Dumating na si Mam Ban at nagsiupoan na ang lahat.
May salamin si Mam Ban at mukhang bata pa siguro nasa 30s palang sya at sexy pa rin.
"Kayo naman ang pumalit sa mga kinikilig na grade7 noon na GRADE8 na ngayon, pero mas malala ata kayo" sabi ni Mam Ban.
"Kasi ikaw eh!"
"Pogi kaya nila"
"Lalo na yong Kuya ni Veron saka si Drakeir"
"Mag Kuya ka nga kay Kuya Drakeir matanda yon satin"
"Crush ko sya kaya Drakeir lang, pag nalaman nyang Drakeir lang tawag ko sa kanya maiisip nyang crush ko sya at pag may kuya baka maisip nyang kapatid lang ang turing ko sa kanya no!"
Narinig kong bulong bulongan ng mga kaklase kong babae.
"Good morning Class, let's pray! Miss Macver lead the prayer" Mam Ban said.
Ako pinag lelead? Shit ano bang sasabihin pag maglelead iba kasi sa Korea eh!
"Uy Veron pano maglead?" Bulong ko
"Say 'Classmates are you ready to pray?' ganern Zaye, Go!" Bulong nya.
"Miss Macver lead na!" Sabi ni Mam Ban habang nakatalikod samin at nakaharap sa altar na nasa taas ng board
"C-Classmates are y-you ready to p-" nagulat ako nang dumaan si Kuya Drakeir nagkatinginan kami shit! Nagkautal utal ako! Baka pinagtatawanan na ako non "pray?" Sa wakas nasabi ko ng buo.
"Yes we are" sagot ng lahat.
Pumikit ako at dinilat ang isang mata, san ba ang room nila? Unang room kasi tong samin kaya laging nadadaanan.
Pumikit ako at nakisabay sa pagdasal, shit! Kahit sumasabay ako d ko malimutan yong pagsalubong ng nata namin! Tapos nagkautal utal pako eh pano ba naman d ako sanay no!
"Ako ang Adviser nyo at ang first subject nyo! Ano sa tingin nyo ang subject ko sainyo?" Mam Ban asked.
"Araling Panlipunan Mam Ban!" Veron said
"Really? Araling Panlipunan sya?" I asked Veron na katabi ko.
"Yeh! Naging teacher sya ni Kuya dati, bakit ayaw mo? Hahaha joke"
"Wala akong alam sa araling panlipunan you know naman na sa Korea ako lumaki pero may kunti akong nalalaman dahil kay Mommy at Daddy" sabi ko
"Don't worry d ka mapapahamak mabait naman si Mam Ban magpaturo ka pag may d ka naiintindihan okayay sakin or kay Tristan hahaha kaklase ko nong elementary si Tristan magaling yan Top 1 yan lagi pero sa math sya medyo nahihirapan"
"Oo nga nagkausap kami kanina magpapaturo daw sya sakin ng math, ako naman ay araling panlipunan" sabi ko
Bigla nya akong tinusok sa bewang at nanunuksong tingin "Ikaw ha! Pogi yan si Tristan baka maging boyfriend mo hahaha, naging crush ko yan pero nasawa rin ako kaya yong grade 8 yong crush ko si Angelo kapatid ni Angel kaso medyo Playboy hahaha"
"Wala akong panahon magboyfriend no! 13 palang ako hehehe" sabi ko
"Asos! Pero baka mamaya maging crush mo rin ang campus crush dito sa Hanel" Sabi nya at pinaliliit ang mata
"May campus crush ba dito? Mukhang wala" Sabi ko
"Meron no! Sila Kuya na tawagin nating Famous Campus Crush of Hanel Student School---"
"Miss Quila and Miss Macver kung gusto nyong magkwentohan don kayo sa guidance office! First day of discussion nagchichitchat na kayo" saway ni Mam Ban
Tinikom ko ang bibig ko at tumingin nalang kami sa board
"Hehehehehe" tawang mahina ni Veron "kakatawa talaga pagpinagagalitan hehehe" bulong nya
Umiling nalang ako! Masaya pa talaga sya pag pinagagalitan hahaha crazy Veron Quila.
BLACKxNEON
BINABASA MO ANG
KUYA - [COMPLETED✓]
General FictionSI ELOIZAH MACVER AY BABAENG MASIYAHIN, MAY MAGANDANG BOSES AT MAPAGMAHAL SA LAHAT. MAY NAKILALA SYANG LALAKI NA KUNG TAWAGIN NYA AY 'KUYA'. MARAMING PAGSUBOK ANG DUMATING SA KANYANG BUHAY AT KAILANGAN NYANG MALAGPASAN. GRABENG PASAKIT ANG NARANASAN...