36: Flashback Part 3

1K 38 0
                                    

Zie

"Bilisan niyo at baka ma-late na ako sa klase." Sambit ko sa aking mga kapatid, nagkukumahog naman na bumaba sina Zuck, Zach at Zeke. Wala naman talaga akong pakialam kung ma-late ako sa klase lalo na't napaka-boring ng propesor namin at isa pa ay wala rin naman akong maiintindihan sa lesson. Pero kailangan kong mag madali ngayon dahil preliminary exam namin sa differential equation at kailangan ko pang hanapin ang classroom kung saan ako naka-assign, hindi kasi mga kaklase ko ang makakasama ko sa exam room, paraan iyon ng mga propesor para maiwasan ang pag-cheat ng studyante sa exam.

"Galingan mo sa exam mo mamaya, kuya Zie." Sambit sa akin ni Zuck at matipid ko lang itong nginitian bago ako sumenyas na pumasok na sila sa loob ng sasakyan, nang makapag-seatbelt na sila ay pumasok na rin ako sa loob at binuhay ang makina ng sasakyan.

Hindi naglaon ay nakarating kami sa pribadong paaralan na aming pinapasukan, isa-isa silang bumaba at nagpaalam hanggang sa ako na lang ang natira sa loob ng sasakyan, pumarada ako sa may bakanting lote at kinuha ang aking wallet at agad na bumaba sa sasakyan. Nagtungo ako sa may computer lab kung saan sa labas ay may monitor na nakalagay, tinipa ko ang aking ID number at agad na lumabas sa screen kung saang building ako mag-e-exam at ang aking room number. Walang kagana-gana akong naglakad patungo sa room kung saan ako mag-e-exam, paniguradong babagsak na naman ako ngayon dahil maski isa ay wala akong nakabisado sa itinuro sa akin ni Zuck kagabi kahit na paulit-ulit niya iyong itinuro sa akin.

Medyo puno na ang classroom pagkapasok ko sa loob, naroon na rin ang proctor kaya nagmadali akong umupo sa aking assigned seat at kinuha ang tablet sa aking harapan, muli kong tinipa ang aking ID number sa screen at bumungad sa akin ang questionnaire na naka-blurred. Mayroon pang limang minuto bago magsimula ang exam kaya inilibot ko muna ang aking paningin sa loob ng classroom, wala akong masyadong kilala sa loob, mukhang wala akong kaklase rito, not that familiar ako sa mga mukha ng classmate ko sa differential equation.

Nang ituon ko ang aking tingin sa aking katabi ay bigla na lamang napakunot ang aking noo nang makita ko si Chino, mukhang pati ito ay nagulat din nang makita niya ako.

"What the fvck are you doing here?" Takang tanong ko sa kanya at tinaasan lamang niya ako ng kilay.

"Wala lang, feel ko lang umupo rito." Nakangising sambit ni Chino dahilan para makaramdam ako ng pagka-inis sa kanya.

"Kung sa bagay, kaya mo naman ang tuition sa university na 'to. Limang gabi lang na pagpuputa iyon, easy nalang 'yon sa'yo." Sambit ko at agad nawala ang ngisi sa labi ni Chino at napalitan ng galit, hindi ko alam kung may ibang nakarinig sa sinabi ko pero mukhang wala naman dahil busy ang iba sa pagre-review.

"Tangina mo ka! Huwag mo akong aangasan dito dahil wala tayo sa bahay niyo! Baka gusto mong ipagkalat ko rito na nampi-pick up ng puta ang mommy mo?" Mahina pero mariing sambit ni Chino, umigting ang aking panga sa kanyang sinabi, hindi ko aakalaing babalik sa akin ang sinabi ko sa kanya.

Hindi na ako tumugon sa kanya at itinuon na lamang ang aking atensyon sa tablet na nasa aking harapan.

"Okay! Everybody, please close all your notes and only the tablet will be in the table." Sambit ng proctor at makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ang exam. Awtomatikong luminaw ang questionnaire na nasa tablet.

Agad kong ini-scan ang questionnaire, mayroong 30 items na multiple choice at five items naman para sa problem solving.

"Fvck! Hirap naman nito." Reklamo ko kahit na hindi ko pa naman tuluyang nababasa ang bawat items, unang tingin ko pa lang sa mga equation at numero ay halos malula na ako at sigurado akong wala akong masasagutan sa limang items ng problem solving. Inuna ko na munang sagutan ang multiple choice, binasa ko ang item at tinitingnan ang mga choices, kung ano ang feeling ko na tamang sagot ay iyon ang nilalagyan ko ng check mark.

Daddy (Book 3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon