PAGE 77: EGG

38 6 0
                                    





Ang gift saking Lamborghini Car ni Daddy ay pinadala yon sa Korea. Kahit mahal nagbayad si Daddy para lang madala yon don. Sa barko pa. Tinuroan ako ni Daddy sa pagdrive kaya kalaunan ay natutunan ko naman.



Nakarating na kami sa Pilipinas. May nag aantay na valet sa airport kaya agarang binigay ang susi sa kanya. Pinasakay na agad nya ako sa loob habang ang mga maleta ay nilagay nya sa likod ng sasakyan.

Pinaharurot na nya yon. Paminsan minsan ay sumusulyap sya sakin at ngumingiti.

"Ano? Tingin ka ng tingin?" Ani ko.

Umiling sya at tumawa ng bahagya.

"Sa hotel moko ihatid. Nagpabook ako ng hotel room." Ani ko.

Kumunot ang noo nya at bumaling sakin "Hindi ba pwedeng sa bahay nalang?" Anya.



"Nakakahiya kala Tita Driana. Kung maaari ay sa Hotel nalang." Ani ko.




Nakarating na kami sa hotel na sinasabi ko. Pumasok kami sa room at nilapag ang maleta ko.

Napabaling ako sa isa pang maleta. "Kanino yan?" Tanong ko.


"Sakin. Ayaw mong sa bahay ede ako yung nag adjust" anya.

Napairap nalang ako.


"Bukas ba reunion nyo? Anong oras?" Tanong nya habang inaayos ang mga gamit namin sa cabinet.


"9am daw bukas hanggang gabi. Sa Hanel Student School raw gaganapin ng umaga. Hapon naman ay sa Plaza Veinpua." Sagot ko.

Nahiga ako sa kama para magpanhinga muna. Napatitig ako sa singsing na nasa daliri ko. Naalala ko yung nangyaring isinuot nya to sakin at tinanong nya ako. Hindi ko akalaing ako pa rin pala kahit 12 years ago na.



Nagising ako sa amoy ng niluluto. Napamulat ako at nagulat pa dahil nasa tray ang niluto nyang adobong manok. "Dinner in bed, together..." Anya.

Napatingin ako sa wall clock dahil 6:20pm na pala. 3hours pala akong nakatulog.


"Kain na tayo, para ikaw na next kong kakainin HAHAHAHA!" Humalagpak sya ng tawa.


"Tumigil  ka nga!" Hinampas ko sya ng unan.


Hindi pa rin nagbabago si Drakeir. Masiyahin at maalaga pa rin. Kaya hindi na ako magtataka kung maraming nagkakagusto sa kanya.


Naalala ko si Rhea. Asan na kaya sya?


"Si Rhea nga pala kumusta na?" Desperado kong tanong.

Sumulyap sya sakin at sinuboan ako ng kanin at ulam.

Sunubo rin muna sya bago sumagot "Nasa Mental Hospital pa rin. One time nagbisita sina Mom pero hindi ako pumunta. Hinahanap daw ako. Hindi kona kailangan pang magpakita, baka mas lalo pang maglala ang sakit nya."


"Ah... Hindi pala sya nakulong kung ganon?"



Umiling sya "Hindi eh." Anya. "Gusto mo ba syang puntahan? Hindi ka pa ba natatahimik?"


Gusto kong malaman kung ano nang estado nya ngayon. Gusto ko syang patayin dahil sa ginawa nya kay Tristan pero kahit ano atang gawin o isipin ko hindi ako magiging masaya dahil hindi na mababalik pa ang buhay ng kaibigan ko.



"Sige, bisitahin natin sya."


Tumango sya at nagsimula nang kumain.


Kinabukasan ay nagising ako ng 7am. Katabi ko si Drakeir sa kama pero ngayon ay wala sya. Kinabahan ako. Nasan sya? O baka nananaginip lang ako na magkasama kami? Nagising na ba ako sa panaginip na yon?


Nawala ang kaba ko ng makita ko syang lumabas galing sa cr. Bagong ligo pa. Napatitig ako sa abs, muscles, biceps nya. Shit! Bakit ba ganto katikas tong lalaki na to? Kahit hindi naman sya nang aakit ay naaakit ako kahit wala syang ginagawa.

Ngumiti sya at lumapit sakin "Good Morning Baby..." Sabay kiss nya sa labi ko.

Napatakip ako sa bibig ko dahil hindi pa ako nag totoothbrush. Tumakbo ako sa loob ng banyo at nagtoothbrush. Narinig kopa ang paghalakhak nya. Siraulo!

Lumabas ako ng cr at tumumbad sakin ang wala nyang suot na damit. Tanging board shorts lang ang suot nya. Habang nakatalikod nagluluto sya ng hotdog at bacon. Naka apron pa sya habang kumakanta ng 'Ill never go'.



Lumapit ako sa kanya at sinilip ang niluluto nya. "Ang bango..."



Tumingin sya sakin at ngumisi "Well... Mabango naman ako kahit saang anggulo right?" Mas lalong ngumisi.


Umirap ako at pinagkrus ang braso sa dibdib "Yung niluluto ang tinutukoy ko hindi ikaw!" Sabi ko at tumalikod na para umupo.

Nilapag nya ang niluto sa harap ko at lumapit pa sakin ng bahagya para may sabihin "Wag moko tatarayan kung ayaw mo ulit makalakad..." Anya at tinalikoran na ako.


Bumusangot ako "Bastos!" Pabulong kong sabi pero alam kong maririnig nya. Tumawa sya at umupo na rin sa tabi ko.

Nagpray muna kami bago kumain.


Infairness, ang sarap nya maluto. Perfect na para mag asawa. Ang swerte ko naman.

"Ang sarap ng egg no?" Baling nya sakin at tumango ako "egg ko..." Pahalinghing nyang ani sa huli. Hinampas ko ang braso nya tumawa sya ng marahan.


Naligo at nagbihis na rin ako dahil malapit nang mag 9am.


Nag light make up lang ako at pink fitted dress at 4inches sandals. Naka black pants at blue long sleeve naman si Drakeir. Tinupi nya pa hanggang siko.

Kinuha ko ang purse ko at tumungo na kami palabas ng hotel.

Sumakay kami sa kotse nya. Tinawagan sya ng Mom nya.


"Hello Mom... Yes Mom nandito na kami sa Pilipinas kasama ang asawa ko... Hahahaha, I told you uuwi akong kasama sya. Maghanda kayo Mom nang salo salo a day after tomorrow. Pag uusapan natin ang kasal... Yes Mom, uuwi ang parents ni Baby, siguro bukas... Thank you Mom. Bye! I love you ingat." Anya at pinatay na ang tawag.


Baby raw? Bat parang nahihiya ako sa tuwing sinasabi nyang baby nya ko.

KUYA - [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon