Buong gabi kong inisip ang selos na naramdaman ko kahapon. Nakatulogan ko nalang ang pag iisip na yon. Nakatanggap ako ng chat kay Kuya Drakeir kagabi.
(Naka uwi kana ba? Ingat ka ha! Wag magpapalipas ng gutom. Wala ako dyan para bantayan at alagaan ka. Wag pasaway. Sundin lagi si Tita at Tito) anya na tinutukoy ay si Mommy at Daddy.
"MISS MACVER." nagulantang ako sa sigaw ni Mam Grafin.
"Kanina ka pa namin tinatawag. D ka nakikinig galit na si Mam" mahinang ani Veron.
Napakisap kisap ako "Sorry Mam" nagbaba ako ng tingin.
"Ok! Stand up!" Anya, tumayo ako ng tuwid "What is Algebra?"
Shit! " one of the broad parts of mathematics, together with number theory, geometry and analysis"
"Korek!" Ani Mam. At pinaupo nako.
Akala ko d kona masasagot ang tanong na yon. Buti nalang Advance ako mag aral. Haha.
Nang mag lunch at tumungo kami sa canteen, nagkwentohan at kumain ng lunch.
"Bat parang wala ka sa sarili Zaye? Kanina grabeng tawag sayo ni Mam saka namin." Ani Tristan.
"Sorry! May iniisip lang" sagot ko.
"Wag mo na isipin yung nangyari kahapon. Hayaan mo na yon. Kasi kung Mahal ka talaga ni Kuya Drakeir ka d non pagpapalit sa malanding babae na yon." Pabulong na ani Veron, d naman narinig ng aming mga kaibigan dahil may pinagkwekwentohan tong chiks.
Mabuti naman at dahil samin bumalik na sa dati si Carlo. Nalimutan na nya si Eli. Sana nga kinalimutan na nya yon.
"Ano durogin uli kita sa ML?" Narinig ko ang pamilyar na boses pababa ng hagdan.
Napatingin kami ron ni Veron sa lakas ng boses habang tumatawa
Agad tinampal ni Ate Rhea si Kuya Drakeir sa balikat. Parang nag alab ako sa nakita ko.
"Eh ikaw kasi... Sabi ko sayo turuan mo ako para madurog rin kita" mataray na anya Ate Rhea.
Napatingin samin si Kuya Drakeir habang tumatawa. Agad syang lumapit at umupo sa katabi kong upuan. Si Ate Rhea naman ay nakatayo lang na mukhang iniintay si Kuya Drakeir.
"Ubos mo agad lunch mo?" Napatingin sya sa platong kinainan kong nasa mesa "di mo man lang inantay" ngumuso sya na parang nagmamaktol.
"Ay... Sorry! Nagugutom na kasi ako" nahihiya kong anya.
Nagdaan kasi ang araw, buwan at taon nang maging close kami ni Kuya Drakeir lagi kaming sumabay kumain. Kung minsan maaga ang uwi namin ng hapon ay namamasyal pa kami sa park o mall. Hanggang sa nagtapat sya ng pag ibig nya saakin. D ko namalayang sa sobrang close namin ay nakaramdam na rin pala ako ng pagkagusto sa kanya.
"Ano Drakeir? Arat bili na Tayo!" Anyaya ni Ate Rhea na di pa pala umaalis sa kinatatayuan.
"Wait lang ha! Bili lang kami." Ani Kuya Drakeir at sumabay sa canteen kay Kuya Drakeir.
Magkasama silang kakain ng lunch? Parang ngayon lang yon mangyayari ah!
Agad akong hinatak patayo ni Veron "arat sa Cr. Naiihi ako" anya.
Pumunta kami sa cr, pumasok na sya ron at ako naman ay inayos ang buhok at sarili habang nakatingin sa salamin.
Sandaling minuto ang nakalipas ay may naramdaman akong tumabi sakin.
Napatingin ako sa kanya mula sa salamin, ngumisi sya.
"Ano? Kayo na ba ni Drakeir?" Mataray na sabi ni Ate Rhea.
D ako nakaimik. Ano namang paki nya kung kami o hindi pa.
"Alam mo kasi. Magkakaibigan na kami nyan ni Drakeir, Von, Lucas, Stephen at Kevin. Kaso umalis ako. At ngayon bumalik nako. Kukunin ko na ang dapat na para saakin." Ngumisi pa syang masyado "Alam mo. Bata ka pa eh! Mas matured pa sayo si Drakeir, di sya nababagay sa walang muwang na tulad mo. Hahahahaha. Mas bagay sya sa kaedad nya lang. Ilan taon nga ba agwat nyo? Hmmm" nag isip pa sya "4 years? O 5? Hahaha My God Zaye! Bata ka lang para sa kanya. Nakakabatang kapatid haha. Naalala mo yung sinabi ko sayong watch me? Sinisimulan kona. At sa oras na mapasakin sya. Itchapwera ka nalang. Para la nalang basura na itinapon sa ilog HAHAHAHAHAHAHA" lumakas ang tawa sya sabay umalis na.
D ako nakapagsalita sa lahat ng sinabi nya. Napatingin ako sa pinasukang sink ni Veron. Kalalabas nya lang at inaayos pa ang zipper ng palda.
"Sino yung tumatawa? Parang baliw..." Anya.
D na ako nagsalita at bumalik na sa canteen. Nakita ko don si Kuya Drakeir at Veron na nakaupo sa aming kinauupuan kanina ni Veron. Ngumisi sakin si Ate Rhea na parang nang iinsulto.
Nagpaalam ako kay Veron na papaasok na ako sa room, dinahilan kong may gagawin lang.
Si Veron naman ay pumunta sa boyfriend nya.
BLACKxNEON
BINABASA MO ANG
KUYA - [COMPLETED✓]
Narrativa generaleSI ELOIZAH MACVER AY BABAENG MASIYAHIN, MAY MAGANDANG BOSES AT MAPAGMAHAL SA LAHAT. MAY NAKILALA SYANG LALAKI NA KUNG TAWAGIN NYA AY 'KUYA'. MARAMING PAGSUBOK ANG DUMATING SA KANYANG BUHAY AT KAILANGAN NYANG MALAGPASAN. GRABENG PASAKIT ANG NARANASAN...