Nagdismiss na ang first subject namin na Araling Panlipunan na si Mam Ban.
Pinasok ko ang notebook kong Araling Panlipunan sa bag
"Nakaya mo ba yong tinuro ni Mam Ban?" Dinig kong tanong, umangat ako ng tingin, si Tristan.
Ngumiti ako "medyo pero, nagsulat naman ako ng sinasabi nya d kasi sya nagsusulat" sabi ko
"Yieeee!" Sabi ni Veron kinikilig ang babae tsk hahaha pogi kasi ng kausap ko, escort ng Class Officers namin, d daw yan naaalis sa pagiging escort noon pa man sabi ni Veron kasi pogi talaga.
"Ehem!" Tumikhim ako "Math na tayo diba?"
"Oo masungit pa naman yon si Mam Camora" Tristan said.
Dumating ang second subject namin na si Mam Camora at mukhang masungit nga nasa 45s na ang edad nya sa tingin ko, boy cut ang hair nya at medyo matangkad
Pumeywang sya sa harap at tinaas ang kilay "What did you all say when I went inside?" Tanong ni Mam Camora ng pasungit
Tumayo si Veron at ang dalawa naming kaklase ganon ang ginawa ng lahat, anong nangyayare? Takot na takot talaga sila, pinagtitinginan ko sila nakatayo na silang lahat.
Tumingin ako sa harap nakataas ang kilay ni Mam Camora sa banda sakin kaya tumingin ako sa likod, mukhang ako ang tinitingnan nito ah!
Biglang kinalabit ni Veron ang kamay ko sa desk "stand up Zaye" bulong nya
Bigla akong tumayo "aw!" Singhal ko dahil nadali ng desk ang hita ko sa biglaang pagtayo.
Naghagikhikan mga kaklase ko
"Shut up!" Mam Camora yelled.
Tumahimik ang lahat.
"Good morning Mam Camora!" Sabay sabay na bati ng lahat
Ah kaya pala! Gusto nya palang kami ang unang maggegreet sa kanya
"Good morning Class, sit down!" Sabi ni Madam Camora, akmang uupo na ako dahil sa sakit ng binti ko pero "except you Miss!" Turo nya sakin
"Why Mam?" Veron said
"D kita kinakausap Miss Quila kaya shut up!" Sabi ni Mam Camora
Anong problema bakit nya ako pinatayo? Napatingin ako sa likod at right and left side ko ako lang talaga ang pinatayo.
"Anong sasabihin mo Miss? And what is your name? Introduce yourself" sabi nya
Kinakabahan ako baka mautal nanaman ako tapos dumaan nanaman yong Kuya Drakeir nayon, d naman ata dadaan yon may pasok eh
"I'm Eloizah Macver Mam" sagot ko
"Ok Miss Macver, Macver? Kayo ang may ari ng Flower Shop diba? I know your parents" sabi ni Mam Camora at tumango ako "D kita narinig na naggreet ng Good morning---"
"Good morning Mam and nice meeting you po, I hope you my best math because I love math Mam Camora" sabi ko, at lumiwanag ang mukha nya
"Nice! You loved math? Then I love math too! Ok next time sana maging maayos na" Sabi nya at napatingin ako sa labas ng dumaan si .... Kuya Draker na may hawak na mga papel
Buti d sya tumingin dito! Baka Makita pa nya akong pinagsasabihan ng teacher!
"Sorry Mam, I didn't know" sabi ko
"Sa Korea kasi sya lumaki Mam Camora, iba po kasi gawain ron" pagtatanggol ni Veron sakin
"Hayaan mona!" Bulong ko kay Veron
Naging madugo ang mathematics pero nakaya ko
May exercises kami para malaman ni Mam Camora kung naintindihan ba namin, sa notebook ako nagsulat
May biglang kumalabit sakin sa likod "turoan moko medyo d ko magets" bulong ni Tristan
Nasa likod ko sya? Eh d naman yan dyan nakaupo baka nakipagpalit
Humarap ako sa likod at ang lapit ng mukha nya sa mukha ko bumulong kasi, amoy na amoy ko ang pabango nya
BLACKxNEON
BINABASA MO ANG
KUYA - [COMPLETED✓]
General FictionSI ELOIZAH MACVER AY BABAENG MASIYAHIN, MAY MAGANDANG BOSES AT MAPAGMAHAL SA LAHAT. MAY NAKILALA SYANG LALAKI NA KUNG TAWAGIN NYA AY 'KUYA'. MARAMING PAGSUBOK ANG DUMATING SA KANYANG BUHAY AT KAILANGAN NYANG MALAGPASAN. GRABENG PASAKIT ANG NARANASAN...