PAGE 54: YOUR LIPS IS MINE

41 7 0
                                    




"Sakay ka miss beautiful?"


Akmang bubuksan ko na ang pinto ng taxi ng biglang may pumigil ron gamit ang kamay. Napaharap ako sa kanya habang kinukulong nya ako sa kanyang braso. Humalakhak ang driver.



Igting ang panga ni Kuya Drakeir habang nakahalukipkip ng tingin saakin.




"Sige na Manong di po kami. Sasakay." May diin nyang anya.


Tinapik nya ang bubong ng taxi at tumayo ng tuwid. Nakaalis na ang taxi. Agad nyang pinaglandas ang kamay namin at napatianod ako sa hila nya.


"San Tayo?" Ani ko.


D pa sya nagsasalita at tumigil kami sa isang nakaparadang kotse. Kanya ata to. Iba't ibang kotse kasi ang nakikita kong gamit nya.



Hinarap nya ako, kunot ang noo "Bakit ka magtataxi? Uuwi kana? Akala ko ba ok lang sayo na lumabas Tayo? D ba sayo sinabi ni Veron na ako na maghahatid sayo?" Mahinahon nyang anya pero nandon ang diin.



"Sinabi nya. Akala ko kasi matatagalan kapa kaya uuwi nalang sana ako." Pagdadahilan ko.



May pumaradang bus at agad ako rong pumasok. Tinatawag ako ni Kuya Drakeir pero di ko nililingon, sa halip ay umupo ako sa bakanteng upuan.



"Zaye! Dito tayo sasakay. Balik ka rito." Tawag nya. Habang nakatingin sya sakin mula sa bintana ng bus. Deretso lang ang tingin ko sa harap.



Agad syang pumasok ng bus, tinitigan pa nya muna ako bago umupo sa aking tabi.


"Bakit ba nagagalit ka Zaye? May problema ba? Sabihin mo para di naman tayo ganto."


D ako nagsalita. Ah! So di nya alam? Panong di nya alam yung nakita ko kanina eh sumugod sa room nila si Veron. Bat parang wala syang nararamdaman kung bakit ako nagkakanto? Bat parang wala syang alam.

Sa halip na magsalita ay chinat ko si Veron, nakaonline sya ngayon.



To: Veron Quila
   (Hindi mo ba sinabi kay Kuya Drakeir na nakita ko yung nangyari sa kanila kanina ni Ate Rhea?)



"Sino kausap mo?" Biglang anya. D ako nagsalita sa halip ay binasa ang reply ni Veron.


From: Veron Quila
    (Di nya alam. Ang alam nila ako lang nakakita. Pero si Ate Rhea alam nyang nakita mo sila sa ayos dahil ngumisi pa eh diba!?)



Napapikit nalang ako. Shit! Lang. Di naman pala alam ni Kuya Drakeir.



"Ano ba kayo ni Ate Rhea?" Bigla kong tanong habang nakatingin ng deretso sa unahan ng bus.


"Friends kami since junior high." Anya. "Nagseselos kaba kay Rhea?" Napabaling ang tingin ko sa kanya, habang sya'y nanliliit ang mata at nakangisi.




"May karapatan ba akong magselos? Wala naman diba. Dahil di kita pag mamay ari."



"So... Nagseselos ka nga?" Ngumiti sya "Mahal mo na ako?" Ngumisi sya.



"Oo! Mahal kita kaya nagseselos ako. Nakita ko kayo sa ayos nyo kanina habang nagpe-paper dance. Pero ano nga ba namang karapatan kong magselos at sumugod diba? Eh wala namang tayo---"




Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla nya akong sinunggaban ng halik. Shits! Biglang bumalik sa akin ang alala nung nasa canteen kami at ninakawan nya ako ng halik. Ito ang pangalawang beses ng hinalikan nya ako. Napapikit ako ng pinaglandas nya ang labi nya sa labi ko. Napaka gentle ng bawat galaw at kibot ng labi nya. Napahawak ako sa dibdib nya. Tumigil sya at lumanghap ng hangin. Ganon rin ako.




Di ako sanay ng may humahalik sakin. Ito ang pangalawang beses pero parang unang beses naming kissing. Nung nasa canteen kami dinampian nya lang ako. Pero ngayon, medyo matagal at may galaw.




Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at tiningnan ako sa mata.



"I kissed you very gentle and romantic. So... Your lips is mine. Walang pwedeng humalik sayo kundi ako lang." Matama nyang sinabi.



Napatingin ako sa mga tao baka may nakakita pero wala naman. May nagchichikahan, may nagcecellphone halos busy ang mga nasa bus.


Nalukot ang puso ko ng makita ang isang matanda na at medyo kuba na nakatayo sa gitna ng bus. Nakahawak lang sya sa sandalan ng upuan para maging maayos ang pagkakatayo nya.



"Sorry Zaye... Sorry kung nagseselos ka..." Marami pa syang sinabi pero agad akong tumayo at umalis sa kinauupoan ko.


"Lolo... Don kana po sa upuan ko, seniors kana po. Kailangan nyo pong maupo para maging maayos ang inyong byahe" ani ko.


"Ha? Babae ka. Don kana sige na. Ok lang ako dito." Anya.


Panay ang pagpilit ko kay Lolo.


"Oh sige sige... Medyo malayo pa ang bahay ko. Salamat ha!" Hinawakan nya ako sa balikat "May nararamdaman kang sakit ngayon. Nararamdaman ko. Hindi pa yan ang sakit na mararamdaman pagkatapos ng lahat. Mag ingat ka apo." Anya.



Nagulat ako sa biglaang sinabi ni Lolo. Tumango lang ako.



Napahawak ako sa sandalan ng upuan ng biglang umalon ang daan. Nahawakan ni Kuya Drakeir ang kamay ko. Tumayo sya at iminuwestra sa akin ang kinauupoan nya. Umiling ako. Bumuntong hininga sya.


"Sige na upo kana. Ako nalang ang tatayo." Anya




Umiling ako.

Pinilit nya pa ako pero di talaga ako umupo. Ano? Sya nalang lagi masusunod.



"Hay nako! Nagtatalo pa kayo kung sino uupo! Ako nalang ako!" Anya ng isang babae.


Nagkatinginan kami ni Kuya Drakeir at sabay na umiling.












BLACKxNEON

KUYA - [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon