First time kong makapasok na park na to. Madalas kasi sa ibang Park kami at sa mall tumatambay kasama ang mga kaibigan.
Umupo ako sa medyo kaunti ang tao. Napabaling ang tingin ko kay Kuya Drakeir na papasok na rin ng Park. Hinahanap nya ako habang nakakunot ang noo. Ang gwapo nya talaga kahit anong features ng mukha. Kahit saan mo ibaling nandyan yung kagwapohan nya.
Nilapag nya sa mesa ang dala nya, nagulat ako ron dahil limang cup ito. May kikiam, fishball, kwekwek, hotdog at french fries. May nilapag pa syang palamig na nasa plastik.
Andami non pano nya nahawakan yon. Naguilty tuloy ako dahil lumayas ako ron si ko man lang sya natulongan sa mga dala.
Ngumiti sya sakin, gumanti ako ng ngiti.
"Sorry about kay Ate Rhea... Sorry sa nasabi ni Aling Bebeng dati kasi kami nila Von at Rhea ang madalas magkasama bumili sa kanya. Wag ka mag isip ng negative... Saka... Matagal na rin akong di nakakapunta dito." Anya.
"Ok lang..."
First time nya akong nadala dito. Nong nag tutor sa sakin dati kumakain kami sa restaurant minsan sa street foods pero hindi dito.
"Wag kang mag alala iiwasan kona sya para sayo... Ah wait, may ibibigay ako sayo, talikod ka" anya. Unti unti along tumalikod sa kanya habang nakaupo kami sa sementong upuan ng Park.
Nagsimula syang kumanta "Alam mo bang may gusto akong sabihin sayo... Magmula nong makita kay naakit ako."
Agad akong may nakita sa harapang isang kwintas, napatingin ako sa dibdib ko kung nasaan ang kwintas, isa syang heart shape na maliit, may nakaukit na D ❤️ E. Napahawak ako sa kwintas, nang malock nya... Humarap ako sa kanya at yumakap.
"Simple lang naman ang pangarap ko... mahalin ang katulad mo sana ay mapansin mo... Ay napansin mo na pala hahahahaha" pabiro nyang anya.
Naluhaan ko ang shirt nya. Humarap ako sa kanya at ngumiti "Thank you... Thanks sa lahat... Kahit di pa tayo binibigyan mo na ako ng ganto... Saka ok lang naman kahit walang ganto basta makita at makasama ka masaya nako." Ngumiti ako.
"Alam mo ba sa kakaganyan mo mas lalo akong naiinlove sayo..." Kumindat sya kinuha nya bag ko at at kinuha ag panyo nyang binigay saakin at pinunasan ang luha ko. "Wag kang magseselos kahit kanino, tandaan mo i-kaw at i-ikaw lang ang gusto ko at mamahalin ko. D kita susukoan" anya. Binalik nya sa bag ko ang panyo.
"Hahaha... Nako naman umiyak nanaman ako."
"Alin gusto mo? Pili na" anya.
Tumuturo ako sa pagkaing nasa harap ng bigla ko yung ituro sa kanya "ikaw yung pipiliin ko..." Sabay kindat ko.
"Ikaw ha! Ako pala" agad syang nagsimulang kilitiin ako. Napasigaw ako, napatingin ako sa mga tao buti nalang busy sila. Pero napatigil ang tingin ko isang taong nakatayo malayo saamin habang madilim ang ekpresyon ng mukha, umismid sya at umalis na.
"May gift rin ako sayo... Inorder ko to" ani ko. Inorder ko to kasi baka pag binili ko tulad kala Veron na binili ko sa Mall. Maaaring magtanong si Daddy kung bakit ako bumili ng shirt na panlalaki.
Inabot ko sa kanya ung gift ko. Binuksan nya yon.
"Damit para lagi mo akong kasama..." Sabay ngiti ko.
"Ikaw ha! Hahaha... Inlove kana talaga sakin..." Anya habang kinikiliti ako.
"Tsss... Ang kapal ha! Hahaha" nagtawanan kami.
"Iwww... Ang bata pa nya may boyfriend na?" Narinig naming sabi ng isang babae, mukhang nasa 35's na sya.
"Hayaan mo na bagay naman... Maganda at Pogi" anya ng kasama nya.
Kumain nalang ako ng kwekwek at binalewala yon.
Nilagay ni Kuya Drakeir ang takas na buhok ko sa likod ng tenga "Hayaan mo yon... Age is doesn't matter." Anya.
"Ayaw ko lang laman ng Balita" ani ko.
Tumango sya.
"Sa Birthday mo ha! Commute nalang tayo para malaya tayong makapaggala" anya.
Tumango ako.
"Thanks dito sa shirt!" Anya. "I love you..."
Kumabog na parang kabayo ang puso ko... Sa sobrang bilis makakafinish line na.
"Sobrang tamis ng sauce" sabi ko.
Sobrang tamis nya talaga parang nilagyan ng sobrang daming sugar.
"Kasing tamis ko ba? Kasing sweet ko?" Nanliit ang mata nya.
Tinampal ko ang kaliwang pisngi nya tumawa sya ng marahan. Ansaya ko. Parang ayaw ko nang matapos ang araw na to. Sobrang saya namin.
Marami pa kaming pinagkwentohan. 5:35pm na... Antagal pala nagkwentohan. Hinatid nya ako sa bahay.
Panay ang doorbell ko kaso walang lumalabas ng bahay para pagbuksan ako ng gate, wala ring ilaw sa loob bahay... Mukhang wala sina Mommy at Daddy, pati si Manang ay wala. Nasa sila at bakit pati si Manang ay wala?
"Walang tao?" Ani Kuya Drakeir
Umiling ako "sa likod bahay nako dadaan... Sige na ingat"
"Gusto ko makita kang safe na makapasok" anya.
Alam kong di to magpapatalo kaya dumaan ako sa likod bahay at binuksan ang ilaw. Wala talagang tao.
Lumabas ako sa harap ng bahay at kumaway kay Kuya Drakeir, tumango sya at nakaalis na.
Pumunta ako sa taas, panay ang tawag ko kaso walang sumasagot.
Kinuha ko ang cellphone ko... Nang buksan koto... Napakaraming calls at texts si Mommy at Manang.
Ang pinakahuli ang binasa ko galing kay Mommy.
Mommy: pumunta kang ngayon din dito sa Lorenzo Hospital anak
D nako nag atubiling magpalit ng damit. Lumabas ako ng bahay at nilock ang pinto at gate. Lumabas ako ng village at may nakitang taxi. Pumara ako at nagpahatid sa Lorenzo Hospital. Kinakabahan ako... Ayaw kong mag isip ng kung ano.
BLACKxNEON
BINABASA MO ANG
KUYA - [COMPLETED✓]
General FictionSI ELOIZAH MACVER AY BABAENG MASIYAHIN, MAY MAGANDANG BOSES AT MAPAGMAHAL SA LAHAT. MAY NAKILALA SYANG LALAKI NA KUNG TAWAGIN NYA AY 'KUYA'. MARAMING PAGSUBOK ANG DUMATING SA KANYANG BUHAY AT KAILANGAN NYANG MALAGPASAN. GRABENG PASAKIT ANG NARANASAN...