39: Flashback Part 6

1K 39 2
                                    

Zie

Hapon na nang makauwi ako sa bahay at hindi ko mapigilang magtaka nang makita ko si mommy sa living room kasama ang aming family attorney, may mga papeles na nagkalat sa mesa. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kuryusidad dahil malimit ko lamang makita rito sa bahay si mommy sa ganitong mga oras, isa pa sa ipinagtataka ko ay kung bakit kasama nito si attorney Alvarez.

"What's happening here?" Kuha ko sa kanilang atensyon, agad na napalingon silang dalawa sa akin.

"Your father is being a prick to me, hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ibinibigay sa akin ang perang hinihingi ko and as a consequence, I am selling this house." Tugon ni mommy na para bang sobrang dali lang para rito ang sinasabi nito, hindi ko alam kung bakit napakadali lang sa kanya ibenta ang bahay na 'to kung saan kami nakatira simula bata pa lamang kami, sobrang dami nang mga memories na pinagsamahan namin dito and I won't let her take that away from me.

"Are you out of your fvcking mind mom?" Singhal ko rito pero isang sampal lang ang itinugon nito dahilan para mag-igting ang aking panga sa sobrang galit. Gusto kong magsisigaw sa sobrang galit at pagmumurahin ito pero mariin kong pinigilan ang aking sarili.

Nanlilisik ang aking mata na itinuon ko ang aking tingin kay attorney Alvarez, "I want you out of this house now," sambit ko rito.

Akmang tatayo na ito para lumabas nang pigilan ito ni mommy.

"Don't listen to this ungrateful son of a bitch, give me the papers para mapirmahan ko na." Sambit ni mommy at ito na mismo ang kumuha sa mga papeles na dala ni attorney Alvarez, parang gusto kong matawa sa sinabi nito sa akin, that I am a son of a bitch, mukhang hindi ata nito na-realize na sarili niya ang sinasabihan niya ng bitch, and I am not complaining.

"Get out!" Sighal ko kay attorney Alvarez, kita kong naguguluhan na ito kung sino sa amin ni mommy ang susundin niya.

"Get out now attorney bago ko pa tawagan si daddy at sabihin sa kanya na tinulungan mo si mommy na ibenta ang bahay na 'to. And if that happens, pray hard that heaven will accept you and your family." Pananakot ko kay attorney Alvarez at nagtagumpay naman ako dahil halos mawala ang dugo sa kanyang mukha na hinablot ang mga papeles na hawak ni mommy at nagkukumahog na naglakad palabas ng bahay.

Mom was so angry na nagsisimula na naman itong magsisigaw at itinapon ang lahat ng bagay na nahahawakan nito, bago pa ako nito mahampas ng vase ay nakangising nagtungo na ako sa aking kwarto.

Am I bad for laughing at my mom going batshit crazy again? I don't think so. Pagkapasok ko sa aking kwarto ay agad akong naghubad at kumuha ng isang malinis na tuwalya bago pumasok sa bathroom para maligo.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ako sa pagligo at isinusuot ko na ang aking boxer brief ng ma-realize ko na hindi ko pala napatay ang shower kaya mabilis akong naglakad pabalik sa bathroom pero hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa loob ng bigla na lamang akong mapasigaw nang makaramdan ng ibayong sakit na para bang may pumukpok sa aking ulo, bigla lumabo ang aking paningin dahilan para mawalan ako ng balanse at tuluyan na akong bumulagta sa maginaw na sahig.

Sinubukan kong tingnan ang aking paligid kahit na sobrang labo ng aking paningin, hindi ko alam kung nagha-hallucinate lang ba ako pero may nakita akong babae na nakatayo sa aking uluhan. It must be my mind playing tricks to me, hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang ibayong sakit sa aking ulo hanggang sa hindi ko na makayanan at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

Hindi ko alam kung anong oras na nang imulat ko ang aking mata.

"Fvcking hell!" Impit kong mura nang makaramdan ako ng pangingirot sa aking ulo pero hindi na ito kagaya kanina na sobrang sakit talaga. Nang tuluyan ko ng mabawi ang aking lakas ay babangon na sana ako pero hindi ko magawa. Hindi ko mapigilang mapakunot-noo nang makitang nakagapos ang aking kamay sa headboard ng kama at ang aking paa naman ay nakagapos din.

Daddy (Book 3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon