLY GIVES STORIES, NOT LIFE? gumawa tayo ng story natin, please Zaye, bibigay ko lahat sayo basta sakin ka lang mapunta" nagmamakaawa nyang sabi
Naramdaman ko nalang ang luha kong pumapatak
"Tris-Tristan, sorry pero ayaw kitang saktan" napahikbi ako
"Zaye, kung sinabi ko ba to noon pa, minahal mo rin kaya ako?"
"Mahal kita Tristan pero..."
"Pero?"
"Bilang kaibigan, so-sorry" napatingin ako sa baba
Napatingala ako kay Tristan, sobrang bilis ng bagsak ng luha nya, sobra ko ba syang nasaktan sa sinabi ko?
"Sorry Tristan pero ayaw lang kita saktan" mahinahon kong sabi
Tumango tango pa sya "Pwede mo ba akong bigyan ng second chance? Please second chance Zaye" ani nya "at pag hindi mo talaga ako nagustohan, ako nalang a-ang lalayo" bumaba sya ng tingin
"Hindi ako ma oo Tristan pero sana wag kang umasa" sabi ko
"Basta tanggapin mo lang ako" sabi nya
D na ako nagsalita at naglakad nalang papasok sa loob ng campus
"ZAYE!" narinig ko pang tawag nya pero nagdere deretso ako
Naramdaman ko syang nasa likoran ko na hanggang sa nakalapit sakin at sabay kaming pumasok sa room ng walang nagsasalita
Nakita ko naman sina Veron na kaharutan si Gelon, naupo nalang ako sa upuan ko at nagbasa ng libro
Nagbabasa ako pero hindi pumapasok sa isip ko ang aking binabasa dahil sa mga sinabi ni Tristan
Kailangan ko ng Clue anong gagawin ko?
BINABASA MO ANG
KUYA - [COMPLETED✓]
General FictionSI ELOIZAH MACVER AY BABAENG MASIYAHIN, MAY MAGANDANG BOSES AT MAPAGMAHAL SA LAHAT. MAY NAKILALA SYANG LALAKI NA KUNG TAWAGIN NYA AY 'KUYA'. MARAMING PAGSUBOK ANG DUMATING SA KANYANG BUHAY AT KAILANGAN NYANG MALAGPASAN. GRABENG PASAKIT ANG NARANASAN...