Nagising ako ng maaga. Kahit nitong mga nakaraang araw, puyat na puyat ako. At ngayon, maaga pa rin ako nagising.
Naghahanda na ng almusal si Manang. Kumain na rin kami at nang matapos ay nagpalit na kami ng damit. Naligo ako, light make up. Nang lumabas ako ay tumungo na kami sa labas ng gate.
"Kung marunong ka na sana magdrive. Ede sana naka convoy ka samin hahaa..." Biro ni Daddy. Pumasok ako sa back seat at sa driver seat si Daddy at side si Mommy.
Nilagay ko ang airpods sa tenga ko at nagpatugtog ng paborito kong kantang 'Ill Be There'.
Sinasabayan ko pa yon. Napatingala ako sa langit at tirik na tirik ang araw ngayon. Ngumiti ako nang maalala ko si Tristan. He's my boy bestfriend.
Naka green fitted dress ako at sandals. Nakatanggap ako ng text mula kay Drakeir na papunta na sila sa restaurant ng hotel.
Nagsimba muna kami. May bumabati saking kaschool mate at yung iba naman ay nakilala ko sa ibang school.
Pinaandar na ni Daddy ang sasakyan papunta sa Hotel. Napatingala ako sa laki ng building. Ang taas. Sobra.
Pumasok kami ron. Pero natigil si Mommy ng makatanggap sya ng text galing sa kapatid nya "Nasa restaurant daw sila. Naghanda raw ng pagkain..." Ani Mommy. Sumunod kami papunta sa restaurant ng hotel. Nasa gilid lang at malaki yon. Bumungad samin ang mga waiters na nakacustome pang Christmas. Grabe ang trabaho nila. Kahit pasko ay may trabaho.
Pinagmasdan ko ang paligid dahil may mga family at magjojowa ron. Naalala ko tuloy si Drakeir.
"I MISS YOU..." napabaling ang tingin ko sa babaeng yumakap kay Mommy. Maganda sya medyo kahawig nga nya si Mommy. Wait a minute. Temperatura mong mainit. Pamilyar sya sakin.
"I Miss you... Hinanap ko kayo..." Ani Mommy at napansin kong umiiyak na sya. Tears of joy.
Lumapit si Daddy sa kanya at inalo sya. Bumaling sakin si Mommy at lumapit ako.
"Si Zaye, Driana. Anak ko..." Anya. Medyo gulat si Tita Driana at ngumiti sakin. Nagbeso sya sakin.
"Ah... Ito naman yung pamangkin mo Ate Elena..." Agad nyang tinawag ang isang babae na panganay sunod ang lalaki" kumunot ang noo ko dahil may kamukha yung dalawa "At ito yung pangatlo ko"
Pakiramdam ko nanghihina ako sa kinatatayoan ko. Bakit? Anong nangayayari. Bakit ikaw? As in ikaw? Pinsan kita?
"Si Daniela panganay ko nurse na. Naalala mo Ate? Si Drove pangalawa sumunod sa yapak ng kanyang ama bilang policeman. At at bunso ko si Drakeir. Soon to be a pilot naman hahaha..." Anya.
Nanigas ako sa kinatatayoan ko. Napahawak ako sa braso ni Daddy. Naramdaman ko ang biglang baling nya sakin. Nanlaki rin ang mata ni Mommy at Daddy habang nakatingin kay Drakeir.
"Zaye?..." Garalgal nyang ani. Shit! Oh God! Magpinsan kami? For real? Boyfriend ko ang pinsan ko? No no no.
"Drake-ir..." Hirap kong banggit. "Mag- magpinsan tayo?" Ngapa kong sabi.
"Bakit may problema ba?" Ani Tita Driana at pumalakpak pa "Nice! Magkakilala pala kayo hahaha..." Anya.
"WHAT?! ANAK MO ANG BOYFRIEND NG ANAK KO DRIANA?" Biglaang sigaw ni Mommy. Dinalohan sya ni Daddy.
Nanlaki ang mata ni Tita Driana. "Mag- magjowa kayo? Pano panong nangayari yon?" Gulat pa nyang sabi.
"Hindi to pwede! Hindi pwedeng magkaasawa kayo pagdating ng panahon. Maghiwalay kayo. Magcousin kayo hindi to pwede! Lintik na." Ani ng Dad ni Drakeir.
BINABASA MO ANG
KUYA - [COMPLETED✓]
Genel KurguSI ELOIZAH MACVER AY BABAENG MASIYAHIN, MAY MAGANDANG BOSES AT MAPAGMAHAL SA LAHAT. MAY NAKILALA SYANG LALAKI NA KUNG TAWAGIN NYA AY 'KUYA'. MARAMING PAGSUBOK ANG DUMATING SA KANYANG BUHAY AT KAILANGAN NYANG MALAGPASAN. GRABENG PASAKIT ANG NARANASAN...