PAGE 46: BARKADA

37 8 0
                                    






CARLO MATRIZ POV'




Ngayon. Alam ko na ang pakiramdam ng masaktan. Ganto pala. Ganto pala yung naramdaman mo Tristan nong nafriendzone ka ni Zaye. Pero feeling ko mas masakit tong akin dahil galing sa taong nagugustohan ko. Pinagsalitaan ako ng masasakit na salita.




Hinila ni Veron ang buhok ni Eli, sabay sabunot dito.



Napatingin ako sa paligid na maraming nag tetake ng picture at video.




Bakit nandito sila? Kulang si Zaye sya ang wala.





Agad akong napaupo sa sahig ng may biglang sumuntok sakin. Tumingala ako. Si Hansent ang sumuntok saakin.




"Ikaw babae. Malandi ka malandi ka." Ani Veron habang si Eli ay nasa sahig nakahiga, nasa ibabaw nya si Veron na panay ang sampal at sabunot sa kanya "Oh! Diba! Bakit ha! Bakit mo ginanon barkada namin! Bakit!"





Lumapit si Gelon kay Veron at inalis to sa pagkakaibabaw ni Eli.




Tumayo si Eli na gulong gulo ang buhok at damit.




Humarap si Eli kay Veron sabay pinagkrus ang braso, tinaas ang kaliwang kilay, Taray. "Oo. Malandi ako. At alam ko yon. Ganda ko diba!" Sabay flip ng hair nya " daming nagkakagusto sakin. Eh sayo ba meron?"





"Wow! Hahaha. Inaming malandi---" ani Veron sabay palakpak.






"Atlis aminado ako." Sagot ni Eli.





"Eh. Loka loka ka pala eh." Sabat ni Paul.




"Try mo kaya magnilandi. Masarap." Eli licked her lower lips.




"Yucks. Muka kang butiki. Hahaha" ani Veron, sabay tawanan nila.




Agad lumapit si Eli at sinabunotan si Veron. Nagsubunotan sila. Si Gelon at Tristan naman ay panay ang pigil sa dalawa. Pero hindi mapigil pigil. Nagsasagotan si Eli at Veron. Si Paul naman ay lumapit sakin.




"Mag usap tayo pagkatapos nitong gulo." Pagalit na ani Paul, sabay tapik sa balikat ko, tumingin sya kay Hansent na nanonood lang sa nag aaway na dalwang babae "bakit d mo tulongan ang girlfriend mo? Wala ka palang kwentang boyfriend" ani Paul.




Agad sinuntok ni Hansent si Paul, sumuntok rin si Paul. Hanggang sa may dumating na mga lalaki. Sinuntok si Paul, Gelon, Tristan.




Lumapit ako kay Eli at Veron.




Nagtitilian ang mga nakikiusosyo, may tumatawa at nagsasabing kala Veron ako at ang iba naman ay nagsasabing don sila sa malanding ghorl, si Eli raw.





Pilit kong inilalayo si Veron kay Eli "Tama na tama na yan." Naiiyak na ako. Lalaki ako pero pag masakit talagang maiiyak ka nalang sa sakit "tama na. Nasasaktan nang masyado si Eli"





Biglang tumigil si Veron at tiningnan ako ng masama.




"Ah... Mas kinakampihan mo pa tong babae na to? Sinaktan ka nya Carlo! Sinaktan ka. Barkada mo kami. Kaya pag may nangyari isa satin. Nandyan agad tayo para tulungan dahil barkada tayo. Barkada. Tropa."





"Iniisip ko lang kasi baka kung saan humantong ang nangyaring ito." Ani ko






"ENOUGH!!!..." biglaang sigaw ni Veron.




Napatingin ako sa kanila at natahimik ang lahat, pati ang mga taong nanunuod at tumahimik rin sa lakas ng sigaw ni Veron.




Lumapit si Gelon kay Veron at kinamusta to.


Lumapit ako kay Eli "Kung ganto pala ang mangyayari sana pala d nako pumunta dito. Mas pinili ko pala dapat ang barkada ko kesa sa pagkikita natin ngayon." Tumingin ako sa likod ko kung nasaan si Hansent, kausap nya ang mga lalaking dumating kanina, sa palagay ko'y tropa nya, pero mukhang nga adik kumpara sa kanya "Hansent." Sabay tawag ko sa kanya humarap agad sya at madilim ang ekpresyon ng mukha "Dalhin mo sa ospital si Eli para mabigyan ng first aid ang kanyang sugat na natamo" mahinahon kong sabi, humarap ako kala Veron "Tara na mag siuwi na tayo."





"Ang bait ni Carlo noh! May care pa rin sya sayo kahit sinaktan kana nya. Pag napatawag tayong lahat sa baranggay. Dapat nandon kayo. Dahil sa eksenang naganap. Marahil alam na to ng pamilya natin" tiningnan isa isa ni Veron "at kayong mga kumukuha ng video, mag siuwi na kayo. Mga Tsismosa." Dagdag ni Veron.





"Sana ito na ang huling pag uusap nyo ni Carlo. Napahamak mo kami dahil sa chat na nangyari sa inyo ni Carlo" ani Paul.





"Wag basta basta gagawa ng Mali na ikapapahamak. Dahil  sa nangyari lahat damay" ani Tristan.





"Ano pang iniintay intay mo?" Ani Veron kay Hansent "Dalahin mo na sa Ospital yang girlfriend mo. Magaling sa paglalandi pero talo ko naman pala sa pakikipag away"






Nagsialisan ang lahat. Lumapit sakin sina Tristan, Paul, Gelon at Veron naupo kami sa upuan kanina kung saan ako naupo.




Walang nagsasalita saamin. Bumubuntong hininga lamang sila.




"Kanino to?" Ani Veron sa katahimikan. Wala syang natamong galos. Si Veron kasi yung taong malakas kung makipaglaban, d ka aatrasan pag alam nyang mali ka.




D ako sumagot. Yon dapat yong kakainin namin habang nagkwekwentohan. Pero d natuloy dahil sa eksenang naganap kanina.





"Nandito lang kami palaging Barkada mo Carlo. Dapat walang tayong tinatago sa isa't isa. Sana aral na yong nangyari kanina" ani Tristan.





Nagsiakitan na ang lahat na uuwi na dahil madilim na ang kalangitan. Gabi na.





Nang makauwi nag online ako, delete conversation. Yon agad ang ginawa ko.





Sa nangyari. Hindi pala dapat basta basta magtitiwala kahit matagal na kayong nag uusap. Isa yong aral na natutunan ko na dapat kilalanin nyo ang isa't isa sa personal hindi lamang sa social media.






Kailangan ko bang mag move on? Kung dati may nagpapakilig sakin. Simula ngayon wala na. Wala na as in.





Atlis bata pa naman ako eh. 16years old palang ako, mga kaibigan ko muna ang uunahin ko at lalo na ang family ko.





Siguro kung d dumating ang mga kaibigan ko kanina, siguro bugbog sarado na ako or napatay ako sa bugbog. Marami palang nag aabang. May kasama pala sila. Maraming nagchachat sakin, pero sa kanya ako sumaya at sa kanya rin ako nakaramdam ng sakit.




Salamat dahil nakilala kita, nagpapasalamat ako dahil sa ilang buwan nating pag chachat. Napasaya moko at naramdaman ko kung pano umibig.





First meet. First pain.












AUTHOR'S NOTE: WAG BASTA BASTA MAKIKIPAG MEET. BAKA MANGYARI RIN SAYO ANG NANGYARI KAY CARLO. THANKS AND GOD BLESSED😇.













BLACKxNEON

KUYA - [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon