PAGE 65: COMFORT

35 7 0
                                    





Hindi talaga natin malalaman kung kelan tayo kukunin. Yung akala mo hindi pa ngayon, hindi bukas. Dahil bibiglain nalang tayo kung kelan ka mawawala sa mundo. May mga panahong di natin inaasahan kaya sabi nga nila habang bata at maaga pa itodo na! Magpakasaya na! Dahil may mga pagkakataong hindi natin masasabing kukunin na tayo ni kamatayan.




Hawak ko pa rin ang kamay ni Tristan, isang mahigpit na hawak. Lumuluha na rin si Drakeir habang tinatahan at pinupunasan ang luha ko at luha nyang sunod sunod ang daloy. Nasa ambulansya kami at mabilis tong umaandar.




"Tristan... Kumapit ka! Wag ka bibitaw! Diba sabi mo pupunta kapang London para mag aral? Diba gusto mong maging astronaut. Diba sabi natin noon, sabay sabay tayong magiging successful sa buhay?... Kapit please!" Umiyak ako ng umiyak. Hindi ko mapigilan ang nasa isip kong mawawala ang isa sa mga kaibigan ko at nasaksihan ko pa.




"Hinarangan nya ang baril ng iputok yon ni Rhea kaya sya ang natamaan. Tristan. Kumapit ka! Hindi ka pwede mawala." Ani Drakeir.


Mahigpit ang hawak ng kamay ni Tristan sa kamay ko. Ngumiti sya habang nakapikit.



Nakarating kami sa Lorenzo Hospital at agarang dinala si Tristan sa Emergency Room.




Hindi kami pinapasok don, nasa labas lang kami. Napaupo ako sa upuan sa gilid. Pakiramdam ko namamanhid ako at nanghihina sa mga nangyari.



Mabubuhay sya...



Mabubuhay sya...


Mabubuhay sya...



Yan ang paulit ulit kong sinasabi sa utak ko. Pinainom ako ng tubig ni Drakeir pero namasa lang ang labi ko ron, hindi ko kayang hawakan man lang ang baso at ibuka ang aking bibig para makainom.



"Mabubuhay sya. Wag ka mag isip ng masama Zaye..." Anya at inayos ang buhok kong sobrang gulo dahil sa nangyari.


Maraming dugo ang damit ko at ang kamay ko'y ganon rin. Pumunta akong cr at hinugasan ang dugong nasa akin. Naramdaman ko si Drakeir sa likoran ko.



Kailangang malaman nila Veron at ang pamilya ni Tristan to. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa at tinawagan si Veron, nanginginig pa ako sa pagtipa "Hello... Veron..." Umiyak ako. "Sorry kung naistorbo ko kayo... Pero pwede bang..." Umiyak nanaman ako dahil naaalala ko ang nangyari "Pumunta kayo ngayon ng mga kaibigan natin sa Lorenzo Hospital tawagan mo na rin parents ni Tristan. Nandito kami ngayon---". Nanakit ang tenga ko sa tili ni Veron.




"Eeeeee!... Happy birthday Zayeeee! Nasan kana ba? Di kapa umuuwi. Lorenzo Hospital? Bakit? Buntis ka? Hahaha... Ninang ako ha! Aga mo naman ata mabuntis wala ka pang asawa---"


"Pumunta na kayo please." Singit ko sa kanya.


"Sige Sige... Papunta na kami." Anya. At pinatay ang linya.



"Papunta na raw sila..." Sabi ko at umiyak nanaman agad akong niyakap ni Drakeir ng sobrang higpit.



"Nandito lang ako. Wag kana umiyak." Anya habang hinahaplos ang buhok ko. Hinalikan nya ang sentido ko at niyakap ulit ng mahigpit.


"Sa labas tayo mag antay" sabi ko. Pumunta kaming labas ng hospital.


Nag intay kami ron. Nakahilig ako sa dibdib ni Drakeir. Pakiramdam ko mugto na ang mata ko sa pag iyak. Kung anong saya nyo kanina, iyak ang kapalit. Kasama ko si Drakeir kahit saan, sa saya, lungkot at ngayon kino-comfort nya ako.


Napakalas ang tingin ko ng may pumaradang isang lamborghini. Anganda nya, ito yung gusto kong sasakyan, pinapangarap ko noon pa. Kaso hindi pa ako marunong mag drive.


May lumabas don na isang lalaking nakasuot ng lamborghini shirt. Ngumiti sya saakin at nagpakilala "Good Evening, Mam, Sir. Mam Eloizah Macver tama po ba Mam?" Anya ng binasa ang papel na hawak nya. "Nandito po ako para kunin ang bayad mo sa lamborghini car na binili nyo." Anya at iminuwestra ang lamborghini na nakaparada. Umayos ako ng tayo at pinunasan ang luhang dumadaloy mula sa mata.



"Ok ka lang po ba Mam?" Anya.



D ko pinansin ang sagot nya "Binili ko? Eh wala akong pambili nito." Sabi ko ng makalapit sa sasakyan "Oo nga't pangarap ko to pero... Hindi ako bumili nyan." Nagugulohan kong sagot.



"Kailangan nyo na po yang bayaran Mam, ito po" pinakita nya sakin ang cellphone nya, nandon ang cellphone number ko at katext nya ako. Shit! Ano to? Wala akong binibiling sasakyan.



"No. Hindi po ako bumili ng lamborghini. Baka po may gumamit lang ng number ko. Pasensya na po." Sabi ko.



"Marami pong nakakakilala dito sa girlfriend ko kaya maaaring may nagpagawa ng number na tulad ng kanya." Biglang ani Drakeir nang makalapit samin at pinalibot nya ang kamay sa bewang ko.



"Mam, ito po babayaran nyo." Pinakita saakin ang halaga non. Sobrang laki milyon sya, halos mabilaukan ako sa kinatatayoan ko.



"Pasensya na po talaga... Gusto ko man kunin ang sasakyan dahil dream ko yan pero wala akong ganyang halaga ng pera at di rin ako marunong magdrive..." Binili ko raw? Tumalikod na kami at papasok na sana ng hospital ng makarinig kami ng sigaw. Napaharap kami. Nanlaki ang mata ko sa aking nakita.



May mga bagay bagay talaga na hindi natin inaasahan lalo na kung buhay na pala ang kukunin. Habang maaga pa magpakasaya na pero wag naman kasobra baka pagnasobrahan ay iyong ikapahamak. Tulad nalang ni Rhea na gustong maangkin si Drakeir kahit na may taong mapahamak, nasobrahan sya kaya imbes na maging masaya, iba ang nangyari.













BLACKxNEON

KUYA - [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon