12: The Outburst

1.7K 51 0
                                    

Rex

"What the fvck, Gabriel?" Galit kong mura kay Gabriel at sinuntok ito sa kanyang balikat.

"What? Ano na naman ang ginawa ko, babe?" Tugon ni Gabriel at nagmaang-maangan pang walang alam sa kung ano ang sinasabi ko.

"You're trying so damn hard to let Zie know our past. Why the fvck are you doing it?" Tanong ko kay Gabriel habang naglalakad kami sa medyo maputik na daan patungo sa ubasan nila Gabriel.

"I don't know what you're talking about, babe. If I know, Zie was just curious why you look at me as if I am your world." Nakangising sambit ni Gabriel at nang rumehistro sa aking isipan ang kanyang sinabi ay mabilis ang aking kamao na sinuntok ang kanyang braso pero hindi man lang ito nasaktan.

"You're hallucinating, Gab." Tugon ko rito dahilan para mahina itong mapatawa.

"Seriously, stop thinking about what Zie would think about us, babe." Sambit ni Gabriel at bigla akong inakbayan sa aking balikat, gusto ko sanang alisin ang kamay nito sa aking balikat pero sa hindi ko malamang kadahilanan ay nakakagaan ng loob ang pagdikit ng kamay nito sa aking balat kaya sa huli ay hinayaan ko na lamang Gabriel sa gusto nitong gawin.

"About us? There's no us, Gabriel." Sambit ko sa kanya at napalunok ng laway nang makaramdan ako ng kirot sa aking dibdib.

"What happened to us, babe?" Ang tanging tugon lamang ni Gabriel na puno ng sakit ang tono ng kanyang boses.

Hindi ko mapigilang kumyusin ang aking kamay nang makaramdan ako ng pagkainis sa sinabi nito.

"Don't fvcking asked me that question, Gabriel. Alam mo kung ano ang nangyari, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan iyon." Tugon ko rito sa matigas na boses at kahit na gustong-gusto ko ang pakiramdam na nakapatong ang kanyang kamay sa aking balikat ay inalis ko ito sa aking balikat at nauna nang maglakad sa kanya.

"Puta naman, Rex, ilang beses mo ba akong gustong humingi ng sorry sa'yo? I already divorce your sister. It's been fvcking years, bakit hindi nalang natin ibalik ang kung anong meron tayo dati?" Sambit ni Gabriel dahilan para mapahinto ako sa aking paglalakad dito sa maputik na daan, umigting ang aking panga sa galit nang marinig ang kanyang sinabi.

"She's my stepsister at wala akong pakialam kung divorce na kayo. Hindi ganoon kadali iyon, Gab, hindi ko alam kung kaya ko pang bumalik sa dati. I am a fvcking straight at that time, Gab, and then you seduce me, you fvcked me." Sambit ko rito at dinuro-duro ito, akmang magsasalita na si Gabriel nang pigilan ko ito.

"Sobrang lito ko dahil hindi ko alam kung bakit ko nagugustuhan ang mga pinaggagawa mo sa akin noon. And then one day, mababalitaan ko na lang na ikakasal ka sa putang babaeng 'yon? Para saan? Para sa pera? I can give you all the money in the world, Gab, ganoon ako kahibang sa'yo noon. You turn me into this, Gab, I became a sadist when you leave me, hindi ko alam pero naiibsan iyong sakit na nararamdaman ko sa tuwing sinasaktan ko ang mga hayok na lalaking handang gawin ang lahat matikman lang itong tití ko. Every time I inflicted them with so much pain, feeling ko hindi lang ako ang nag-iisang nasasaktan sa putanginang mundo na 'to. You don't have any idea what happened to me after you call it quits." Sambit ko kay Gabriel sa gumagaralgal na boses, hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal ngayon lalo na't ilang taon ko na ring kinikimkim ang sakit na nararamdaman ko, ilang taon ko na ring kinikimkim ang mga salitang gusto kong isumbat sa kanya.

"I'm sorry, Rex." Ang tanging nasambit lamang ni Gabriel, ramdam ko ang lungkot sa tono ng boses nito pero hindi ako nagpatinag.

"Save your sorry, Gab. Wala na rin namang mababago kahit na ilang beses ka pang humingi ng sorry sa akin, just promise me that you will help Zie in his mission, help Zie take Ashton back please." Sambit ko at hindi na napigilan pa ang aking emosyon, dahan-dahang tumulo ang luha sa aking mga mata.

"Why are you so eager to take Ashton back, babe? Si Zie ang dahilan kung bakit wala si Ashton dito ngayon, he fvcking sold Ashton to Luciano. It's Zie's fault why this is happening kaya hindi ko alam kung bakit ba pinoproblema mo pa ang problema nila? Let Zie handle the mess that he did." Tugon ni Gabriel na hindi mapigilang magtaas ng boses. Mariin lamang akong umiling-iling sa sinabi nito.

"No! It's all my fault." Sambit ko dahilan para mapakunot-noo si Gabriel.

"What do you mean? Paano mo naging kasalanan ito?" Nagtatakang tanong ni Gabriel.

"My conscience is slowly eating me, Gab." Pagtatapat ko sa kanya, wala na akong pakialam kung ano na ang tingin sa akin ni Gabriel ngayon dahil sa patuloy pa rin sa pag-agos ang aking luha. Normal lang naman siguro sa lalaki ang umiyak, we have feelings too.

"What the fvck are you talking, babe? May hindi ba ako alam tungkol sa'yo?" Tanong ni Gabriel habang dahan-dahan itong lumapit sa akin at hinawakan ang aking balikat. Nang magtagpo ang aming mga mata ay mas lalo lamang akong naiyak.

"What the fvck is happening, babe? Bakit ka ba nakokonsensya sa nangyari kay Ashton?" Takang tanong ni Gabriel.

"I am the reason why Ashton and Zie met, the original plan is kukunin ko sa kanya si Ashton kinabukasan pero nagka-interes si Zie sa kanya and hinayaan ko na lamang sila. If I only took Ashton from him, hindi sana ito nangyari sa kanya. The reason why I'm asking for your help is not because of Zie, but because of Ashton. This is all my fault, Gab." Sambit ko kay Gabriel at ipinatong ang aking ulo sa kanyang balikat at doon umiyak. Niyakap naman ako ni Gabriel at hinaplos-haplos nito ang aking likod para patahanin.

"None of this is your fault, babe." Alo ni Gabriel sa akin pero kahit na anong sabihin nito ay hindi ko pa rin maalis sa aking isipan na kasalanan ko kung bakit nasa kamay ni Luciano si Ashton at hindi ako mapapalagay hanggang sa hindi ko makitang muli si Ashton na ligtas at humihinga pa.

"Everyone thinks you're a tough guy, babe. But you're the softest guy I've ever known, the sweetest guy I've ever love. I feel honored that once in my life, I get to experience the softest and sweetest side of you, kung kaya ko lang bumalik sa panahon na wala pang pader sa pagitan natin, babe, kung saan malaya kong naririnig ang mga salitang mahal mo ako ng walang pag-aalinlangan. I can risk everything I have just to go back to what we used before but sadly, this is not some fvcking fiction, I can't force you to love me again." Malungkot na sambit ni Gabriel at ramdam ko ang paghigpit ng pagkakayakap nito sa aking katawan.

Hindi ko alam pero kahit papaano ay naibsan ang sakit na nararamdaman ko pagkarinig sa sinabi ni Gabriel.

"Please don't ever think that it's your fault, babe. Hindi mo alam na mangyayari kay Ashton 'to." Muling sambit ni Gabriel.

"Help me take Ashton back, Gab." Mahinang sambit ko kay Gabriel.

"I'll try me best, babe." Tugon ni Gabriel at kahit papaano ay nakahinga ako ng maayos. Alam kong sobrang hopeless nitong ginagawa namin pero gusto kong isipin na kahit paano ay may tsansa kaming makuha si Ashton sa kamay ni Luciano.

Daddy (Book 3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon