DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT🙏🏻
GOD BLESSED PO😇
"TARA NAAA!! eeehhh" panay ang hila sakin ni Veron dahil magsisimula na ang sayaw ng Grade 11 and 12
"Don't you dare dragged her! Veron!" Singhal sa kanya ni Tristan
Bakit ba ang hilig nitong manghila ni Veron
"Ngek! May pa English mayor ha! Hahaha" ani Veron habang umaaksyon na natatawa "Ehhh! Kasi naman ehhh! Magsisimula na ang Grade 11 let's go naaa" ani habang hawak ni Veron ang akming braso
"Ok ok!" Sabi ko ang tumungo kami palabas habang nakasunod saamin sina Tristan
"Tingin nyo! Andami na tuloy nanunood d ko na makikita ng malapitan" sambit ni Veron habang pinapadyak padyak ang kanyang paa
"Gustong makita ng malapitan Ang Crush! Haha" Ani Tristan habang tumatawa, "Gelon! May crush nanaman si Veron kawawa ka boy! Hahaha" tinapik pa ni Tristan si Gelon
Umiling iling lang si Gelon
"Ngek! Ede wow kayo! Bahala nga kayo dyan!" Ani Veron at hinila nya, napasingit tuloy kami sa mga taong nanunuod hanggang sa nakapunta kami sa harapan ng bigla akong may natapakang paa!
"Aaackkkk!" Sigaw ko dahil mapapahiga na ako sa sahig, naramdaman ko nalang na napahawak ako habang nakapikit
Si Veron ata tong nahawakan ko, pero teka bakit antigas?
Unti unti kong iminulat ang mga mata ko, nakatitig sya sakin, oh mey geds! Oh mey geds telege! Yung mga mata nya kumikislap, yung kilay na makapal, ang buhok nyang kulot ay mas lalong nakakagwapo sa kanya, his biceps d masyadong malaki pero matigas, ang matigas na nahahawakan ko pala ay ang kanyang biceps, ang kilay nyang malantik ay nakakaakit tingnan
Pero teka! Nasan ba ako? Like I'm Lying In The Sky... Oh goshhh! Para akong isang sanggol na henehele
Kaya pala hindi man lang ako natumba sa lupa ay dahil nasalo nya ako, habang ang dalawa nyang kamay ay nakasalo sa aking likod at ang right hand ko ay nakahawak sa kanyang kaliwang braso
Hmmm! Para akong nakahiga sa ulap at pinagmamasdan ang magandang tanawin na katulad sa nakikita ko sa lalaking ito ngayon na si Kuya Drakeir
"Ehem" ani Veron
Shit! Nandito nga pala kami sa labas, naramdaman ko nalang ang sarili kong napapangiti pala kanina pa, nang makabalik ako sa sarili ay napatayo agad ako ng tuwid
"Salamat" sabi ko agad, hoy Zaye! Bakit ka magpapasalamat? Eh kasalanan nya dahil alam naman nyang maraming tao, doon pa sya puwesto sa harapan "Teka! Kasalanan mo Kuya Drakeir yon! Dahil nandyan ka!" Sabi ko at sinamaan sya ng tingin
Nag walk out ako, napansin ko nalang na tinatawag ako ni Tristan, asan na ba si Veron d man lang sumunod
Hmmm? Nakita ba ng lahat ang nangyare? Shit! Kakahiya naman
"Oy! Teka Zaye" hinawakan ni Tristan ang braso ako kaya napaharap naman ako ng nakakunot ang noo, tiningnan ko sya ng nagtatanong na tingin "Listen! D yon kasalanan ni Kuya Drakeir kasi sila naman ang nauna don sa unahan at nadating palang kayo at hindi nyo alam na mangyayari yon buti nalang nasalo ka nya, means walang may kasalanan" ani Tristan
Oo nga no! Walang may kasalanan, shit! Nasigawan ko pa si Kuya Drakeir!
"San ka pupunta?" Tanong ni Tristan
"Bakit sama ka?" Sabi ko
"Sige Tara---" hinawakan ni Tristan ang kamay ko
"Sa Cr" dugtong ko habang tumatawa
Agad nyang binitawan kamay ko "d ako manyak! Sige mag Cr kana! I'll wait in our classroom" sabi nya
At nagpalit na ako ng damit sa Cr
Sumasayaw na yung Grade 11 and 12 pero mukhang hindi kasali sina Kuya Drakeir, siguro may sinalihan silang iba, baka pang gabi sila tulad namin
BLACKxNEON
BINABASA MO ANG
KUYA - [COMPLETED✓]
Ficción GeneralSI ELOIZAH MACVER AY BABAENG MASIYAHIN, MAY MAGANDANG BOSES AT MAPAGMAHAL SA LAHAT. MAY NAKILALA SYANG LALAKI NA KUNG TAWAGIN NYA AY 'KUYA'. MARAMING PAGSUBOK ANG DUMATING SA KANYANG BUHAY AT KAILANGAN NYANG MALAGPASAN. GRABENG PASAKIT ANG NARANASAN...